ISANG oras na tumambay sa canteen si Ellie matapos siyang pagpahingahin ni Dr. Clynes. Nang mainip ay bumalik na siya sa laboratory. Nagsisimula na si Zyrus sa pag-examine sa stomach content ng cadaver. Nagsuot kaagad siya ng gloves at mask.
Tahimik siyang umaalalay rito. Hindi na ata darating si Sir Jun dahil may isang oras na ang nakakalipas magmula nang umalis si Jake. May dumating namang nurse na assistant ni Toni kaya nag-focus siya kay Zyrus.
“Pakikuhaan mo ako ng malinis na test tube,” utos ni Dr. Clynes.
Narinig niya itong nagsalita pero hindi niya naintindihan. Tulalang nakatitig lang siya rito habang nagsasalin ito ng kimikal sa isang test tube. Hanggang sa blanko na ang isip niya. Kumislot siya nang may kamay na humawak sa baba niya. May kung anong bumayo sa dibdib niya nang mamalayang hawak ni Dr. Clynes ang baba niya. May isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha nito sa mukha niya.
Kumilos ang hinlalaki nito saka may pinahid sa ibaba ng ilong niya. “You’re bleeding,” sabi nito.
Pumiksi siya. Talimang dinukot niya ang panyo sa bulsa ng pants niya saka pinahid ang dugo na lumalabas mula sa ilong niya. Pagkatapos niyon ay biglang umikot ang paningin niya. Pumintig nang husto ang pulso niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Hinayaan niya ang malalakas na mga kamay na umalalay sa kanya upang makaupo siya sa silya. Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay namataan niya si Dr. Clynes na nakaluklok sa silya’ng katapat niya. Pinapahiran nito ng tissue paper ang ilalim ng ilong niya. Nawala ang hilo niya nang hawakan nito ang kanang braso niya. May tiningnan ito sa ilalim ng braso niya.
“May menstruation ka ba ngayon?” tanong nito.
Uminit bigla ang mukha niya dahil sa tanong nitong iyon. “Ah, w-wala po,” mabilis niyang sagot.
“May red spot ka. Nahihilo ka pa ba?” anito.
“H-hindi na masyado.”
“Hintayin mo ako rito,” anito saka tumayo. Sinundan niya ito ng tingin habang patungo sa station two sa puwesto ni Toni.
Pagbalik nito ay may dala na itong 5cc syringe. Kinabahan siya. Ano ang gagawin nito sa kanya? Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya saka ipinatong sa ibabaw ng mesang katabi niya. Kumuha rin ito ng cotton buds at alcohol. Pagkuwan ay itinurok nito ang karayom sa baliwang braso niya na pinahiran nito ng bulak na may alcohol. Kinuhaan siya nito ng dugo.
“Bakit po?” ‘takang tanong niya matapos siya nitong kuhaan ng dugo.
Hindi man lang ito umimik. Iniwan siya nito saka ito bumalik kay Toni. Pagkuwa’y tinapos muna nito ang ginagawa. Akmang tatayo siya upang tulungan ito sa pagliligpit ng ginamit nitong apparatos, pero hindi siya nakakilos nang i-amba nito ang kanang palad sa kanya.
“Stay where you are. Hindi pa ako tapos sa iyo,” seryosong sabi nito.
Napalunok siya. Nakadama siya ng munting takot sa makapangyarihang tinig nito. Hindi siya umalis sa puwesto niya. Sinundan lamang niya ito ng tingin habang papalabas ng laboratory dala ang ilang peraso ng sinulatan nitong papel.
Makalipas ang dalawang minuto ay nakabalik na si Dr. Clynes. May sukbit na itong stethoscope sa leeg nito. Lumapit ito sa kanya at pumuwesto sa kanyang likuran. Nagulat siya nang biglang dumapo ang kanang kamay nito sa puno ng dibdib niya. Kinalas pa nito ang pagkabotones ng blouse niya sa itaas upang malayang makapasok ang ilang daliri nito. May kinapa ito roon. Mamaya’y inilapat nito ang stethoscope sa kaliwang dibdib niya. Domuble ang t***k ng puso niya.
