8. Luhod

1219 Words
Chapter Eight Tulala ako. Bukas ang TV pero hindi ko maunawaan ang pinapanood ko. Wala na ba akong ibang pwedeng gawin dito. Nabo-bored na ako. Mukhang mas exciting ang buhay sa kalsada. Maraming ganap, maraming pwedeng gawin. Pero marami ngang ganap doon pero mas maganda naman ang buhay rito. May pagkain, mga gamit na never kong natamasa noon, at maayos na tulugan. Sayang naman ang buhay na ito kung iiwan ko 'di ba? Tumayo ako at iniwan saglit ang kama. Tinungo ko ang human-sized mirror at pinagmasdan ko ang peklat na tinutukoy ng lalaki kanina. Matagal na ito. Sa sobrang tagal ay hindi ko na nga tanda kung saan ko nakuha iyon. "Pareho raw kami ng asawa niya. Avione? Ang layo naman sa pangalan kong Kayne. May problema siguro talaga sa pag-iisip ang taong iyon. Baka sinasakyan lang din ng mga tauhan niya kasi may pera siya. Tama. Tama." Nahinto ako sa pagsasalita nang narinig ko ang tunog ng pintong binubuksan. Agad akong lumakad para sumilip. Nakita ko ang mga dalawang tauhan. May baril pa rin silang bitbit. Mukha ba akong mapanganib? Hays! Baka gano'n iyong Avione na tinutukoy nila. Baka mapanganib ito't nananakit. "Ma'am Avione, bumaba raw po kayo," ani ng isa. Pagkarinig ko no'n ay agad akong lumakad palapit sa pinto. Nagbigay daan naman sila. Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na si Knoxx. Oo, iyon ang pangalan ni boss. Nang nakalapit ako ay sumenyas ito sa akin na lumuhod ako. "Luhod," may diing ani ng lalaki. Itinuro nito ang pwestong nais itong luhuran ko. Agad namang umangat ang gilid ng labi ko. "Ulol! Diyos lang ang luluhuran ko. Hindi ka Diyos para gawin ko iyon." "I said luhod!" malakas nitong sigaw. Ngunit matigas ako. Bakit ako luluhod 'di ba? Lumakad ako patungo sa couch. Pag-upo ko'y bigla na lang nitong dinampot ang baril niya. Mabilis na kinasa at itinutok sa akin. "Sige! Sige! Puro kayo tutok. Kung mabaril ninyo ako at mamatay ay mumultuhin ko talaga kayo lalo't tiyak na mali ang pangalan sa death certificate ko. Kayne Ardee ang pangalan ko. Make sure tama ang spelling." Inisa-isa ko pa ang spelling no'n. "Luhod," parang hindi naman nito narinig ang sinabi ko. Napasimangot ako rito. Tinitigan ito. Nagmatigas. Sige nga. Tignan natin kung kaya niya akong barilin. Nang hindi ako natinag sa kinauupuan ko ay mas lalong dumiling ang expression ng lalaki. Galit na ito. Dumako ang tingin ko sa baril. Malakas ang kutob ko na kakalabitin na nito ang gatilyo. Sa tantiya ko ay balikat ang balak nitong target-in. Kaya naman hindi na ako nag-alinlangan pa. Nang kalabitin niya ay bahagya akong gumilid. Sa malaking vase tumama ang bala. "Hoy! Gago ka talaga. Ang lakas din talaga ng trip mo sa buhay. Oras na mamatay talaga ako ay ibubulong ko kay kamatayan na sunduin ka n'ya at sa impyerno tayo magtutuos. Napakagago mo. Epal kang kupal ka," gigil na ani ko. "Luluhod ka o babarilin kita," tinakpan ko ang tenga ko saka ako pumikit. "Sige. Barilin mo na. Hindi talaga ako luluhod sa taong wala naman akong atraso." As if, tanggap ko na talaga ang kapalaran ko. Mamamatay na yata talaga ako ngayon. Hindi man lang pinatagal na maranasan ko ang maginhawang buhay. Kingina talaga. Naghintay ako pero walang pumutok. Dahan-dahan pa akong nagmulat ng mata. Wala na roon si Knoxx. Habang ang mga bodyguard nito ay naiiling at natatawa. "Anong nakakatawa? Muntik ko nang ma-meet si Kamatayan tapos natatawa kayo? Anong klaseng mga kupal kayo? Nagmana siguro kayo sa kakupalan ng boss ninyo?" inirapan ko pa ang mga ito. "Tangina ninyo. Pahingi nga ako ng yosi," nagkatinginan ang mga ito. Pare-parehong umiling. "Pati yosi bawal? Langya! Ano bang silbi ninyo sa mundong ito?" pikong asik ko. Hindi na sila makatingin sa akin. Kulang siguro ako sa yosi. Kaya habang Hindi pa ikinukulong ni Knoxx ay hinanap ko na siya. Natagpuan ko siya sa labas. Marahas ang paghinga. Mukhang kinakalma niya ang sarili niya. "Boss, yosi nga," ani ko. "Baka meron ka. Yosing-yosi na talaga ako," napahawak ito sa batok niya. "Tangina! Pinaglalaruan mo talaga ako," biglang hiyaw nito sa mukha ko. Galit na galit ito. Agad din niya akong sinakal. Mahigpit iyon pero nakuha ko pa ring magsalita. "Last chance... bitaw! Kasi kung hindi ay nabayagan kita," banta ko rito. Napakurap-kurap ito. Umatras at bahagyang tinakpan ang p*********i niya. Inubo-ubo pa ako dahil sa higpit ng sakal nito. "Tangina mo ka talaga! Kung hindi ka titigil kasasakal at kasisigaw sa akin ay dudurugin ko talaga iyang itlog mo... iyang ratbu mo. Tangina nito. Galit na galit tapos maling tao naman ang pinagbubuhusan ng galit. Wala ka bang pamilya, Knoxx? Pwede bang sila na lang ang kausapin ko. Para ma-lecture-an ko na rin ang magulang mo at masabi sa kanila na nagpalaki sila ng bobo." "Wala ka talagang pakialam sa nagawa mong kasalanan sa akin, Avione. Dinurog mo ako. Sinira mo ang pamilya natin. Pinatay mo ang anak ko. Wala kang kwenta." Natigilan ako. Pinatay ang anak? Iyong Avione... pinatay niya ang anak niya? Nang muli kong titigan ang lalaki ay kita ko rito kung gaano siya nasasaktan ngayon. Bigla akong naawa. Kaya ba ito nagkakaganito dahil sa pagkamatay ng anak niya? Malabo ba ang judgement nito dahil sa pagdadalamhati nito? Bigla tuloy nagbago ang naiisip kong pagbasag sa itlog nito. Kawawa naman pala ito. "Ano ito, Avione? Amnesia? Sobrang galing mo rin 'no? Pagkatapos mong bulabugin ang buhay ko... naming lahat... ay babalik ka pagkatapos mong palabasing patay ka? Tangina naman!" wasak na wasak ito sa paningin ko. Napabuntonghininga ako. "Pinaglalaruan mo ako." Bigla itong lumingon sa akin. "Naging mabait ako sa 'yo noon dahil mahal kita. Pero ubos na ang pagmamahal, Avione. Ngayon pagsisisihan mo na isang Lucchetti ang pinaglaruan at sinaktan mo. Sisirain kita." Lumapit ako sa lalaki. Maingat kong iniangat ang palad. Natigilan ito. Galit-galitan pero ngayon ay natigilan ito. Balak ko talagang haplusin ang pisngi niya at punasan ang kaunting luha. Pero naalala ko na hindi nga pala ako mabait. Nauwi tuloy sa pagsapok. "Gising, Knoxx. Mali ka ng taong tinatahulan mo. Hindi ako ang asawa mo... mataas ang standard ko sa lalaki. Hindi ka pasok. Sensya na." Iniwan ko na ito at pumasok na ako ng mansion. Baka ubos na ang ligtas points ko at mapatay na talaga ako nito. Kabadong-kabado ako. Bumalik ako sa kwartong inuukupa ko't nagkulong ako. Dinner ay hinatiran na lang ako ng pagkain. "Ory, iyong boss n'yo?" usisa ko. "Umalis po, ma'am. Pumunta po sa bahay ng kapatid." Hindi naniniwala ang lalaki na hindi ako si Avione. What if lumakas ako at kumuha ng record ko? Makakalabas ba ako rito? Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saang lupalop ba ako naroroon. Habang nagdi-dinner ako ay nag-iisip ako. Hindi ko tuloy na appreciate iyong mga pagkaing inihanda nila. Wala akong gana sa labis na focus ko sa pag-iisip. Dinampot ko ang Plato na may masarap na creamy sauce. Inilapat ko ang hintuturo para makuha ang triangle sauce. "Grabe! Hindi masarap," bulalas ko. Napahagikhik naman si Ory. "Hindi masarap, ma'am? Naubos mo nga eh," dumako sa mesa ang tingin ko. Wala ng laman ang mga Plato at mangkok doon. "Hindi masarap... iyong daliri ko. Iyon ang ibig kong sabihin." Hindi ko alam kung effective ba iyong excuse ko. Pero natawa si Ory.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD