Chapter 3

2793 Words
HINDI pumasok sa ospital ng isang araw si Ellie dahil sa sama ng pakiramdam niya. Mainit ang temperatura ng katawan niya at nanghihina siya. Wala siyang ganang kumain at lalong hindi pa rin siya nakakatulog nang maayos. Mahaba na ang apat na oras na naitutulog niya sa isang araw. Kinagabihan ay pumasok ulit siya nang pakiramdam niya’y kaya na ulit niya magtrabaho. Noong isang araw pa siya nanggigil kay Dr. Clynes. Ito kasi ang sinisisi niya bakit biglang sumama ang pakiramdam niya. Paninindigan na niya ang bansag sa kanya ng dating katrabaho sa dating ospital sa Cagayan de Oro na isa siyang babaeng sugapa sa lalaki, mang-aagaw, malandi, at kung ano-ano pa. Pero kahit ganoon ang tingin sa kanya ng ibang tao, maipagmamalaki niya na virgin pa siya. Hindi katulad ng iba na sobrang hinhin at mukhang santa pero gamit na gamit na. Bibigay lamang siya sa lalaking talagang mahal niya, at mahal siya. At sisiguruhin niya’ng hindi makakaligtas sa karesma niya si Dr. Clynes. Ilang binata, o may asawa nang doktor ang na-link sa kanya pero siyempre, sa binata siya pumatol. Kahit sabihing sugapa siya sa lalaki ay marunong naman siyang lumugar. Pero sa dami ng lalaking dumaan sa buhay niya ay iisa pa lang ang umabot ng mahigit isang taong pakikipagrelasyon sa kanya—si Dr. Roy Medina, na isang baguhang Doctor of Medicine. Pero sa loob ng isang taon nilang relasyon ay isang beses lang siya nahalikan ng lalaki sa labi, at kung hindi pa niya pinangunahan ay hindi siya mahahalikan. Sobrang conservative at gentleman ni Roy, mamamatay siyang virgin doon. Tanggap na niya na mas mahal ni Roy ang propesyon nito kaysa kanya. Kaya hindi na tumanggap ulit ng manliligaw na doktor, saka na kapag talagang handa na siyang mag-adjust. Alas-nuwebe ng gabi ay magkasama na naman sila ni Jake sa laboratory upang asikasuhin ang mga specimen ng mga pasyente. Aywan lang niya kung hindi pa mahuhulog ang loob ni Jake sa kanya. Alam niya may nobya ito na isa sa kasama nilang nurse pero pang-umaga. Guwapo rin si Jake at mabait, pero wala siyang balak agawin ito sa mataray nitong nobya. “Naka-ilang boyfriend ka na, Ellie?” tanong ni Jake, habang isinasalansan nito ang bote ng mga dugo para ma-examine. Sandali siyang nag-isip. “Hmm… twenty-one,” sagot niya. “Ha? Ang dami na! Ilang taon ka na ba?” manghang wika ni Jake. “Twenty-five,” nakangiting sagot niya. Awtomatikong lumipad ang tingin niya kay Zyrus na nakatayo sa tapat ng working table nito. Busy ito sa pagkalikot sa ini-examine nitong specimen na nakalagay sa glass slide. May dalawang dipa lamang ang layo nito sa kanila. May suot itong N95 mask, gloves at siyempre, and puting coat nito na talaga namang bagay na bagay rito. Ang hot nitong tingnan. “Wow! Ang dami naman nila! Parang damit lang pala ang pagpapalit mo ng boyfriend. Ni isa ba sa kanila wala kang sineryoso?” sabi ni Jake, ang lakas ng boses nito kahit may suot na mask. “Most of them I called fling,” kaswal niyang sabi habang nakatuon pa rin ang tingin sa lokasyon ni Dr. Clynes. “Grabe ka. Ano ba kasi ang hanap mo sa isang lalaki at parang hirap kang makapili?” amuse na tanong ni Jake. “Simple lang naman. Gusto ko ‘yong seryoso sa buhay, medyo suplado, makisig, katamtaman ang tangkad…” Hindi siya natinag nang dumapo sa kanya ang tingin ng guwapong doktor. “I like men in doctor’s coat, na may eyeglasses with poker face but gorgeous,” patuloy niya. “Katulad ni Dr. Clynes?” natatawang sabi ni Jake, at halatang hindi nito napansin ang nabanggit na doktor. “Yap. Katulad niya,” prangkang sagot niya habang nakatitig kay Dr. Clynes. Hindi umilag si Ellie sa may sampung segundong pagtama ng mga mata nila ni Dr. Clynes, kahit pakiramdam niya’y unti-unting tinutupok ng apoy ang katawan niya. Kinagat niya kanyang ibabang labi at pinapungay ang kanyang mga mata na tila nang-aakit. Pero nangawit lang ang leeg niya hindi man lang nagpakita ng kahit anong emosyon ang guwapong doktor. Sa halip ay umiwas ito ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa. Fuck you, boy! Makukuha rin kita! maktol ng isip niya. Nang pumasok si Jake sa palikuran ay binuhat niya ang isang tray ng mga specimen upang dalhin kay Toni, ang medical technologist na on-duty. Sinadya niya’ng sa likuran ni Dr. Clynes dadaan nang makuha niya ang atensiyon nito. Binagalan niya ang paghakbang at nagkunwaring natisod siya. Sinagi niya ang likod ng abalang doktor. “Ay!” tili niya. Awtomatiko namang pumihit paharap sa kanya si Dr. Clynes at inagapan ang tray ng spicemen na sinadya niyang ipatagilid. Nahulog ang isang bote na may lamang ihi, mabuti hindi nabasag. Kagagahan nga naman niya. Dapat ay drama lang hindi totohanan. Tiwala siya na hindi magugulo ang dala niyang tray ng specimen. Nagkasabay pa silang tumiungko upang pulutin ang nahulog na bote. Naunahan siya nito sa pagpulot ng bote pero sinadya niyang iyuko pa ang mukha upang sumilip pa ang puno ng dibdib niya. Kanina bago siya napunta sa senaryong iyon ay binuksan niya ang pangalawang botones ng blouse niya upang malayang makasilip ang cleavage niya sakaling yuyuko siya. Nagdiwang ang malandi niyang kaluluwa nang mapansin niya’ng dumapo saglit ang paningin ni Dr. Clynes sa gawi ng dibdib niya. Siya naman ang pagpursige niya na tuksuhin ito. Pero nadismaya siya nang hindi niya makita sa mukha nito ang inaasahan niyang magiging reaksiyon nito. Nanatiling walang reaksiyon ang mukha nito. Pagkatapos nitong ibalik sa tray ang bote ay tumayo na ito at binalikan ang ginagawa. Nauurat na dumeretso na lamang siya kay Toni. Abot lalamunan ang inis niya. Ang senaryong iyon ang kinadidirihan niyang gawin kaya ayaw niya sanang gawin iyon. Hindi pa niya iyon nagagawa sa mga lalaking natipuhan niya. Hindi naman kasi siya ang umaakit sa mga lalaki. Kusang nahuhulog ang mga iyon sa kanya sa pamamagitan ng kanyang ngiti at kaswal na pakikitungo. At ngayon ay ayaw tanggapin ng sistema niya ang  pagbabalewala ni Dr. Clynes sa panrarahuyo niya rito. Hindi niya ito tatantanan. Dahil sa walang emosyon na doktor ay lalong tumindi ang pagnanasa ni Ellie na maakit ito. Hindi pa siya nahibang ng ganoon sa isang lalaki. At habang lumalaon ay nahuhulog sa paghanga ang pagnanasa niya rito. Palaging ang guwapong doktor ang laman ng balintataw niya. Pakiramdam niya’y hindi buo ang araw niya kapag hindi niya ito nakikita. Pero kahit anong gawin niyang pagpapa-cute rito ay hindi siya nito pinapansin. Masyado itong seryoso sa trabaho. Alam niya marami siyang karebal sa buhay nito, pero ang pinakamatibay niyang karebal ay ang propesyon nito mismo. Ayaw magpalipat ng duty sa umaga si Ellie dahil ang sabi ng mga kasama niya ay hindi nagre-report ng umaga si Dr. Clynes sa ospital. Kahit halos maubusan na siya ng dugo sa kakapuyat ay ayaw pa rin niyang mag-duty