Chapter Ten
"Tiyakin ninyong lahat ng mga baril sa truck ay makukuha ninyo. Wala kayong ititira," ani ng lalaki.
Kaya pala mayaman itong kingina na ito. Nasa illegal na negosyo pala.
Ibig bang sabihin ay damay na ako rito kung mahuli siya ng pulis? Napakurap-kurap ako. Nalusutan ko nga iyong mga pulis sa palengke. Mukhang sa ganitong raket ng lalaki ay hindi kami makakalusot.
Nang lumakad si Knoxx sa pwesto ko ay inirapan ko ito.
"Sakay," utos nito sa sasakyan na huminto. Hindi na kami sasakay roon sa sinakyan namin kanina. Bagong sasakyan na ito. Labag man sa loob ko ay sumakay ako.
Pagsakay namin ay umusad agad iyon.
Nilingon ko ang lalaki. "Psst! Ang astig ng barilan kanina," simula ko na para bang hindi ako natakot sa nangyari. "Pwede mo ba akong turuan bumaril? Ang astig siguro no'n. Kapag marunong na ako ay pagbabarilin ko kayo mga kingina n'yo," ani ko.
"No," sagot ng lalaki habang ang driver ay natatawa.
"Bakit no?" disappointed kong tanong dito. Napakadamot naman pala nito.
"Narinig mo ba ang sinabi mo? Kapag marunong ka na ay pagbabarilin mo kami? Kaya no!" masungit na ani ng lalaki. Nanulis naman ang nguso ko na umayos ng upo. Nanahimik. "So, plano mong tumakas?" nang lingunin ko ay angat ang kilay nito.
"Ulol! Kung tatakas ako ay sa tingin mo narito ako? Sumama lang ako sa 'yo," palusot ko rito. "Takas? Never! Bakit ako tatakas? Ang sarap-sarap nga ng buhay ko sa mansion eh," inirapan ko pa ito.
Nakabalik kami sa mansion. Hatinggabi na. Nang bumaba ito ay bumaba na rin ako dahil alam ko namang walang princess treatment dito.
Bumuntot ako rito hanggang nakapasok ng mansion.
Nang pumasok ito sa kwarto niya ay pumasok na rin ako sa kwarto ko... ko? Kingina! May kwarto na ako. Gano'n ako ka-feel at home.
Pagpasok ko'y dumeretso ako sa banyo. Feeling ko'y gumaganda na ang skin ko. Mamahalin ba naman ang sabon dito, malinis ang tubig, tapos naka-aircon pa.
Magiging kutis mayaman na siguro ako soon.
Araw-araw na rin akong naliligo hindi tulad sa kalye na minsan sa isang linggo lang.
Pagkatapos kong naligo ay nagsuot lang ako ng robe. Sa walk-in closet ang deretso ko. Namili ako ng pantulog. Kapag gano'n kasi ang suot ko ay komportable talaga akong matulog.
Feel ko lang 'to ha, feel ko lang na deserve kong maging anak mayaman. Iyong ganitong buhay.
Pagkatapos kong nagbihis ay tumambay muna ako sa balcony. Paano kaya ako makakaalis dito?
Nakatulala lang ako sa madilim na kalangitan.
"Kunin ninyo rito. Yes. Nakuha namin kanina. Hihintayin kayo ng tauhan ko. Nope. Matutulog na ako, Sage. I'm tired. Uutusan ko na lang ang tauhan ko na hintayin kayo. Bye."
Nasa kabilang balcony lang si Knoxx. Sa narinig ko ay nakakuha na naman ako ng idea. Biglaang plano.
Maghihintay rin ako.
--
2 am dumating. Ang kinuha nila ay ang truck na punong-puno ng mga armas.
Nakuha kong magtago sa pick-up habang abala ang lahat.
Nagtalukbong lang din ako ng tulda na naroon. Nang umusad iyon ay malawak na ang ngiti ko.
Makakatakas na ako...
Isang oras na biyahe at huminto ang sasakyan. Nang sumilip ako ay pamilyar na ang paligid ko. Traffic kaya hindi makausad ang mga sasakyan. Pasimpleng bumaba ako roon at nang nakababa na ay mabilis akong tumakbo. Hindi napansin ng mga ito ang presensiya ko kaya naman tuloy-tuloy akong lumayo.
Si Dagul at Mak ang una kong hinanap. Hindi ko sila nakita sa mga spot na alam kong pinupuwestuhan nila. Wala rin sa ilalim ng tulay. Natanaw ko lang naman pero hindi ako lumapit. Napansin ko kasi ang mga kahina-hinalang lalaki na nagmamatiyag doon.
Tiyak ako ang target nila.
Dahil wala, naisip kong puntahan si Lila sa club kung saan siya nagtratrabaho. Nagbakasakali lang ako.
Sakto namang labas ng babae na parang pagod na pagod. Sinabayan ko ito sa paglalakad.
"Hoy!" gulat na ani nito. "Saan ka ba galing at ilang araw na akong kinukulit nila Mak at Dagul!" ani nito. Kumapit ito sa braso ko.
"Nakidnap kasi ako, Lila. Hinahanap ko sila ngayon pero wala sila."
"Sumama ka muna sa bahay. Wala rin akong idea kung nasaan sila ngayon. Nabalitaan ko na may naghahanap sa 'yo. Delikado kung magpapagala-gala ka," sumakay kami ng tricycle.
Dumeretso kami sa bahay nito. Nakakagulat lang na wala ang mga kapatid nito roon pero hindi ako nag-usisa. "Dito ka na muna. Magpahinga ka. Kung maaga akong magising mamaya ay sasamahan kitang maghanap."
