Chapter Nine
"Ma'am Avione, gising!" nagmulat ako ng mata. Daig ko pa talaga ang nakabakasyon. Ang sarap-sarap ng tulog sa napakalambot na kama.
"Kayne po," agad kong pagtatama.
"Ma'am, kailangan n'yo pong bumaba. Nasa baba po ang kapatid n'yo."
"Huh? Kapatid ko? Sinong kapatid ko?" takang tanong ko. Tiyak akong wala akong kapatid. Nagkaanak pa ba ang nanay ko at pinadala niya rito?
"Mag-ayos ka po. Ihahanda ko na po ang isusuot ninyo. Maligo po kayo."
Bumangon na ako kahit pa medyo antok pa ang diwa at hindi gets ang sinabi nito.
Laman ng isip ko ang sinasabi nitong kapatid ko. Nakaligo at nakapagbihis ako na laman ng isip ang bisita.
Nang bumaba ako ay nakita ko agad sa couch ang babae. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Ito iyong kasama ni Knoxx no'ng aksidente kong nabangga si Knoxx sa tapat ng isang restaurant 'di ba?
Tumayo ang babae no'ng nakita niyang pababa ako. Seryoso ang expression ng mukha nito pero hindi maitatago na may pagkakahawig kami.
Nang nakalapit ako ay bigla na lang akong sinampal nito. Mariin akong napapikit dahil sa sakit ng sampal na natanggap ko.
Parang ibinuhos ng babae sa sampal na iyon ang lahat ng galit na mayroon ito.
"Ang kapal ng mukha mo... pagkatapos ng lahat ng kasalanan mo sa amin ay babalik ka rito at aaktong wala lang lahat iyon?" nasa tinig nito ang disappointed. Galit ito. "Anong gamit mo sa mukha mo para kumapal ng sobra iyan? Wala ka na bang hiya? Wala na ba?" naluluha na ito sa galit habang ako'y hinahaplos ko pa rin ang pisngi ko. "Sobra mong sinaktan si Knoxx pagkatapos ka n'yang mahalan ng buong-buo. Grabe ka naman, Avione. Wala na bang natitira kahit na kaunting awa sa 'yo para kay Knoxx? Napakabuti ng taong iyon sa 'yo. Bakit? Anong kasalanan niya para maranasan ang ganitong kalupitan mo?" nang tignan ko ang babae ay may umagos ng luha sa kanyang mga mata.
Kapatid ito ni Avione? Pero parang kapatid ko rin dahil sa pagkakahawig namin. Gano'n ko ba talaga kamukha si Avione para pati itong babaeng ito ay iniisip din niyang ako nga si Avione?
"Ako si Kayne Ardee," simula ko. "Kung may marunong lang makinig sa mansion na ito ay sigurado akong tapos na ang dramang ito. Tsk. Masakit iyong sampal mo ha. Feel na feel mo. Kung gantihan kaya kita. Sapakin kaya kita? Tangina nito! Close ba tayo para sampalin mo ako?" inis na ani ko rito. Natigilan ang babae. "Ang yaman n'yo pero bobo kayo. Paulit-ulit na lang. Nauubusan na ako ng pasensya ha. Kinidnap ako ni Knoxx na hindi man lang yata mag-imbestiga. Sinabi ko na. Paulit-ulit pa nga na hindi ako si Avione. Ayaw kasing maniwala. Putangina talaga," pikon na pikong bulalas ko. Lumakad ako patungo sa couch at pabagsak na naupo. Minasahe pa ang pisnging sumalo ng sampal ng babae.
"Alam mo ba kung bakit hindi kami naniniwala sa mga sinabi mo? Dahil tuso ka, Avione. Tuso ka. Nakuha mo kaming linlangin lahat lalo na si Knoxx. Isa kang demonyong nagkatawang tao."
"Putangina! Bahala nga kayo. Mga kingina ninyo. Paniwalaan n'yo na lang ang gusto ninyong paniwalaan. Tutal kumbinsido na talaga kayo na ako talaga si Avione. Pakisabi nga kung may bank account si Avione. Tutal iniisip ninyong Ako siya, eh 'di akin na rin ang pera niya."
"Avione!" pikong sigaw ng babae. Sakto namang dumating si Knoxx. Agad itong napalapit sa babae.
"Cecilia?" ani nito saka hinawakan sa braso ang babae at hinila ito ng bahagya para ilayo sa akin.
"Tama iyan! Ilayo mo at baka gumanti ako sa pananampal sa akin. Baka masampiga ko rin ang pagmumukha. Mga tangina n'yo talagang lahat."
"Avione, stop it! Pati kapatid mo ay lolokihin mo? Walang ginawang masama sa 'yo ang kapatid mo."
"Hays! Paano ko ba patutunayan sa inyo na hindi ako si Avione? Paulit-ulit! Kingina n'yo talaga." Buryong na buryong na talaga ako. Tumayo ako at nag-walkout na. Bumalik ako sa kwarto. Yes. Bihag ako pero parang pag-aari ko ang mansion na ito dahil sa asta ko.
Gaano ba katuso ang babaeng iyon para hindi talaga maniwala sina Knoxx na ako si Kayne at hindi si Avione?
Gano'n ba ito kagaling manloko kaya hirap ang mga tao rito na maniwala?
Pabagsak akong humiga ng kama. "Kingina mo, Avione. Kung buhay ka man ngayon ay tatanggalan kita ng mani. Nasaan ka ba at nababaliw pa rin sila sa 'yo? Hays! Curious tuloy ako kung anong itsura mo para isipin nilang kamukhang-kamukha talaga kita."
Biglang bumukas ang pinto.
Galit na bumungad si Knoxx.
"Sasampalin mo rin ako?" tanong ko rito. "Mga kingina ninyo. Makahanap lang ako ng patunay na hindi talaga ako si Avione ay pagsasampalin ko rin kayo hanggang sa mamaga iyang mga kingina ninyong mukha," inirapan ko pa ang lalaki.
Initsa nito sa akin ang cellphone niya. Dinampot ko naman iyon at tinignan.
Isang CCTV footage ang naroon. Isang babaeng mukhang buntis ang bumaba at saktong dating ni Dagul at Mak. May takip ang half ng mukha ng babae. Parang isang minuto rin silang nag-usap at inabutan ng babae ng pera si Dagul at Mak.
"Avione, hindi nagsisinungaling ang mga camera. Hanggang kailan mo pa itatanggi."
"Sino 'to?" turo ko sa babaeng buntis.
"f**k! It's you!" asik nito. Pinakatitigan kong mabuti ngunit medyo malabo kasi ang footage pero tiyak naman akong si Dagul iyon at Mak.
"Hindi ako iyan. Kailan pa ako nabuntis? Kailan pa ako nagkaroon ng van?" ibinato ko rin iyon sa lalaki na madali lang naman nitong nasalo.
Humakbang ito palapit sa akin. Bigla ba namang pumatong habang ang kamay ay nasa leeg ko.
"Ughhh! Sige pa... isagad mo pa," malaswang halinghing ko kaya naman agad umalis sa ibabaw ko ang lalaki. Ang lakas nang tawa ko. Gulat na gulat talaga ito. "Gulat ka 'no?" aliw na ani ko rito.
"Damn you!"
"Pareho ba kami ng ungol ng asawa mo? Mukhang binibira mo siya... gusto mo bang i-check kung same ng butas na pinapasok iyang oten mo? Mukhang iyon na lang ang proof na pwede kong iharap sa 'yo. Bubukaka na ba ako para ipakitang mashikip pa ako?" marahan ang pagbuga nito ng hangin. Mukhang kaunti na lang ay sasabog na naman ito.
"Tangina!" mahinang ani ng lalaki.
"Kasi naman ang bobobo ninyo kaya gagamitan ko na lang din kayo ng pambobong sagot. Mga kingina na nga, mga bobo pa. Sabihin mo roon sa babae mag-ingat siya kasi sapak talaga ang igaganti ko sa kanya." Bigla na lang itong tumalikod at malakas nitong isinara ang pinto.
Hays.
Kailangan kong makausap sina Dagul at Mak. Mas lalong hindi naniniwala ang mga ito dahil sa video na iyon.
Gumawi ang tingin ko sa balcony.
Nope. Kung maaga akong tatakas ay tiyak kong huli ako. Mamaya na lang.
--
Gabi. Walang kahirap-hirap na nakababa ako. Lakad takbo ang ginawa ko para makaikot ng mansion. Wala akong idea sa lugar na ito kaya naman plano kong mag-isip ng Plano mamaya.
Nakarating ako sa garage. Saktong nagmamadali ang mga tauhan doon kaya naman sumalisi ako sa isang sasakyan na nakabukas.
Sumiksik akong mabuti. Nang narinig kong sumara ang pinto ay mas pinigil kong makalikha ng ingay.
Nang umusad ang sasakyan ay nangingibabaw ang tinig ni Knoxx na nagbibigay ng order.
Kill them. Iyon ang paulit-ulit kong narinig na order nito. Tangina. Mamamatay tao pala itong gagong ito.
Naririnig ko ring naghahanda ang mga ito sa pagsugod. Diyos ko po. Wrong timing yata ako sa gagawing pagtakas.
Mukhang katapusan ko na talaga.
Sa tagal ng biyahe ay nakatulog pa ako. Nagising na lang ako na parang pinauulanan na ng bala ang sasakyan.
"Damn it!" malutong na ani ni Knoxx.
"Hoy! Hoy!" tarantang bulalas ko at lumabas ako sa pinagtataguan ng wala sa oras. Napalingon si Knoxx na parang gulat na gulat ito na naroon ako.
"What the f**k are you doing here?" hiyaw ng lalaki sa akin.
"Anong nangyayari? Gago! Bakit may barilan," mabilis akong lumipat ng pwesto. Umupo ako sa tabi nito at kumapit sa braso nito. "Gago ka! Hindi pa ako pwedeng mamatay. Ayaw ko pa." Napatitig ang lalaki sa akin. Kaya sinampal ko para matauhan.
"Woman!" galit nitong ani.
"Kumilos ka, Knoxx. Baka mamatay ako rito kung wala kang gagawin. 'Di bale ng ikaw ang mamatay huwag lang ako," mas lalong sumama ang tingin nito sa akin.
"Boss, kailangan na nating bumaba," ani ng tauhan nito. Hinawakan ni Knoxx ang braso ko. Nang bumaba ito ay hinila rin niya ako pababa.
Nang tumakbo sila... sumabay rin ako sa pagtakbo. Runner ako mula noon pa kaya basic lang sa akin ito. Kung hindi lang ako hawak ni Knoxx ay baka iniwan ko pa sila eh. Kaso mahigpit ako nitong hawak.
"Lorddd! Gusto mo pang mabuhay," hiyaw ko nang muli kaming paulanan ng bala pero magaling kaming umiwas. Sila oo, ako tiyak kong tiyamba lang iyon.
Nakipagpalitan ng putok itong mga kasama ko. Hanggang sa nakarating kami sa isang truck kung saan doon kami nagtago.
"Stay here," mariing bilin ni Knoxx sa akin. Saka ito nakipagpalitan ng putok.
Ako naman ay pasimpleng tumalilis pero may humila sa buhok ko dahil iyon lang ang naabot nito. "Damn it! Are you stupid? Sinabi kong manatili ka sa pwesto mo 'di ba? Tatakas ka?" galit na tanong nito sa akin.
"Aray ko naman! Ililigtas ko lang naman ang sarili ko. Kingina ninyo. Nasa level lang ako ng pagnanakaw sa palengke at hindi sa ganitong aksyon."
Hinila ako nito pabalik sa likod ng truck. Nakinig naman na ako sa sinabi niyang stay or babarilin niya ako.
Siyempre stay ang pinili ko. Kingina talaga.