sa umaga. Masaya siya sa gabi, parang lantang gulay naman sa umaga kaya paano siya makakapagtrabaho nang maayos? Inspired siya kay Dr. Clynes. “Hindi ka ba naaawa sa sarili mo, Ellie? Ang putla mo na,” sabi sa kanya ni Margie nang nasa nurses’ station na sila at magkatabi ang upuan. “Hindi ako masaya sa umaga,” sabi lamang niya habang nakatutok sa monitor ng computer. Palihim silang nanonood ni Margie ng erotic movie sa computer. Isinasalpak niya roon ang flash drive niya na maraming movie. Mahilig talaga siya sa romance at erotic movies na dina-download pa niya. Gawain nila iyon kapag wala masyadong pasyente. At habang seryoso sa pinapanood ay bigla na naman siyang sinapian ng kabaliwan. Nai-imagine niya ang kanyang sarili na siyang gumaganap na birang babae sa palabas, at si Dr. Clynes naman ang lalaking partner niya. Shit! Malala ka na! What happen to you, Ellie? saway ng kontrabida niyang isip. Pero hindi siya natinag. Kumislot siya nang maramdaman niya ang pamamasa ng kanyang kaselanan. Impit siyang napamura. “s**t!” bulalas niya sabay napatayo. “O, bakit?” tanong ni Margie. Hindi siya umimik. Tumakbo siya sa pinakamalapit na palikuran. Sinampal siya ang sarili habang nakaharap sa malaking salamin sa loob ng palikuran. Damn it! Naiinis siya sa kanyang sarili. Sukdulan na talaga ang pagnanasa niya kay Dr. Clynes. Sanay na siyang manood ng steamy scene sa movie pero hindi siya basta apektado, pero nang nai-imagine niya ang daring scene nila ni Zyrus, kunwari ay ang bilis niyang nag-arouse. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang maiwaksi sa kukoti ang kabaliwan. But his image conquered her whole system. Zyrus possessed her mind effortless. She knew she can’t avoid or prevent her feelings but she has to. Ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang kanyang sarili. Hindi kung sino lang ang lalaking pinagnanasahan niya. Maimpluwensiyang doktor si Dr. Clynes, at baka hindi lang malandi, o sugapa sa lalaki ang itawag sa kanya ng mga tao. Dahil ang totoo, hindi naman niya nilalandi ang mga lalaki para lumapit sa kanya. Alam niya’ng malakas ang s*x appeal niya kaya hindi niya kailangang akitin ang mga lalaking natitipuhan niya. Pero iba si Dr. Clynes, he challenge her much. Pagbalik ni Ellie sa nurses’ station ay napako ang mga paa niya sa tapat ng pinto ng surgery ward bago ang mismong nurses’ station. Namataan kasi niya si Dr. Clynes na kausap si Margie. Naramdaman niya ang mabilis na pangangatal ng mga kalamnan niya. Nanlulumo ang mga tuhod niya. Ang buong presensiya ng lalaki ay ginugupo ang buong pagkatao niya. Pumintig nang husto ang puso niya. Nang umalis ang lalaki ay saka lamang siya lumapit kay Margie. Bahagya pa itong nagulat nang mapansin siya. Napansin niya ang dagling pagsara nito sa binuksang files sa computer, pero hindi niya iyon pinansin. Umupo siya sa silya na iniwan niya. “Ano’ng ginawa rito ni Dr. Clynes?” kaswal na tanong niya habang nagtitipa sa keyboard ng computer. “Ah, m-may itinanong lang siya tungkol sa record ng isang pasyente,” tugon nito sa balisang tinig. Tatangu-tango lamang siya. “Bakit pala bigla kang tumakbo kanina?” pukaw ni Margie sa may isang minutong pananahimik niya. “Bigla kasi akong naiihi,” aniya. “Naiihi o nag-arouse ka?” tudyo pa nito sabay tawa. Tiningnan niya ito nang masama. “As usual,” pilyang sabi niya. Humagikgik si Margie. “Halos gabi-gabi na nga tayo nanonood ng scandal hindi mo pa rin nakokontrol ang sarili mo? Ang taas naman ng libido mo sa katawan.” “Ssst!” saway niya. Napapalakas kasi ang boses nito. “Pero alam mo na ba ang balita na kamuntik nang maghiwalay sina Jake at Kristine dahil sa iyo?” pag-iiba ni Margie sa usapan. Napamata siya’ng napalingon rito. “B-bakit ako?” inosenteng tanong niya. “Mamatay-matay sa selos sa iyo si Kristine. Kaya nga napilitang magpalipat sa umaga si Jake para tumahimik na ang paranoid niyang nobya. Paano naman kasi, halata namang nagkakagusto na sa iyo si Jake. Kahit kasi hindi na kayo partner sa laboratory ay pumupunta pa rin siya sa iyo,” kuwento ni Margie. Nawindang siya. Hindi na nga niya masyadong napapansin si Jake dahil sa kahibangan niya kay Dr. Clynes. Akala niya gusto lang ni Jake ng kausap kaya siya nito pinupuntahan sa laboratory. Anong malay niya na may ibang pakay pala si kolafu? “Hayaan mo na sila. Sanay na ako sa mga ganoong tao,” sabi lamang niya. “Ganyan lang ang sasabihin mo? Hindi mo ba alam na si Jake at Kristine ang pinakatanyag na magkasintahan dito sa ospital? Ang ganda kaya ng love story nila.” “So, anong pake ko? Basta wala akong ginagawang masama.” “Ang daming insecure sa iyo na mga babae rito, hindi ka ba nababahala? Hindi mo rin ba napapansin ang mga lalaking pumapantasya sa iyo? Girl, ahas ang tawag sa iyo ng mga morning shift na mga babae.” Uminit ang tainga niya dahil sa sinabi ni Margie. “Paano naman ako naging ahas? Kung ahas ako malamang kanina pa kita tinuklaw,” sarkastikong sabi niya. “Ayaw ko sanang sabihin sa iyo ito pero apektado ako dahil kaibigan kita. Feeling ko kontrabida ako dahil ako ang nagpapasok sa iyo rito sa ospital,” nababahalang wika ni Margie. “Don’t mind them. I’m just doing my job here and I don’t care about them. ‘Di baleng mapatay nila ako, huwag lang ako ang makapatay sa kanina,” matapang na sabi niya. Kumibit-balikat lang si Margie.   HINDI pinansin ni Ellie ang mga isyu tungkol sa kanya at kay Jake. Abala siya sa planong makuha ang atensiyon ni Dr. Clynes. Pero sadyang lapitin siya ng tukso. Hindi niya alam kung anong ginagawa ni Jake sa laboratory. Ang alam niya’y pang-umaga na ito. “Pang umaga ka na ‘di ba?” sabi niya rito nang datnan niya ito na nag-a-assist kay Dr. Clynes. May ini-examine ang mga ito na dugo, obviously for DNA examination. Namataan niya si Dr. Clynes na nakasilip sa microscope. “Mag-mask ka muna,” sabi sa kanya ni Jake. Kararating lang kasi niya, ni hindi pa siya nakapag-ayos ng buhok. Pumasok muna siya sa palikuran upang doon na ayusin ang sarili. Paglabas niya ay pinalitan na niya si Jimmy, na katuwang ni Toni sa pag-aasikaso ng specimen.  Habang nagdidikit siya ng printed name sa bawat bote ng specimen ay nagulat siya nang tapikin ni Jake ang kanang balikat niya. “Mag-a-out na ako. Ikaw muna ang mag-assist kay Dr. Clynes, habang wala pa si sir Jun. Nag-overtime lang ako dahil may dalawang cancer patient na inaasikaso si Dr. Clynes,” sabi nito. Sinipat naman niya si Dr. Clynes na abala sa pagtitig sa monitor ng computer. Pagkuwa’y binalingan niya si Jake. “Sige,” tipid niyang sagot. Naibaba niya ang tingin sa kanyang kanang balikat kung saan nakasampa pa rin ang kamay ni Jake. Akmang aalisin niya ang kamay ni Jake sa balikat niya ngunit natigilan siya nang biglang bumukas ang entrance door at iniluwa si Kristine. “Jake! Kaya pala ang tagal mong mag-out dahil nakipaglandian ka pa sa ahas na babaeng iyan?!” walang pakundangang sabi ni Kristine habang malalaki ang hakbang na sumusugod sa kanila. Ang abalang si Dr. Clynes at Toni ay napatingin sa kanila. May ilang nurse ding pumasok, malamang kasama ni Kristine. Hindi nakapalag si Ellie nang hiklasin ni Kristine ang balikat niya at hinila ang kakaayos niyang buhok. “Kristine!” awat ni Jake, pero hindi iyon nakatulong. Hindi natinag si Kristine. Ayaw ni Ellie ng gulo kaya hindi niya pinapatulan ang demonyitang babae na ito. Huwag lamang nitong masaktan ang mukha niya dahil sisiguruhin niyang patutulugin niya ito sa isang suntok lang. Pero hindi siya nito pinapakawalan. “Enough!” narinig niya’ng sigaw ni Toni. Nanilim ang paningin ni Ellie matapos siyang makawala sa kamay ni Kristine. Inayos niya ang kanyang buhok saka pinagmasdan ang paligid. Namataan niya si Kristine na kinakaladkad ni Jake palabas ng laboratory habang patuloy sa pagsatsat. “May araw ka rin sa aking malandi ka!” sabi pa nito sa kanya. Nagsilabasan na rin ang mga alipores nito. Bumuntong-hininga si Ellie. Nang tumahimik na ang paligid ay naibaling niya ang tingin kay Dr. Clynes. Hindi man lang ito umalis sa puwesto nito, pero namataan niya itong nakatingin sa kanya. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito basta’t nakatitig lang ito sa kanya. “Okay ka lang?” pukaw sa kanya ni Toni. Tumango siya, pero hindi niya inalisan ng tingin si Dr. Clynes. Mamaya’y tinalikuran siya nito. Pumasok na lamang siya sa palikuran upang ayusin ulit ang nagulo niyang buhok. Nawala pa ang mask niya. Kumikirot ang anit niya at ulo dahil sa pagsabunot sa kanya ni Kristine. Mahaba ang pasensiya niya pero iba rin siyang magalit. Mabuti tinantanan kaagad siya ni Kristine, kung hindi ay baka hindi siya nakapagpigil at napatulan niya ang paranoid na babaeng iyon. Pero hindi niya napigil ang kanyang emosyon. Napaluha siya. Feeling niya ay ang sama niyang babae dahil sa maling empresyon sa kanya ng ibang tao. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang ginagawang masama. Natural na talagang magaslaw siya minsan at gusto lang makisama. Sadyang may mga tao lang talagang mapanghusga kahit hindi pa kilala nang lubusan ang isang tao. Pagbalik niya sa station 3 ng laboratory ay napansin niya si Zyrus na abala sa paglilinis ng mahabang lamesa na gawa sa stainless. Dagli niya itong nilapitan. “Ako na, Doc,” aniya. Ibinigay naman nito sa kanya ang basahan. As usual, wala pa ring imik. Wala siya sa mood lumandi rito. Sumisinghot pa siya dahil sa katatapos na pagluha. Natigilan siya nang mahuli niyang nakatingin sa kanya si Zyrus, habang nakaupo ito sa working table nito. Awtomatikong sumikdo ang puso niya. May ilang segundong magkatitig lamang sila. Nauna itong umiwas. Itinuloy naman niya ang kanyang ginagawa. “You may rest after that, Ellie. You look pale,” he said. “Ho?” Tumigil siya sa ginagawa at ‘takang tumingin sa lalaki. Narinig naman niya ito pero hindi niya masyadong naintindihan. “I said, take a rest,” ulit nito. “P-pero kasisimula ko lang magtrabaho,” aniya. “I mean, take a rest for a while. Bumalik ka na lang mamaya kapag okay ka na.” “Okay lang po ako,” amuse na sabi niya. “You’re not.” Hindi na siya kumontra. But deep inside, she felt overwhelmed knowing that he cares about her.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD