CHAPTER 1
“Aaah! Oh f**k harder baby!” Malakas na ungol ang kumawala sa kaniya nang mariin kong ibinaon ang kahabaan ko sa babaeng kaulayaw ko.
This is me, I am Lucas Montealegre at wala ako nino mang babaeng sineryoso. I like to play women and having s*x with them and no strings attached. Kung ang dalawang kapatid ko ay seryoso sa naging asawa nila ever since ay iba ako. Kung magseryoso man ako ay iyon ay pagdating sa s*x. I’m serious while f*****g them hard until they beg to stop.
Walang kahirap-hirap ko naman siyang ibinaligtad patihaya sa’kin at walang buwelo kong ipinasok muli ang alaga ko sa kaniyang butas. She’s the girl I met in the club at unang nagpakita ng motibo sa’kin. Lahat ng mga naikama ko na ay halos may mga karanasan na rin at ang iba ay masasabi kong magaling ito pagdating sa performance.
Naramdaman ko na malapit na akong labasan kaya mas binilisan ko pa ang pagbayo ko sa kaniya. Kaagad ko naman itong hinugot at itinapon ang katas ko sa kaniyang tiyan. Hingal na hingal naman akong tumayo sa kama at kinuha ko ang tuwalya na nakapatong sa lamesa at pinunasan ang pawis ko sa buong katawan ko.
Nagtungo ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay kaagad akong nagbihis at nakita kong tulog na tulog na ang babaeng kasama ko kaya minabuti kong iwan na lang siya roon. Nang makalabas na ako ng kuwarto ay sinalubong naman ako ng secretary kong si Calixto at isa sa pinagkakatiwalaan ko. Matagal na rin siyang nagtatrabaho sa’kin at anak siya ng dating magsasaka namin na si Manong Ernesto. Mahina na ito at si Calixto na lang ang inaasahan niya sa pamilya nila. Ang mama ko ang siyang nagpaaral sa kaniya kaya naman noong in-offeran siya nitong magtrabaho sa akin bilang secretary ko ay kaagad naman siyang pumayag. Iyon nga lang ay mas loyal sa’kin si Calixto kaysa sa mama ko. Kapag nagtatanong kasi si mama kung ano ang mga pinaggagawa ko at kung may mga babae pa raw ba ako ang lagi lang niyang sagot ay abala ako sa trabaho ko rito sa Maynila. Totoo namang abala talaga ako pero syempre kailangan din samahan ng sarap hindi puro na lang pagod sa trabaho ang inaatupag ko.
“Sir, tumawag nga po pala ang kuya niyong si Sir Roco at pinapauwi kayo ngayon din sa Quezon.” Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.
“At bakit daw?” Nagkibit-balikat lang siya at kinuha ko naman ang aking telepono mula sa bulsa ng pantalon ko.
Tinawagan ko ang kapatid kong si Roco at ‘di nagtagal ay sinagot din naman niya ito. Natigilan ako sa kaniyang sinabi at nagmamadali naman akong lumabas ng hotel. Panay naman ang tawag sa’kin ni Calixto pero patuloy pa rin ang pagtakbo ko hanggang sa makarating ako sa parking lot. Nang buksan ko ang driver seat ay hinawakan ako sa palasulsuhan ni Calixto at sa passenger seat na niya ako pinapuwesto. Siya na ang nagmaneho at hindi na siya nagtanong pa. Sinubukan ko namang tawagan ang isa ko pang kapatid na si Trevor pero hindi niya ito sinasagot.
“God dammit!” Sabay bato ko ng aking telepono sa dashboard.
Hinilot ko ang aking sentido at napasandal na lang ako sa aking upuan. Ilang oras pa bago kami makarating sa Quezon at tiyak ay aabutan na kami ng traffic dahil alas-otso na ng umaga. Halos hindi naman ako mapakali sa aking kinauupuan at gusto ko nang paliparin itong kotse para makarating kaming kaagad sa Quezon.
“Sir Lucas may nangyari po ba?” Tiningnan ko lang si Calixto at buntong-hininga lang ang isinagot ko sa kaniya.
Halos limang oras din ang binyahe namin simula Maynila hanggang dito sa Quezon. Pagkaparada ni Calixto ng sasakyan ay mabilis akong bumaba at nagtungo sa private boat namin. Ipapakuha ko na lang ang sasakyan ko at kailangan ko nang makarating kaagad sa mansyon.
Pagdating namin sa pantalan ay kaagad namang may sumalubong sa aming mga tauhan namin at nandito rin ang tauhan ni Gascon na si Erick at Julius. Tahimik lang naming tinatahak ang daan papunta sa mansyon at hindi sila nagbanggit sa akin ng kung ano.