"Hindi na. Ako na lang ang maghahanap. Salamat sa pagpapatuloy sa akin. Bukas na lang ako maghahanap," tumango naman ito. Halatang pagod ang kaibigan ko pero nakukuha pa rin nitong ngumiti sa akin. Pilit nga lang.
Nang may nagtao po ay napatingin ako sa orasan. 4:23 am na.
Sumenyas ako rito na huwag nang lumabas pero tuloy-tuloy ito.
"Anong kailangan mo, Martin?" cold na tanong ng babae sa bisita niya.
"May pera ako, Lila," ani ng lalaki. Malungkot ang tinig nito. "Hirap na hirap na ako na hindi mo ako pinapansin o kinakausap. Kung ito lang ang paraan para makasama ka ay pwede ba? Kahit saglit lang? Binale ko lang ito kay boss. 2k ito. Please."
Gusto ko rin sanang sumilip. Kilala ko si Martin. Ang kapitbahay ni Lila na matagal ng may gusto rito. Pero hindi pinapatulan ni Lila.
"Isang round lang iyan, Martin. Pagod ako. Tumuloy ka," nanlaki ang mata ko. Tumatanggap na rin si Lila ng customer sa bahay niya? Manliligaw niya si Martin 'di ba? Bakit parang customer na?
Nang pumasok ang lalaki ay parang nagulat pa ito na naroon ako.
"Kayne," ani ng lalaki.
"Kayne, d'yan ka muna. Trabaho lang," cold na ani ni Lila. Hindi pa man ako nakakabawi sa nakakalokang pagkabigla ay hinila na ng babae ang lalaki patungo sa kwarto.
Ilang saglit pa'y napatakip ako sa tenga habang nanlalaki ang mata. Shocks! Nagkakantuta--- wrong timing ba ako?
Maingay na inaangkin ni Martin si Lila sa kwarto. Hindi ko kinaya. Naloka talaga ako. Lumabas ako ng bahay at hinintay na lang na matapos ang lahat.
Nang lumabas si Martin ay napatingin ako sa kanya.
"Huwag mo sanang husgahan si Lila o ako sa ginawa namin, Kayne. Mahal na mahal ko si Lila pero ramdam kong mas lalo siyang lumayo. Abot tanaw ko lang pero hindi ko naman maabot. Ito na lang ang paraang alam ko. Nagbabayad ako sa kanya makasama ko lang siya kahit na sandali lang. Mahal na mahal ko siya. Si Lila... ginagawa niya iyon dahil kailangan niya ng pera lalo na at nasa alaganin ang buhay ng kapatid niya. No choice siya. Ako itong gago na gina-grab ang chance dahil sobrang mahal ko talaga siya," ramdam ko ang lungkot sa tinig nito. "Pasok ka na. Tulog na si Lila. Huwag mo na lang buksan ang usapan tungkol sa nangyari.
Napatango na lang ako. Nang umalis ito ay pumasok ako sa bahay at ako na rin ang nagsara ng pinto.
--
Kinaumagahan ay nagising ako na abala na si Lila sa kusina. Naghahanda ito ng almusal. Pakiramdam ko'y hindi pa sapat ang pahinga nito pero kumikilos na siya.
"Tulungan na kita," alok ko rito.
"Hindi na. Maupo ka na at magkape," inilapag nito ang kapeng tinimpla niya. "Kape ka na," sumunod ang tingin ko kay Lila.
"Lila, ayos ka lang ba?" ramdam ko na mas mabigat ang problema nito kaysa sa akin. I mean pareho kaming may problema pero iba ang aura ng babae.
Umupo ito na.
"Kain na tayo," alok nito.
"Lila?" tawag kong muli. Pilit namang ngumiti ang babae. Pero kasunod no'n ay sunod-sunod nang pumatak ang luha nito.
"Napapagod na ako, Kayne," mahinang amin nito habang sige ang tulo ng luha niya. "Napapagod na ako sa sitwasyong ito pero hindi ko pwedeng hayaang mapagod ako ng tuluyan... hindi ko pwedeng pansinin ang pagod ko dahil oras ang kalaban ko." Nakinig ako rito. Sobrang bigat nga talaga ng pinagdaraanan nito kumpara sa akin na napagkamalan lang na asawa. Sobrang bigat ng problema nito at alam kong hirap na hirap na talaga ito. "Sobrang dumi ko na, Kayne. Hindi ko na mabilang kung ilang lalaki ang gumalaw sa akin. Para lang sa pera... para lang makaipon ako. Hindi ko na makilala ang sarili ko, Kayne. Hindi ko naman ginusto na pasukin ang ganitong buhay pero ito lang iyong pintong nagbukas ng opportunity sa akin. No choice ako. Nahihirapan na talaga ako."
Tumayo ako't niyakap ito.
"Tanginang buhay ito, Lila. Bakit ba pinanganak tayong mahirap? Mga putangina talaga nila. Pinahihirapan ang buhay natin."
"Napapagod na ako, Kayne. Pagod na pagod na ako." Ang hirap ng sitwasyon nito. Ate kasi ito na nanay at tatay na rin. Wala akong maitutulong dito dahil mahirap lang din ako. Kaya kahit nag-offer siya sa akin na tutulungan ako sa paghahanap sa mga kaibigan ay tumanggi ako.
"Kunin mo na ito," offer nito sa 2k na tiyak kong galing kay Martin kagabi. Tangina. Ganito kabuti ang puso ng kaibigan ko. Awang-awa ako rito.
"Hindi na. Magagawan ko ng paraan iyan. Ako na ang bahala." Niyakap ko ito. "Magpakatatag ka, Lila. Huwag kang susuko ha. Mag-aasawa pa tayo ng matandang mayaman na madaling mamatay tapos mabubuhay tayo ng marangya at biyuda," natawa ito pero tumango.