Chapter Eleven Malikot ang mata ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa palengke pero hindi ko pa rin makita si Dagul at Mak. Nasaan na ba kasi sila? Bakakariam na ako ng pikon sa mga iyon. Baka kung saan na nagpunta. "Manang, hindi n'yo ba talaga nakita si Dagul at Mak?" ilang tindera na ang natanong ko. Nagbabakasakali pa rin ako. "Kayne, hindi talaga. Ilang araw na ngang magulo rito sa palengke dahil sa pagkawala ng presensiya ninyo. May nanggugulo. Ewan ko ba kung saan sina Mak at Dagul." "Sige pala, Manang. Ikot lang po ako," bahagya kong in-adjust ang sumbrelong suot ko. Ang lumang damit na suot ko naman ay hiniram ko lang kay Lila kanina. Ngayon ay madali na lang humalo sa mga tao dahil sa ayos ko. Nang gumawi ang tingin ko sa isang grupo na sumisiksik sa gitna ng palengke ay kumabog

