7. Pool

1542 Words
Chapter Seven Lunch. Nakamasid ako sa inihahain nila. Mukhang masarap na naman. Umupo ako sa pwesto ko at pinagmasdan agad. "Grabe! Ganito ba ang mayayaman? Hindi uso ang maghiwa ng pagkain na ise-serve?" curious na tanong ko. "Steak iyan, ma'am. Gamitan mo nito... Sandali nga! Alam mo iyan eh," napasimangot na tinignan ko si Ory. "Paano ko malalaman? Sa tingin mo pang-street food ang ganitong pagkain?" inginuso nito ang kutsilyo at tinidor. Dinampot ko naman iyon. "Hiwain mo, ma'am," ginawa ko naman. Saka ako muling napasimangot. "Bakit naman hilaw itong ipapakain n'yo sa akin? Mukha ba akong kumakain ng hilaw na karne?" disappointed na reklamo ko. Bihag na malakas ang loob na magreklamo. Aba'y responsibility na nila ako. Kinidnap nila ako eh. Inilusog ko palayo ang plato. "Hala! Luto iyan, ma'am. Medium rare ngani. Tikman mo muna bago mo tanggihan. Masarap iyan." May pagdududa sa titig ko rito. Baka niloloko lang ako ng babae. "Gusto mo bang tikman ko?" ani nito. Kahit galing ako sa kalsada ay maingat pa rin naman ako kahit patay gutom. Tumango ako kaya agad nitong dinampot ang tinidor. Tinikman niya. "Grabe! Sobrang sarap, ma'am." Saka lang ako nakumbinsi. Humila ako at tinikman iyon. Shocks! Parang nagme-melt sa bibig. Wait! Medyo OA iyon pero hindi matigas. Malambot at juicy. Basta masarap. Hindi ako magaling mag-critic ng pagkain pero nasarapan ako. "Masarap nga!" bulalas ko at napa-thumbs up pa. Pinuno ko ng steak ang bibig ko to the point na hirap na akong nguyain iyon. Napapangiti pa si Ory habang ginagawa ko iyon. Sinalinan niya ng fresh juice ang baso ko na ng nahirapan na akong ilunok ang steak ay agad kong dinampot iyon. "Heaven!" bulalas ko. "Grabe! Ganito pala ang lasa. Sobrang sarap, Ory. Pwede bang mayroon din nito mamaya?" hindi ko maitago ang excitement sa tinig ko. Daig ko pa ang nasa bakasyon. Akala ba ng mga kidnappers ay ako ang lugi sa ginawa nilang pag-kidnap? Tsk. Nagkakamali sila. Sila ang lugi sa akin. "Noted, ma'am!" nag-thumbs up pa talaga ito. "By the way, nasaan iyong boss ninyo?" curious na tanong ko. "Umalis po si boss." "Marami ba kayong guard dito?" tumango agad ang babae. "Kaya huwag mo na pong balaking tumakas, ma'am. Kasi tiyak na hindi ka makakalabas," sumandal ako sa upuan. Dinilaan ang dalawang daliring may sauce. "Sa tingin mo ba'y naiisip kong tumakas? Ang sarap ng buhay ko rito. Hindi pa ako gutom. Pwede bang dito na lang ako?" tanong ko. Napabungisngis si Ory pero iyong isang kasambahay walang kaemo-emosyon. Kahit nang nagliligpit na ito ay tahimik pa rin. Hinintay kong matapos sila. Sumandal ako sa railings. Sakto't napalingon ako. Nakita ko ang swimming pool sa ibaba. "Hoy! May swimming pool? Napakaangas!" excited na bulalas ko. Itinuro ko pa iyon. Pero agad ko ring itinigil. Nakakulong nga pala ako. Nang umalis ang mga ito ay nakatitig pa rin ako sa swimming pool na parang iniingganyo akong maligo. Sinipat ko ang pwesto ng balcony at kung may bababaan ako. Nakabuo ako ng desisyon. Dali-dali akong naghanap ng pwedeng isuot sa walk-in closet. Nakahanap naman ako ng pang-swimming. Short at t-shirt. Ginamit ko na rin ang mga iyon dahil wala naman akong ibang choice. Saka kung may iba akong pagpipilian ay pipiliin ko pa rin iyong mga narito. Aba'y maganda ang gamit sa walk-in closet na ito. Nang nakapagbihis ay bumalik ako sa balcony. May sa gagamba naman ako kaya nang sumampa ako sa railings ay walang kakaba-kaba. Naglambitin ako hanggang sa matapakan ko ang design sa haligi. Nang pwede ko nang yakapin ang haligi ay niyakap ko iyon ay dahan-dahan na lang akong bumaba. Nang nakatapat na sa lupa ang mga paa ko ay dali-daling lumapit ako sa pool. Baka mahuli ako ng mga tauhan ni boss kaya hindi na ako nag-alinlangan pa. Nag-dive agad ako. At least kung mahuli man nila ay huli na kasi basa na ako. Marunong naman akong lumangoy. Pabalik-balik ako sa paglangoy. Nang napagod ay pumwesto na lang ako sa hagdan kung saan doon ang pinakamababaw. "What the f**k are you doing here?" sa sarap nang pagkakapwesto ko roon ay labis talaga ang gulat ko sa sigaw ni boss. Masama ko siyang tinignan. "Bobo ka ba? Hindi mo ba nakikitang nagre-relax ako rito?" palabang sagot ko pagtayo ko. Salubong ang kilay ng lalaki kaya ginaya ko rin at namewang pa sa harap nito. "Sino ang nagbigay sa 'yo ng permission na lumabas ng kwarto mo?" nilingon nito ang mga tauhan. "Bakit ninyo siya pinalabas?" sigaw nito sa kanila. Kawawa naman ang mga tauhan nitong lalaking ito. Kung makasigaw ay gano'n na lang. "Boss Knoxx, hindi po namin pinalabas si ma'am. Naka-lock po ang pinto ng silid niya," nag-angat ako ng kamay para kunin ang atensyon nila. "Hehe... doon ako bumaba," itinuro ko ang balcony. "Hinikayat kasi ako ng pool na mag-swimming kaya naman hindi ko na napigilan," akmang magsasalita si Knoxx ay muli akong nag-dive. Narinig ko pa ang malutong nitong mura pero wala akong pake. Tiyak mamaya lang ay kakaladkarin na ako ng mga ito pabalik sa kwarto at ikukulong na naman. "Ma'am, ahon ka na," nakikiusap na ani ng isa. "No. Hayaan ninyo siya. Avione, huwag kang titigil hanggat hindi ko sinasabi," mariing ani ng lalaki. "Hindi ka aahon diyan hanggat hindi ka nanginginig sa lamig," saka ito lumakad patungo sa upuan at prenteng naupo roon. Ngek! Akala ba niya magmamakaawa ako? Ito ba iyong parusa niya? Ang sayang parusa naman. Sa hagdan ng pool ako pumwesto. Humiga ako roon. Feel na feel ko ang tubig. Ang ulo ko'y hindi abot ng tubig doon. Grabe! Ang saya naman pala talaga ng ganito. Sa sobrang relax na relax ako sa pool ay nakatulog pa ako. Nagising na lang ako ng mura ng lalaki. Napabalikwas ako ng bangon. "Ano ba? Ang ingay mo! Nagre-relax iyong tao," inis na sigaw ko sa lalaki. "Bulag ka ba?" "You f*****g shut up, Avione!" hiyaw nito. "Kayne Ardee! Kayne Ardee! Paulit-ulit ka. Sobrang tanga." Pikong ani ko. Ganito ako kapag nasisira ang magandang tulog ko. Kuhang-kuha tuloy ng lalaki ang pikon ko. Sobrang sama talaga ng tingin nito sa akin. Lumapit ito at hinaklit ang braso ko. Wala itong pakialam kung basa na ang shoes nito. Basta galit siya at balak na namang ibuhos sa akin. "Stop lying! D'yan ka magaling, Avione. Hanggang kailangan ka gaganyan? Kapag ba mapaniwala mo na naman ako? You are so evil, Avione. Sobrang sama mo to the point na pati si Satanas ay natalo mo pa sa pwesto. Bakit nakukuha mong mag-relax at umaktong wala kang ginawa? Why? f*****g answer me!" niyugyog pa ako nito. Sa galit ng lalaki ay medyo namula pa ang mata nito. Parang iiyak? Nakatitig lang ako rito. "Knoxx, right? Mayaman ka. Gamitin mo iyang pera mo para malaman mo ang totoo. Hindi ako si Avione. Ang pangalan ko ay Kayne Ardee. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses ko nang sinabi sa 'yo iyan. Makinig ka naman. Please lang. Sayang ang kagwapuhan mo kung engot ka naman." Humigpit ang kamay nito sa braso ko. "Ang sinungaling ay sinungaling talaga kahit anong gawin mo. Kayne Ardee? Who the f**k is that? Walang Kayne Ardee... mag-imbestiga ako, Avione. Sinungaling ka pero kailangan mo pang galingan." "Anong wala? Hoy! May birth certificate ako. Pwede mong i-check. Tangina nito. Subukan mo ring hanapin si Dagul at Mak. Kasama ko na sila bata pa lang ako sa kalsada. Hindi ako si Avione." Ilang beses ko bang kailangan igiit iyon? Tangina kasi! Ayaw talagang makinig. Hinila nito t-shirt na suot ko. Hindi naman tinuluyan pero ibinaba lang nito ng bahagya. "Paano mo itatanggi ang peklat na iyan, Avione?" tuloy nito sa peklat na nasa bandang balikat ko. "Oh, anong kinalaman ng peklat ko?" tanong ko rito. Hindi ko alam kung paano akong nagkaroon ng peklat d'yan. Nandyan na iyan dati pa. "Iyan ang isa sa patunay kong ikaw si Avione. Huwag ka nang magsinungaling kasi may ebidensya ako na ikaw nga iyan." Itinulak ko siya. Nabitiwan naman ako nito. "Gago ka ba talaga? Bakit ba ayaw mong makinig? Ano ba itong boss ninyo?" nilingon ko ang mga tauhan nito na agad tumalikod no'ng nasa kanila na ang atensyon ko. "Tanga-tanga! Kapikon. Kung nasa kalye tayo ay tiyak kong napabugbog na kita sa mga bata ko. Bobo ka. Kuhang-kuha mo ang pikon ko," inirapan ko pa ang lalaki. Saka ako lumakad patungo sa haligi at balak umakyat pabalik sa balcony. "Ano bang ginagawa mo, Avione?" sigaw nito sa akin. Para na akong unggoy na nakayakap sa posted tapos tinanong pa ako at muling tinawag na Avione. Tangina talaga. "Kayne ngani! Babalik na ako sa kwarto---" umirap pa ako pero pinutol nito ang sinasabi ko. "May hagdan, babae! Gumamit ka ng hagdan," Ah! Masunurin naman ako. Bumaba ako at iginala ko ang tingin ko. Nakita ko iyong hardinero na may hagdang dala. Lumapit ako roon at hiniram iyon. Saka ako sumampa no'ng naiayos ko na. Hindi pa man nakalahati ay biglang may brasong pumulupot sa akin at pinasan ako na parang bigas. Hindi alintana rito kung basa ako. Basta binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas. Hagdan... iyon palang nasa loob ng bahay ang tinutukoy nito. Medyo nabobo ako roon. Nakakahawa ang kabobohan ng lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD