Naglagi pa ako ng ilang araw dito sa Quezon at tumutulong ako sa ilang mga trabaho rito. Nagpunta ako sa pinyahan dahil ngayon sila mag-aani noon at ipapadala sa Maynila para ibenta. Naabutan ko naman si Gascon na kausap ang ilang trabahador at nilapitan ko naman siya.
“Hey,” bati ko sa kaniya.
“Balak mo na bang magtagal dito? O susundin mo na ang gusto ni mama?” saad niya habang nakatingin sa hawak niyang logbook.
“Tss! None of the above.” Isinara niya ang logbook at naglakad palayo.
Sumunod naman ako at nagtungo kami sa aming kubo. Umupo ako sa mahabang upuan na gawa sa kawayan at itinaas ko pa ang aking mga paa sa lamesa. Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan nitong kubo at tulad ng dati ay nakasabit pa rin doon ang iba’t-ibang klaseng baril ng dalawang kapatid ko.
“Are you guys happy living here?” seryosong tanong ko sa kaniya.
Nagsalin siya ng alak sa kopita at binigay naman sa’kin ang isa. Umupo siya sa may harapan at inisang lagok lang niya ang alak niya.
“Yeah, after I got married to Trinity we’re happy living here,” sagot niya na ikinangiti ko naman.
Apat kaming magkakapatid na lalaki at iba-iba naman ang pananaw namin sa buhay. Noong nabubuhay pa ang ama namin ay bata pa lang kami nang matuto kaming humawak ng iba’t-ibang klase ng baril. Tanging si Roco at Gascon lang ang nagkaroon ng hilig sa mga iyon at ako ay takot pa akong humawak ng ganoong armas. I was only six years old that time and all I know is to play a toy gun and not the real one.
“Good to hear that. At huwag na umasa si mama na mag-aasawa pa ‘ko dahil hindi na mangyayari pa ‘yon”
“Is she the reason why you don’t want to get married?” Hindi ako nagsalita at imbes ay deretso kong ininom ang alak ko.
Pareho pa kaming nagulat ng bigla na lang bumukas ang pintuan at humahangos naman si Mang Igme. Napatayo kaming dalawa ni Gascon nang sabihin nito ang nangyari. Kaagad niyang kinuha ang .45 na caliber niyang baril na nasa drawer ng kaniyang lamesa at ang isa ay ibinigay nito sa akin. Napatitig lang ako roon at hindi kaagad ako nakakilos.
“Lucas, what are you doing there? Let’s go!” sigaw ni Gascon sa’kin.
Lumabas na kami at nagtungo kami sa malawak na lupain ng maisan namin. Kita namin ang limang nakaparadang sasakyan at bumaba naman doon ang ilang mga lalaki. Lumapit pa sa amin ang isa at nginisian kami at walang takot niyang hinarap ang kapatid ko.
“Gascon, Gascon. Wala ka ba talagang balak na ibenta sa amin ang kalahati ng lupain niyo?”
“Why should I? Saka nagsasayang lang kayo ng oras dito umalis na lang kayo” Pagtataboy niya pa sa kausap niya.
Kilala ko ang mga ito. Matagal na nilang gustong bilhin ang ibang lupain namin dito dahil pagtitirikan nila ng iba’t-ibang establishment dito sa lugar namin. Mariin namin tinutulan ito dahil mahalaga ang mga iyon kay mama dahil na rin sa pinaghirapan ito ng aming namayapang ama. Isa pa mawawalan ng trabaho ang iba naming mga trabahador at ayaw din naming mangyari ‘yon. Ito na lang din ang inaasahan nilang ikabubuhay nila kaya hangga’t maaari ay hindi namin ito ipagbibili.
“Really huh?” sarkastiko pa nitong saad.
Nanlaki ang mata ko sa gulat nang barilin niya ang isa naming trabahador sa hita. Sinamaan ko siya nang tingin at huhugutin ko na sana ang baril ko na nasa likod ko nang hawakan ni Gascon ang kamay ko. Binalingan ko siya at masama rin ang titig niya roon sa lalaki at pansin ko ang pag-igting ng panga nito sa galit. Alam kong ayaw ni Gascon na magkagulo rito dahil ayaw niyang madamay ang mga tauhan namin oras na magkamali siya nang galaw.
“Ano na Gascon? Ilabas mo ngayon ang tapang mo! Kung hindi mo ibibigay ang gusto namin mamamatay ang mga pinagkakatiwalaan niyong trabahador.” Pananakot pa niya sa kapatid ko.
Mabilis niyang itinutok ang baril niya kay Gascon at bago niya pa makalabit ang gatilyo noon ay mabilis akong kumilos at itinaas ang braso niya at naiputok niya ito sa itaas. Sinuntok ko siya hanggang sa matumba naman siya at puma-ibabawa pa ako sa kaniya. Pinagsusuntok ko siya sa kaniyang mukha at dinig ko pa ang pagtawag sa'kin ni Gascon pero tila bingi ako at pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagsuntok sa kaniyang mukha. Naramdaman ko na lang na parang may matulis na tumusok sa aking tagiliran kung kaya’t napahinto ako at hinawakan ko ang tagiliran ko. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo roon kaya napahiga na lang ako at kaagad na lumapit sa akin si Gascon. Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata at binalingan niya pa ang mga lalaking nakapalibot sa amin.