Mamaya ay umupo ito sa katapat niyang silya. Ipinatong ulit nito sa ibabaw ng mesa ang kaliwang braso niya saka tiningnan ang blood pressure niya. Hindi na naalis ang tingin niya sa seryoso nitong mukha. Sa buong buhay niya, hindi pa siya nagpakonsulta sa isang doktor, kahit noong nobyo pa niya si Roy, maliban sa mandatory medical check-up. Kailangan talaga regular na mo-monitor ang kalusugan nilang mga nurse.
Pero ang kusang magpakonsulta sa doktor ay hindi niya ginawa. Wala siyang pakialam sa mga nararamdaman niya. Bata pa lang siya ay palagi nang dumudugo ang ilong niya kaya parang normal na lang ito sa kanya. Nagsi-self medication lamang siya sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam niya. Last medical exam ay niresitahan lang siya ni Dr. Galvez ng pure rest tab dahil reklamo niya hirap siyang makatulog.
Nasurpresa siya sa hakbang ni Zyrus. Kusa nitong kinunsulta ang kalusugan niya, without asking anything about her conditions. Siguro ay may napansin itong kakaiba sa kanya, sabi nga nito ay mpaputla siya at dumugo ang ilong niya. Pansin naman niya sa kanyang sarili na maputla siya dahil iyon sa anemic na siya.
Naisip niya, kahit ang ex-boyfriend niyang si Roy ay never kinunsulta ang kalusugan niya, o nagbuluntaryong alamin ang kondisyon niya. Wala iyong pakialam sa kalusugan niya. At dahil sa ginagawa sa kanya ni Zyrus ay tila nasa paraiso siya. Balewala anuman ang nararamdaman niyang kahinaan. Kung wala itong pakialam sa katulad niya, ay hindi nito nanakawin ang oras sa trabaho para lang kunsultahin ang kalusugan niya.
“Why did you do this, Doc?” hindi natimping tanong niya sa lalaki.
“I’m a Doctor,” sagot lang nito.
“Alam ko, pero hindi ito parte ng trabaho mo. Isa pa, hindi ako nagpapakonsulta sa ‘yo. I didn’t ask you a favor to do this. At saka, palagi namang dinudugo ang ilong ko bata pa lang ako. Ang sabi ng doktor noon, may HHT ako, na namana ko sa isa sa magulang ko,” aniya.
Tumitig ito nang deretso sa mga mata niya. “Kailan ka hihingi ng pabor? Kung mamamatay ka na? 80 over 60 ang blood pressure mo. It’s not good, Ellie,” matigas ang tinig na sabi nito.
Natigagal siya. Kaya pala napapadalas ang pag-ikot ng paningin niyaat dalawang beses siyang nagsuka. Bigla siyang kinabahan. Hindi siya nakaimik nang tumayo si Dr. Clynes at pinuntahan si Toni. May kinuha itong kaperasong papel na kulay rosas. Pagkuwa’y binalikan siya nito.
“Hereditary hemorrhage telangiectasia or HHT affects blood vessels. Kapag binalewala mo ito, magku-cause ito ng mas malubhang karamdaman. May iron deficiency anemia ka na due to HHT. Alam mo pa lang may ganito kang kondisyon, inaabuso mo pa ang katawan mo. Riresetahan kita ng mga gamot na iinumin mo. At inuutusan kitang magpalipat ng duty sa umaga,” sabi nito habang sinusulatan ang likod ng papel.
Napaawang ang bibig niya ngunit walang katagang nanulas buhat doon.
“Mag-take ka ng iron supplement every day. Kumain ka ng masustansiyang pagkain na mayaman sa iron. Lessen those foods or drinks that have caffeine, cocaine or kahit anong iron blocker foods. Matulog ka ng at least six or eight hours a day,” payo nito.
“Pero nahihirapan na akong matulog. And I can’t promise na magpapalipat ako ng duty sa umaga,” reklamo niya.
Binato siya nito nang matalas na tingin. “Ayaw ko ng pasyenteng matigas ang ulo.”
“Pasyente? And who cares? I lived for almost five years without anyone. I can take care of myself alone,” pagmamatigas niya.
Napaupo sa tapat niyang silya si Dr. Clynes. “What do you want?” tanong nito.
“I want you,” wala sa loob na sagot niya. Napangiwi rin siya nang matanto kung ano ang nasabi niya. “Ay, sorry,” natatawang bawi niya.
His gray eyes turn bloody red when she looks directly into his eyes. Narinig niya ang pagtagis ng mga ngipin nito. Kinabahan siya sa sandaling pagbago ng kulay ng mga mata nito. Napalunok siya ng dalawang beses nang ma-realize na nawawala na siya sa katinuan.
“I hate seeing someone died without justice. That’s why I work hard to help people who are suffering from cancers and any serious illness. Masakit sa loob ko na malamang may isa akong pasyente na namatay dahil sa katigasan ng ulo. Kaya huwag mo sabihin sa akin na hindi mo kayang sundin ang payo ko, napakasimple lang, Ellie,” anito. Pumalatak na ito.
Pero kahit alam niyang nagagalit ito ay hindi niya nababasa ang inis sa mukha nito. Nanatiling walang emosyon ang mukha nito. At isa iyon sa nagpainis sa kanya. Gusto niyang makita itong galit, nakangiti o tumatawa. Malaking achievement na niya iyon. So weird.
“Fine. Fine. Roger that. Susundin kita kahit mahirap. At least, I have your attention,” pilyang sabi niya, tumayo siya.
Pagkuwan ay ibinigay naman ni Zyrus ang sinulat nitong reseta sa prescription booklet nito. Pagkakuha sa reseta ay tinalikuran niya ito.
“You don’t need to torture yourself just to get my attention. You got it.”
Natigilan siya. Awtomatikong hinarap niya ito, pero nakatalikod na ito sa kanya. Humakbang na ito palayo sa kanya.
“Uhm…”
“Take a rest, Ellie. Nakausap ko na ang head nurse ninyo na papauwiin ka at bigyan ng one week leave. That’s an order,” sabi nito habang papasok sa isa pang pinto.
Hindi na siya nakaimik. May kung anong naglilikot sa loob ng dibdib niya. Hindi na niya maipaliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon.
One week leave? Ganoon siya katagal magmukmok sa bahay na hindi nakikita ang pinakaguwapong doktor na nakilala niya? Hindi ata niya kaya ‘yon. Pero sa halip na magprotesta ay sumunod siya sa payo nito. Kailangan niyang gumaling at magpalakas para makabalik siya sa night shift duty.
WALANG nagawa si Ellie nang sapilitan siyang nailipat sa umaga. Bukod sa madalas na silang magkita ni Kristine ay naging kainip-inip ang mga araw niya. Nagka-memo pa tuloy siya dahil sa eskandalong ginawa ni Kristine. Pati ito ay nasuspende ng isang linggo. Mabuti na lang naging pabor sa kanya ang pamunuan ng ospital matapos niya mapatunayan na hindi totoo ang paratang sa kanya ni Kristine. Nagsalita na rin si Jake at inamin ang totoo.
Ang insecure sa kanya na si Kristine ay gusto siyang ibalik sa panggabi. Kung siya lang ang masusunod ay hindi talaga siya magdu-duty sa umaga, lalo nang nalaman niya na halos lahat ng babaeng nurse na pang-umaga ay naiinis sa kanya. Wala siyang kautatang-dila sa mga kasama niyang babae, kaya napipilitan siyang pakisamahan ang mga lalaking kaliwa’t kanan siyang nililigawan. Well, she doesn’t have plan to feed those insecure woman, but she enjoyed annoying them to show that she’s not weak.
Nagmukha tuloy siyang tibo na puro lalaki ang kasama. Hindi rin siya sanay na walang kakuwentuhan kapag break time. Mas masarap nga namang kakuwentuhan ang mga lalaki, walang sapawan. Marunong naman siyang makisama, basta walang personalan. Kapag may nagbabalak manligaw ay sinusupalpal kaagad niya.
Sabado ng gabi, nagpumilit si Ellie na mag-overtime hanggang alas-nuwebe. Marami kasing pasyente at iilan lang ang nurse na naka-duty sa gabi lalo na sa emergency. At dahil sa laboratory siya naka-assign, inaasahan na niya na makikita niya si Dr. Clynes. May dalawang linggo na rin niya itong hindi nakikita matapos siya nitong sapilitan na bigyan ng isang linggong leave.
Pagpasok pa lamang ni Dr. Clynes sa entrance ng laboratory ay sinalubong na niya ito upang ibigay rito ang ilang result ng mga test na isinagawa sa mga cancer patients. Hindi man lang ito nagtaka bakit naroroon pa siya.
“Hinihintay na po ni Dr. Lim ang result ng bone marrow examination ng pasyente kahapon,” sabi niya rito.
Kunuha lamang nito ang naka-folder na mga pepeles na ibinibigay niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakabuntot pa rin siya rito.
“Bakit nandito ka pa?” hindi niya inaasahang tanong nito nang makaupo na ito sa tapat ng desk nito.
Tumigil siya sa tapat nito. Pinagsupling niya ang mga kamay. “Uhm, nag-overtime kasi ako,” tugon niya.
“Kumusta ka na?”
“Hum?” nanlalaki ang mga matang untag niya.
Hindi siya nakakilos nang iangat nito ang tingin sa kanyang mukha, na tila naghihintay ng kanyang sagot. Pero napapanatili nito ang walang blankong mukha.
“Ah, last time I checked my blood pressure, normal na. Binili ko lahat ng gamot na inireseta mo at kumain ako ng tama ayon sa payo mo. Pero hindi ko na-achieve ang six to eight hours na tulog. Hanggang apat na oras lang ang nakakaya kong itulog sa isang araw kahit umiinom ako ng sleeping pills,” aniya.
“Who told you to take sleeping pills?” seryosong tanong nito.
Natigagal siya. Kumabog ang dibdib niya. Ang totoo, matagal nang naireseta sa kanya ang sleeping pills noong bigla ring bumama ang dugo niya. Marami siyang nabili noon at inuunti-unti niyang iniinom kapag talagang hindi siya makatulog.
“Ahm, minsan lang naman ako umiinom kapag hindi ako makatulog, pero kalahati lang ng tableta,” nakangising paliwanag niya.
“Are you insane?” Matigas ang tinig nito, tulog galit na.
Nanalaki ang mga mata niya siya sa sinabi nito. Hindi naman niya makita ang galit sa mukha nito o pagkayamot. Kalmado lang ito. Ang werdo talaga nito. Excited pa naman siyang makita itong galit talaga, yaong nagsasalubong ang katamtamang kapal nitong mga kilay, nanlalaki ang mga mata at nagtatagis ang bagang.
“You’re a nurse. Alam mo dapat kung paano iniinom nang tama ang mga gamot. Kahit kailangan mong matulog dahil sa kondisyon mo, hindi ibig sabihin uminom ka ng pampatulog para lang makatulog. Lahat ng gamot nakakagaling ng karamdaman, pero masama ito kung inabuso. Hindi ako magtataka kung isang araw ay magrereklamo ka na naninikip ang dibdib mo. That’s your fault,” sermon nito.
Hinihintay talaga niya na magpakita ito ng galit na emosyon sa mukha pero hindi niya alam kung paano nito nasasabi ang mga katagang iyon na hindi man lang nagtataas ng boses at pinaglakihan siya ng mga mata. Siya ang naiirita rito.
“Yeah, it’s my fault. So what?” sabi niya. Humalukipkip pa siya.
Bumalikwas nang tayo si Dr. Clynes. Pumitlag siya nang ibagsak nito ang mabibigat na mga kamay sa ibabaw ng lamesa dahilan upang maglikha ng ingay. Mabuti na lang silang dalawa lang ang naroon sa loob ng silid. Nagtagis ang mga bagang nito. At muli, nasaksihan niya ang abuhin nitong mga mata na naging kulay dugo. Sa wakas, nakita niya ang galit na ekspresyon sa mukha nito!
Hindi siya nakuntento sa hitsura nito. Inalis pa niya ang salamin sa mga mata nito. At namangha siya, hindi siya nagmamalikmata. Talagang naging kulay dugo ang mga mata nito. Inilapit pa niya ang mukha sa mukha nito upang matitigan ng malapitan ang mga mata nito.
“Oh, yeah! Tell me I’m not dreaming, Dr. Clynes,” usal niya habang lakas-loob na hinaplos ang makinis nitong pisngi.
“Don’t you dare me, Ellie,” anas nito, matalim na ang titig sa kanya.
“I dare you,” hamon niya. Hinaplos na rin niya ang dibdib nito. “Do you have any idea what are Ellie’s desires for her life? She wants attention.” Sinapian na siya ng kapraningan.
“I told you, you got my attention already,” he said seriously while staring at her eyes intently.
“When—?”
“Just one move, Ellie,” may bantang sabi nito.
Ngumisi siya. Inilingkis niya ang kaliwang kamay niya sa leeg nito saka ito hinatak palapit sa kanya upang magtagpo ang mga labi nila. Hinalikan niya ito sa bibig, pero hindi ito kumikilos. Pakiramdam niya’y humahalik siya sa tuod na may nakaukit na mukha, o kaya’y sa isang manikin.
Danm! Kiss me back. Kiss me back! sigaw ng isip niya.
Nabigo siya sa hangaring tutugon din ito sa halik niya. Nang pakawalan niya ito ay naglaho ang nasilip niyang galit na emosyon sa mukha nito. Blanko na ulit ang mukha ng guwapong ito. Nagsayang lang siya ng effort.
“Kissing you was nonsense, Doc. Sayang ang guwapo mo, takot kang makipaghalikan. Sana nagpari ka na lang, eh,” sarkastikong sabi niya.
Umupo ulit ang lalaki na parang walang nangyari. “Ano ba ang nag-udyok sa iyo para halikan mo ako? You just stole a kiss,” anito.
“But you like it, don’t you?”
“I don’t even like kissing a woman. You just waste your time.”
Natawa siya. “Don’t say you like guys,” biro niya. Yumuko siya rito kaya sumilip ang cleavage niya. Itinukod pa niya ang mga kamay sa lamesa. “What—What about touching woman’s body?” tanong niya sa malamyos na tinig.
Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “What do you mean?”
Nabinbin sa ere ang sasabihin niya. Hindi niya mabigkas-bigkas ang gusto niyang sabihin. “What about making love?” bigla’y nanulas sa bibig niya.
Ibinaba nito ang tingin sa binabasa. “I don’t make love,” sagot nito.
“So, are you still a virgin?”
“Paano mo nasisikmurang makipag-usap sa akin nang ganyan?” tanong nito habang abala sa binabasa.
“Matibay ang sikmura ko, Doc. Prangka akong tao. At saka, ano ba ang masama sa sinabi ko? I’m just talking to you frankly. I can tell you everything inside my mind now,” aniya.
“I don’t care”
Nagtagis ang bagang niya. Ang tibay talaga ng depensa ng lalaking ito. Kung ibang lalaki pa ang inaakit niya nang ganoon, malamang nanigas na. Iniyuko niya ang kanyang mukha upang maglapit ang mga mukha nila. Nag-angat naman ito ng mukha.
“I wanna make love to you right now, Zyrus,” bulong niya rito.
Narinig niya ang malakas na pagtagis ng bagang ng lalaki. Namumukol ang muscles nito sa panga. That means, he was affected. It means a lot for her, inisyal siyang nagtagumpay. Inihanda na niya ang kaluluwa niya na madarang sa apoy ng impiyerno dahil sa ginagawa niya. Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon kay Dr. Clynes, ay handa na siyang magbigti sakaling insultuhin siya nito. Sumobra ata ang mga nainom niyang gamot.
“Making love was a term used for a couple who love each other. I think you don’t know what are you talking about, Ellie. Naiinom mo ba ng tama ang gamot mo? Or should I refer you to the psychiatrist?”
Pakiramdam ni Ellie ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig dahil sa sinabi ni Zyrus. Uminit ang bunbunan niya.
“I’m serious, Dr. Clynes, and I’m not insane!” naninindigang sabi niya.
Tumayo na ito bitbit ang naka-folder na papeles. “I don’t need an assistant. You may go home and take a rest. Pagod ka lang, Ellie,” anito habang nililisan siya.
“You know, Zyrus…” awat niya rito, pinipersonal na niya ito. And she didn’t mind about his profession. “Wala pa akong na-engkuwentrong lalaki na katulad mo. Your attention was so expensive, I can afford it, but since I like you, I will do anything to win your attention. I might sound desperate but I would like to show you what I desired. Alam mo ba kung bakit bumagsak ang dugo ko? Dahil hindi ako nakakatulog sa kakaisip sa iyo. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata mo at minsan ko lang iyan matitigan ay para akong pusang hindi mapaihi. I can’t stop wanting you,” palatak niya habang nakabuntot dito.
Huminto ito at marahas na humarap sa kanya. “That’s not my fault. Ikaw ang may gustong tumitig sa mga mata ko. Ikaw lang ang taong nangahas na alisin ang salamin sa mga mata ko para lang matitigan. And that’s a big mistake, Ellie.”
“Ano?” Tumawa siya nang pagak. “At ano naman ang kinalaman ng feelings ko sa pagtitig sa mga mata mo? I just like your eyes.”
“Stay away from me,” sabi lang nito.
“Hindi ako masunuring babae pagdating sa ganyang utos, Zyrus. Give me a consistent reason why I need to avoid you,” hamon niya rito.
Bumuntong-hininga ang binata, tila nauubusan na ng pasensiya sa kanya. “Maghintay ka. Riresetahan kita ng gamot na pampakalma.”
Lalo siyang nairita sa sinabi nito. Akmang tatalikuran siya nito pero napigil ito nang hiklatin niya ang balikat nito. “Gusto mong layuan kita kaya mo ako pinalipat sa umaga, tama? Fine. Pero hindi mo kilala si Ellie Valler. Handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang gusto niya,” aniya, saka inunahan ito sa paglapit sa pinto para mauna siyang makalabas.
“Ellie…”
Ang pagtawag nito sa pangalan niya ang pumigil sa kanya sa pagbukas ng pinto. Pero hindi niya ito nilingon. Hinintay niya ang anumang sasabihin nito.
“I don’t want to make your life miserable, Ellie. That’s why I command you to stop wanting me. Avoid seeing me, and please, stay away from me if you want to live longer,” seryosong pahayag nito.
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Ito ata ang may sayad. Gusto niya itong lingunin ngunit hindi niya maikilos ang kanyang katawan. Hindi niya ito nagawang tingnan nang dumaan ito sa tabi niya. Bigla siyang nanlumo.