Bumaba na ako ng sasakyan at patakbo ko namang tinungo ang kuwarto ni mama. Halos malagutan na ako ng hininga dahil nasa ikatlong palapag pa ang kuwarto niya at sa dulo pa nitong dinaraanan ko.
“Mama!” sigaw ko nang buksan ko ang pintuan ng kuwarto niya.
Nagulat pa ako at napatulala nang makita ko ang mga kapatid ko roon at nakapalibot sa kama ni mama. Nakaupo naman si mama sa kaniyang kama at malapad pa itong ngumiti sa akin nang makita ako.
“There he goes,” saad ni Gascon.
“A-akala ko ba__”
“Kung hindi ko pa sinabing inatake ako hindi ka pa pupuntang punyemas ka!” galit nitong sigaw sa’kin.
Napapikit na lang ako at naglakad papunta sa kaniya. Nasa gitna ako ng kama niya at inis na inis naman akong nakatitig sa kaniya. Ganito talaga siya kapag hindi kami umuuwi rito sa Quezon at may time pa nga na binablack mail o kinokonsensya niya pa kami kung hindi kami uuwi rito. Si Roco at Gascon ay may kani-kaniya ng pamilya at dito na rin sila naninirahan sa Quezon dahil na rin sa kagustuhan ni mama at gano’n din naman ang gusto ng mga asawa nila. Sadyang kami na lang ni Trevor ang wala pang sariling pamilya at wala pa akong balak na magpatali. Ito rin ang ayaw ko kapag uuwi ako rito at laging bukambibig ni mama ay ang pag-aasawa ko.
“Ma naman, hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sa’yo? Tapos ganito ang aabutan ko?” inis kong turan sa kaniya.
“Kung sinabi ko bang pumunta ka rito at dalawin mo ang mama mo gagawin mo ba?”
“Alam ko kasing pipilitin mo na naman akong mag-asawa. Ma, may asawa na naman itong dalawang anak mo tama na ‘yon huwag mo na akong idamay. Kung gusto mo itong si Trevor na lang,” turo ko sa kapatid ko na nasa kabilang gilid.
“Teka, bakit ako nadamay diyan?”
“Magsitigil nga kayo!” saway ni mama sa amin.
Tumalikod ako sa kaniya at naupo naman sa mahabang couch. Sumunod naman ang tatlong kapatid ko at ngingiti-ngiti pa sa akin si Roco na halatang inaasar ako.
“Hindi ka uubra kay mama, ganiyan din siya sa’min remember? Ang pinagkaiba nga lang namin sa’yo, ikaw iba-iba ang butas na pinasukan, parang itong si Gascon,” turo niya pa rito at tinitigan naman siya ng masama.
“Gusto mong sikmuraan kita?”
“Hoy Gascon mas matanda ako sa’yo at kuya mo ‘ko kaya magbigay ka ng respeto sa’kin”
“f**k you,” mahinang mura niya kay Roco.
Napapailing na lang ako sa mga sagutan nila at ganoon na talaga sila at akala ng iba ay nag-aaway sila. May mga oras pa nga na nagtututukan sila ng baril kapag napipikon ang isa. Iyong iba ay sanay na sa kanila at hindi naman sila seryoso sa ganoong bagay. Pero ang iba ay takot sa kanila at ni ayaw nga silang makasalubong kapag nakikita nila ito sa lupain namin kapag nagagawi sila roon.
Umupo si mama sa pang-isahang upuan at pinagkrus pa nito ang kaniyang mga braso at binti. Ganito siya kapag namimiss kami pero hindi ko inaasahan na ganoong dahilan ang ipaparating niya sa’kin at kulang na lang ay magteleport ako para lang makarating kaagad dito.
“Hihintayin mo pa bang mamatay ako Lucas para pumunta ka rito?” May halong tampong saad niya.
“Ma, hindi naman sa gano’n at saka imposibleng mamatay ka ng maaga dahil mas malakas ka pa sa kalabaw ni Mang Igme”
“Sira-ulo ka talaga kahit kailan! Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Hindi ko alam kung bakit panay lalaki ang binigay sa’kin ng daddy niyo. Hindi sana kayo magiging apat kung binigyan kami ng babaeng anak eh.” Nagkatinginan na lang kaming magkakapatid habang nagsesermon si mama. “Magpakasal ka na Lucas hindi puro pag-iyot ang inaatupag mo!” Hindi pa rin talaga nagbabago si mama taklesa pa rin hanggang ngayon.
Tumayo na ako at pinamey-awangan siya. Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya at pagkuwan ay lumapit sa kaniya at mariin kong hinagkan ang pisngi niya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at gulat na gulat ang itsura niyang nakatingin sa akin.
“Ayoko mama, ayoko pang mag-asawa.” Tumalikod na ako sa kaniya at akmang lalabas na ng kuwarto niya ng marinig ko ang mahinang ungol niya na tila may iniinda.
Nakahawak siya sa kaniyang dibdib at habol nito ang kaniyang paghinga. Kahit ang mga kapatid ko ay nakatingin lang sa kaniya dahil alam namin na nagpapanggap lang siya. Lumapit pa ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi.
“You want me to call Doctor Marco to check on you?” Doon lang siya natauhan at padabog na umayos sa kaniyang pagkakaupo.
Masasabi kong dramatic queen talaga si mama. Akala ng iba ay isa siyang kontrabida sa pelikula dahil naririnig nila itong sumisigaw at pinagagalitan kaming magkakapatid. Ang hindi alam ng karamihan ay ganoon na talaga siya na akala mo’y galit pero maingay lang siya. Malaki ang respeto ng mga tauhan namin sa kaniya dahil binigyan niya ng trabaho ang tao na naninirahan dito at pinagpatayo pa ng maliit na kubo.
“Lucas, kailan ka ba titino?!” galit nitong sambit.
Nginitian ko lang siya at tuluyan na akong lumabas ng kuwarto niya. Kasunod ko naman ang tatlong kapatid ko at sigurado akong gano’n din ang ginawa ni mama sa kanila kaya nandito rin sila sa mansyon.
“Aalis ka na agad?” tanong ni Roco habang binabagtas namin palabas nitong mansyon.
“Not yet, siguro maglalagi muna ako ng mga isang linggo pa rito para naman mabawasan ang galit ni mama at baka hindi na niya ako piliting mag-asawa pa”
“Akala mo lang ‘yon,” sabat ni Gascon na nasa aming likuran. Nauna na siyang maglakad at lumingon pa ito sa amin. “Visit our home, Wakz si waiting for you.” Pagkasabi niyang iyon ay naglakad na siya palayo sa amin.
“Gunner too,” saad naman ni Roco at iniwan na rin ako at kasama niyang umalis si Trevor.
Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa aking mukha at naisipan ko namang magpunta sa niyogan. Dala ko ang sasakyan naming Raptor dahil masyadong matarik ang daan papunta sa bundok. At nang makarating na ako ay kaagad akong bumaba. Nakita naman ako ng iba naming tauhan at nilapitan nila ako at binati.
“Kumusta po Sir Lucas?” bati sa akin ni Mang Igme.
“Ayos naman po Mang Igme, siya nga po pala iyong mga niyog po ba naikarga na?”
“Mamaya po dadating iyong truck para dalhin na sa Maynila iyong nailagay namin sa sako. Nasabi na rin po namin kay Sir Roco na mamayang gabi dadating iyong mga truck”
“Sige po Mang Igme,” paalam ko sa kaniya.
Naisipan ko namang dalawin si Mang Ernesto para kumustahin siya. Malapit lang ang bahay nila rito sa may niyogan kaya naman nilakad ko na lang papunta sa kanila. Malapit sila sa tabing-dagat at kita mula rito ang lawak noon. Napapaligiran din ito ng mga tanim nilang gulay at prutas dahil mahilig ang asawa niyang magtanim ng iba’t-ibang klaseng mga gulay para hindi na nga naman sila bibili.
Naabutan ko namang nagluluto ang asawa niyang si Aling Dolor at mahina pa akong kumatok sa naka awang nilang pintuan. Nagulat pa siya nang makita ako at pinatuloy naman niya ako sa munti nilang bahay.
“Ikaw pala Sir Lucas, mabuti naman po at napadalaw kayo rito,” masayang bati niya sa akin.
“Biglaan po Aling Dolor, alam mo naman si mama.” Napahagikhik na lang siya at kilala niya rin ang ugali ni mama.
Naging kasambahay namin siya noon at umalis lang siya sa amin ng maakidente si Mang Ernesto at manghina ang katawan nito. Kaya naman nakiusap din si Aling Dolor kay mama na bigyan ng trabaho si Calixto. Noong una ay magiging trabahador lang talaga siya sa bukid pero naisip din ni mama na sayang ang pinag-aralan ni Calixto kung iyon ang magiging trabaho niya. Guwapo rin si Calixto at kapag kasama ko siya sa mga meetings ko ay parati siyang napagkakamalang nakababatang kapatid ko.
“Dolor si Sir Lucas ba iyang kausap mo?” sambit ni Mang Ernesto at papalabas naman siya sa kanilang kuwarto.
Inalalayan ko naman siya at hawak niya ang tungkod niya na gawa pa sa kawayan. Hindi na siya gaanong makalakad dahil nabagsakan ng puno ng niyog ang kaniyang kaliwang paa at iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya makapagtrabaho pa.
“Kumusta na po kayo Mang Ernesto? Nakakapunta pa po ba kayo sa doctor niyo?” umupo siya sa harapan ko at katabi naman niya ang asawa niya.
“Kahit magpunta naman ako sa doctor hindi na rin naman ako makakalakad pa”
“Kahit na Mang Ernesto dapat pinapatingnan niyo pa rin ‘yang paa niyo”
“Tama si Sir Lucas Ernesto matigas kasi ang ulo mong matanda ka eh,” sermon naman ni Aling Dolor sa kaniya.
Kinuha ko naman ang wallet ko sa likod ng bulsa ng pantalon ko at inabot sa kaniya ang pera. Tiningnan lang nila ito at ako na mismo at naglagay sa palad ni Mang Ernesto noon.
“N-naku Sir Lucas hindi niyo naman po kailangan bigyan pa ako nito at buwan-buwan naman pong nagpapadala si Calixto ng pera sa amin at sobra na po ang naitulong niyo sa amin,” napangiti na lang ako at pagkuwan ay tumayo na.
“Iba naman po ang galing sa’kin tulong ko na ‘yan sa inyo. At salamat din kasi nagkaroon ako ng loyal na empleyado,” kindat ko pa sa mag-asawa.
Hinatid naman ako ni Aling Dolor hanggang sa bakuran nila at pinasadahan ko pa ang paligid nila. Medyo umaliwalas na ito hindi tulad ng dati na masukal pa. May mga alagang manok at bibe na rin sila na pupwede nilang ibenta sa bayan.
“Kay Calixto po galing ang lahat ng iyan.” Nahalata naman ni Aling Dolor ang pagmamasid ko sa paligid nila.
“Masuwerte kayo kasi mabait si Calixto at mahal na mahal niya kayo”
“Suwerte din po siya sa inyo dahil mabait kayong amo niya. At masuwerte din po ang magiging asawa niyo kung sakali.” Napaubo na lang ako at para bang nasamid ako sa sariling laway ko.
“S-sige po Aling Dolor aalis na po ako at bibisitahin ko pa ‘yong sakahan,” paalam ko na sa kaniya.
Habang naglalakad ako papunta kung saan ko pinarada ang sasakyan ko ay nakita ko naman sa ‘di kalayuan si Calixto. May bitbit siyang isang piging na saba at isang plastic ng isda na wari ko’y pasalubong niya sa kaniyang mga magulang. Naalala kong naiwan ko nga pala siya sa pantalan dahil nagmamadali akong pumunta rito dahil sa kalokohan ng mama ko. Ngayon ko lang napansin na may kausap pala siyang babae na mahaba ang buhok at kulay brown ang kulay nito. Nakatalikod siya at hindi ko naman makita ang itsura nito. Napansin ko naman ang bilugang puwet nito dahil sa hapit na suot nitong pantalon. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang babaeng kausap niya at tinatanaw ko naman siya sa malayo. Sa tingin ko ay mukhang hindi siya taga-rito dahil sa klase ng suot niya.
“Sir Lucas ano pong ginagawa niyo rito?” Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa’kin si Calixto at takang nakatitig sa’kin.
“H-ha? Dinalaw ko lang si Mang Ernesto. Saka sino ‘yong kausap mo? Girlfriend mo?” curious kong tanong sa kaniya.
“Naku hindi po, kaibigan ko lang po siya at napadalaw lang siya rito dahil sa mommy niya”
“Mommy?” Kunot ang noo kong tanong sa kaniya.
Tama nga ang nasa isip ko, mukhang hindi siya pangkaraniwang babae dahil kita ko pa lang sa pananamit niya ay tila may sinabi ito sa buhay. Parang naging interesado akong bigla sa kaniya at inakbayan ko pa si Calixto na ikinagulat niya.
“Maganda ba siya?” pilyong tanong ko.
“Ay opo napaka-ganda niya!” Walang ligoy-ligoy nitong sagot.
“E bakit hindi mo ligawan maganda naman pala?”
“Hindi po puwede dahil hindi siya ang tipo kong babae. Kung alam niyo lang sir mas lalaki pa sa’kin ‘yon,” natatawa niyang sabi sa’kin. “Sige po Sir Lucas mauna na po ako at ipagluluto ko muna si tatay ng nilabong saba.” Tumango lang ako sa kaniya at sumakay na sa aking sasakyan.
Napatingin naman ako sa side mirror at nakita kong pumara ‘yong kaibigang ni Calixto ng tricycle at wari ko’y papunta ito sa bayan. Hindi ko gaanong nakita ang mukha niya dahil natatakpan ng mahabang buhok niya ang kaniyang mukha dahil na rin sa paghampas ng hangin.
“Sexy,” mahinang wika ko na lang sa aking sarili at saka ko pinaandar ang sasakyan.