“All of you get out!” utos niya sa mga trabahador namin.
Mabilis na nag-alisan ang tao namin at mariin ko pang hinawakan ang saksak sa aking tagiliran. Medyo nakakaramdam na ako nang hilo at panghihina ng katawan ko dahil sa tinamo kong saksak. Bago pa ako mawalan nang malay ay nakita ko pa ang paghugot ng kaniyang baril sa kaniyang baywang at ipinutok ito sa mga kalaban.
Napadaing pa ako nang makaramdam ako ng konting kirot sa aking tagiliran. Hindi pa ako nagmulat at naririnig ko pa ang mahinang pag-uusap sa aking paligid. Boses iyon ni mama at ng kapatid kong si Roco at Gascon. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at una kong nabungaran si Gascon na nakasandal sa pader at ang dalawang kamay ay nasa kaniyang bulsa. Nakaupo si mama malapit sa kaniya at mahina itong umiiyak.
“What should we do Gascon? Ibigay na natin sa kanila ang gusto nila, ayokong isa sa inyo ang mapahamak pa,” umiiyak na turan ni mama sa kapatid ko.
“We won’t give what they want. Maraming mawawalan ng trabaho alam mo ‘yan ma at iyon na lang ang inaasahan nila”
“Pero ayokong mapahamak kayo! Muntik nang mamatay ang kapatid mo at ayoko nang maulit pa ang nangyari sa kaniya noon.” Napahagulgol na lang si mama at hindi na ako nakatiis at bumangon ako sa kama at pilit akong umupo.
Napansin naman ako ni Roco at kaagad niya akong nilapitan at inalalayang makaupo ng maayos. Nakatingin lang sa’kin si Gascon at wala sa itsura niya ang pag-aalala at pagkuwan ay lumapit lang siya sa’kin. Nang tumingin sa’kin si mama ay pinunasan niya ang mga luha niya sa kaniyang pisngi at saka lumapit sa akin.
“Lucas, huwag ka na munang tumayo at magpahinga ka na lang muna dahil baka bumuka ‘yang sugat mo.” Nakatitig lang ako kay mama at pagkuwan ay si Gascon naman ang binalingan ko nang tingin.
“What happened to them? I mean to that f*****g bastard,” mahinang wika ko kay Gascon.
“I killed them. Mga tulad nila hindi na dapat binubuhay. Nasa paligid lang ang mga tauhan kong sila Erick at Julius kaya mas mabilis namin silang iniligpit”
Hinagis niya sa kama ko ang baril na kanina’y binigay niya sa’kin at napatitig ako roon. Biglang bumalik sa’kin ang ala-ala na ayoko nang balikan pa. Pinilit ko iyong kalimutan at ginawa kong normal ang buhay ko tulad noon pero sadyang hindi ko talaga matatakasan ang nakaraan.
“Keep that gun, you have to use that no matter what,” sabi nito sa’kin.
“I don’t need that.” Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at medyo kumirot ang sugat ko kaya napahawak ako roon.
“Lucas, makinig ka naman sa’kin. Look at you, kailangan mong protektahan ang sarili mo at hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo kami.” Sinamaan ko siya nang tingin at nginisian ko siya.
“I don’t f*****g care Gascon. You said that I have to protect myself? Bullshit!” mura ko na mas lalong kinainit ng ulo ko. “Baka nakakalimutan mo kung ano ang nangyari sa’kin no’n. Hindi ko nga naprotektahan si Jea tapos sasabihin mong kailangan kong protektahan ang sarili ko? I killed her Gascon! Hanggang ngayon hindi ko pa nakakalimutan kung paano ko siya pinatay. How can you say that to me huh? Noong kailangan kita, where are you? Where?!” sigaw ko dahil sa sobrang galit ko ngayon.
Akala ko nakalimutan ko na at ibinaon ko na iyon sa limot, hindi pa pala. Nandito pa rin ang sakit na ako mismo ay hindi ko kayang gamutin. Fifteen long years since that incident happened. Ang babaeng unang minahal ko at pangangakuan ng kasal balang araw ay aksidenteng napatay ko. Ako mismo ay hindi makapaniwala sa nagawa ko at hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko.
“Gascon, pabayaan na muna natin si Lucas at isa pa__”
“We’re trying to save you Lucas!” Putol ni Gascon sa sasabihin ni Roco. “Huwag mong isipin na pinabayaan ka namin noon dahil hindi totoo ‘yan”
“Have I told you what they did to me?” Gulat silang napatitig sa’kin at huminga pa ako nang malalim. “Para hindi lang nila magalaw si Jea I sacrifice myself Gascon.” Pumatak ang mga luha ko pagkasabi kong iyon.
Hindi sila halos makapagsalita at gulat na gulat ang mga itsura nilang nakatitig sa akin. Maging si mama ay parang nanlumo at tila alam na niya ang ibig kong sabihin.
“Lu-lucas, a-anak, why didn’t you__”
“Ayokong pipilitin niyo pa akong mag-asawa dahil hindi na mangyayari pa ‘yon. All of you get out,” mahinahong utos ko na nasa ibang direksyon ang tingin ko.
Lumabas na rin sila at pagkuwan ay hinawi ko ang mga naka-display sa aking lamesa. The pain is still there at parang kahapon lang nangyari ang lahat. Naaalala ko pa ang mukha ni Jea nang mabaril ko siya dahil tinangka ko siyang iligtas para makatakas. Pero sa kasamaang palad siya ang nabaril ko at kaagad na binawian ng buhay. Hindi ko kilala ang mga lalaking dumukot sa’kin noon at nadamay lang si Jea dahil sinubukan niyang pigilan ang mga ito.
Nakaupo ako sa sahig matapos kong ilabas ang galit ko na napuno sa aking dibdib. Nakakalat sa sahig ang ibang mga gamit at nabasag ang mga ito. Nang medyo mahimasmasan na ako ay marahan akong tumayo at kinuha ko naman sa drawer ng cabinet ko ang nakatagong baril doon. Tinitigan ko ito habang hawak-hawak ko at sunud-sunod namang pumatak ang mga luha ko. Ito ang baril na pumatay kay Jea at habang buhay kong sisisihin ang sarili ko dahil sa nangyaring iyon.
“I’m sorry Jea, I’m sorry. Hindi ko sinasadya, patawarin mo ‘ko.” Napaluhod na lang ako habang hawak ko pa rin ang baril at mahinang umiiyak.
Ilang araw pa ang nilagi ko sa bahay at medyo naghilom na rin ang sugat ko sa tagiliran. Nagpasya akong bumalik na sa Maynila dahil tiyak marami na akong tatrabahuhin. Ako na ang siyang humahawak ng dating mga negosyo ni Gascon at napalago ko naman ito.
Bumaba na ako at hinahanap ko naman si mama sa buong bahay pero hindi ko siya makita. Siguro ay nasa bukid siya kasama ang mga kapatid ko. Palabas na ako ng bahay nang makita ko naman si Roco malapit sa gate at nakatayo ito patalikod sa akin. Marahan akong lumapit sa kaniya at huminto ako sa paghakbang at nakatayo ako sa may likuran niya. Nakapamulsa siya at para bang malalim ang kaniyang iniisip.
“Naaalala mo pa ba noong mga bata pa tayo na madalas tayong mag-away?” Lihim na lang akong napangiti dahil kilala niya kung sino ang kausap niya. Humarap siya sa’kin at seryoso ang kaniyang itsura. “Kahit kailan hindi pa kayo nag-away ni Gascon.” Natigilan ako at marahang tumango.
“Yeah, kapag kailangan ko siya kaagad siyang dumadating. Naalala ko pa nga noon na umuwi akong may bukol sa noo tapos hindi niya ako tinitigilan hangga’t hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo. Nalaman ko na lang na binugbog niya iyong mga gumawa sa’kin no’n.” Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya at tipid naman akong napangiti.
“Ngayong alam na niya ang tunay na nangyari sa’yo, panigurado akong kumikilos na siya at hindi mo siya mapipigilan.” Walang emosyon ko siyang pinagmasdan at tumingin sa ibang direksyon.
Noong nabubuhay pa ang ama namin ay pinaghahanap niya ang mga gumawa sa’kin noon. Ang iba ay nahuli pero ni isa sa kanila ay hindi nagsalita kung sino ang may pakana ng lahat ng ‘yon hanggang sa patayin na lang sila ng aking ama.
“No need to do that, dahil sigurado akong malabo na rin silang mahanap pa. Ayoko nang balikan pa ang madilim na nakaraan ko at mananatili na lang isang masamang panaginip ang nangyari sa’kin at pati na rin kay Jea. Wala rin namang mangyayari kung sakali mang matagpuan siya ni Gascon. Hindi ko na maibabalik ang buhay ni Jea, hindi ko na siya maibabalik sa’kin.” Pagkasabi kong iyon ay nilagpasan ko na siya at lumabas na ng gate kung saan naghihintay sa sasakyan si Calixto.
Umalis na kami at hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay mama at Gascon. Tiyak na tatawagan ako ni mama at bubungangaan na naman niya ako dahil ayaw niya pa akong umalis at manatili daw muna ako sa bahay. Pero habang nandoon ako ay hindi ko mapigilang alalahanin si Jea. Kahit na anong pilit kong kalimutan ang lahat ay sadyang bumabalik pa rin sa isipan ko ang nangyaring iyon.