KANINA pa tumahimik ang paligid. Halos paisa-isa na lang ang putukan na maririnig. Mangilan-ngilan na lang ang mga taong nasa labas. Tulog na rin ang mga helpers nila. Mukhang tanghali na magigising ang mga iyon dahil sa magkahalong pagod at puyat. Bukod sa mga nakainom pa. Kaya pumasok na sa loob ng mansiyon sina Tere at Liam para magpahinga na rin. Parehong may ngiti sa mga labi at magkaakbay na nilisan nila ang malawak na garden. "Tayo naman ang magpaputok," pilyo nitong bulong pagkatapos siyang hapitin sa baywang at isinandal sa maindoor. "Dito na tayo sa ibaba. Let's try other positions here." Natatawang piningot ni Tere ang ilong ni Liam. "Naughty!" Kahit ang totoo ay para siyang kinikiliti sa antisipasyon. "Baka may makakita sa'tin dito." Inilapat niya ang isang palad sa dibdib