Pagod akong umuwi sa bahay ko pagkagaling namin ni Calixto sa Quezon. Dapit-hapon na nang makarating kami at kaagad din naman siyang umalis. Naabutan ko naman si Badiday sa kusina na nagluluto at kumakanta pa ito habang kumekembot. Kasambahay ko siya at mag-iisang taon na rin siya sa’kin. Pagkatapos naman niyang maglinis dito sa bahay at magluto ng kakainin ko bago ako makauwi ay saka lamang din siya uuwi sa kanila. Stay out siya at ako lang ang tao rito sa aking bahay dahil hindi ako sanay na may kasama.
“Badiday, kumusta?” bati ko habang abala pa rin siya sa kaniyang niluluto at palapit naman ako sa ref para kumuha ng maiinom.
“Ay kabayong lumitaw!” Napatalon pa siya sa gulat at bahagya naman akong natawa dahil sa kaniyang tinuran. “Ser Locas naman! Dili ka man nagsabe na nakaowe ka na pala”
Bago ko pa siya sagutin ay uminom muna ako ng tubig at isinandal ko naman ang likod ko sa pintuan ng ref. Hawak ko ang bottled water at doon nakatuon ang tingin ko.
“What do you think of me Badiday?” Biglang tanong ko sa kaniya.
“Naku Ser Locas ah! Iyan na nga ba ang senasabe ko eh, nahumaling ka na nga sa beauty ko. Dili mo na ‘ko kailangan tanongin oo na agad.” Gusto kong humalakhak sa kalokohan niya pero medyo masakit pa rin ang sugat ko.
“Badiday, what I mean is, anong pagkakakilala mo sa’kin? I’m a good boss or not?” Sandali siyang natigilan at pagkuwan ay inilagay pa niya ang hintuturo niya sa kaniyang baba at kunwa’y nag-isip pa.
“Ang pagkakakilala ko sa imo ser manyak ka.” Napabuga pa ako sa hangin at pinagkrus ko ang aking mga braso.
“At paano mo nasabi?”
“Kasi ser nahalata ko kapag naka pekpek short ako parang gusto mo akong lapain eh. Dili man ako magtanggi ser ibukaka ko pa ang balon ko sa imo. Kung ikaw man ang mangrep sa akon ay panalo talage ser dili kita ipatolpo.” Napatapik na lang ako sa aking noo dahil sa pinagsasabi nitong kasambahay ko.
Noong una ko siyang tanggapin bilang taga-linis ko rito ay naiinis pa ako sa kaniya dahil sa kadaldalan niya. Kakilala rin siya ni Calixto at nirekomenda siya sa’kin dahil nangangailangan daw ito ng trabaho. Mabait naman siya at maasahan at higit sa lahat ay masipag pagdating sa trabaho. Medyo nasanay na rin ako sa mga kalokohan niya at si Calixto na rin ang nagsabi na ganoon daw talaga siya at masiyahing tao lang siya.
“Hindi ko type ang malalaki ang hita,” sabay ngiwi ko pa sa kaniya.
“Naku ser ip I no, takam na takam ka sa legs kong ala-Miss U”
“Anong Miss U pinagsasabi mo? Baka Miss Ukoy?” birong irap ko pa sa kaniya. “Sige na akyat na muna ako at umuwi ka na rin baka gabihin ka pa sa daan”
“Sige po ser, tapusin ko lang po itong niluluto kong hapunan niyo o baka gusto niyo ako na lang ang hapunan niyo?” Napailing na lang ako sa kaniya at hindi na siya sinagot pa.
Kaagad akong dumeretso sa kuwarto ko at hinubad ko ang suot kong polo shirt. Nagtungo muna ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay gagawin ko naman ang ilang mga trabaho kong naiwan habang nasa Quezon ako.
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko naman ang buhok ko gamit ang aking tuwalya at narinig ko naman ang pagtunog ng aking telepono na nasa ibabaw ng kama. Kinuha ko ito at si Morgan ang tumatawag.
“Yes?” Tipid kong sagot sa kaniyang tawag.
“Finally sinagot mo na rin ang tawag ko!” Umupo ako sa gilid ng kama at inilapag ko naman tuwalyang hawak ko.
Kaibigan ko si Morgan simula noong highschool pa lang kami at naging kaibigan niya rin si Jea. Alam niya ang nangyari sa’kin at kung paano ako nasaktan nang mawala si Jea dahil sa kagagawan ko.
“Bakit ka napatawag?”
“Available ka ba bukas?” Sandali akong nag-isip at naalala ko na marami akong kailangang tapusing trabaho bukas.
“I have so much work to do Morgan”
“Gano’n ba? Sayang naman may ipapakilala pa naman sana ako sa’yo bukas at may bagong putahe akong ipapatikim sa’yo.” Pabagsak akong napahiga sa kama at mahinang nagpakawala ng buntong hininga.
Babaero rin itong kaibigan kong ito at isa rin siya sa ayaw ng commitment. Bata pa lang kasi siya nang maghiwalay ang mga magulang niya dahil nangaliwa ang mommy niya. Kitang-kita niya mismo ang pagniniig nilang dalawa at sa mismong bahay pa nila ito nangyari. Kaya simula noon ay hindi nagkaroon ng seryosong relasyon si Morgan dahil sa matinding trauma ang nangyari sa pamilya niya. Ganoon din naman ako, matinding trauma rin ang naranasan ko sa kamay ng mga dumukot sa akin noon at hindi naman namin matukoy kung sino ang mga ‘yon. Wala na akong balak pang magseryoso sa isang relasyon at ang tanging gusto ko lang ay ang katawan nila at pagkatapos noon ay hindi ko na sila kilala pa.
“Wala ako sa mood ngayon Morgan. At isa pa masa__” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin at napahawak na lang ako sa sugat ko sa aking tagiliran. “Sige na bukas na lang tayo mag-usap.” Pagkasabi kong iyon ay ibinaba ko na ang tawag.
Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at kukunin ko sana sa drawer ng side table ko ang ilang dokumento na kailangan kong pirmahan ng bumungad sa’kin ang picture naming tatlo nina Morgan at Jea. Nasa gitna namin si Jea at nakangiting-nakangiti ito sa picture. Naka school uniform pa kami at kuha ito sa malawak na farm namin sa Quezon. Kapag tapos na ang klase namin ay sa farm kami dumederetso at doon na rin kami nagmemeryenda. Kilala rin ang pamilya nila sa Quezon dahil naging Mayor ang kaniyang ama. Kahit na may sinabi rin ang pamilya nila ay nanatili pa rin itong simple at iyon ang nagustuhan ko sa kaniya. Kaya naman noong mawala siya ay nagbago ang lahat. Gustuhin ko mang pumunta sa burol niya noon ay hindi ko magawa kung alam kong ako ang siyang dahilan nang pagkawala niya. Hindi ko alam kung anong dahilan ang sinabi ng aking ama sa mga magulang niya kung bakit hindi sila nagalit at nagawang sisihin ako. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binibisita ang puntod ni Jea dahil hindi ko pa kayang patawarin ang sarili ko dahil sa nangyari.
Kinuha ko ang picture naming tatlo at marahang hinaplos ang mukha ni Jea na animo’y buhay na buhay ito. Mabilis kong isinoli iyon sa drawer ko at kinuha ang mga dokumento na kailagan ko. Kaagad akong nagtungo sa office at doon ko na lang igugugol ang oras ko sa pagtatrabaho.
Hindi ko naman namalayang nakatulog ako at nakayukyok sa aking lamesa. Marahan akong tumayo at iniunat ko pa ang dalawang braso ko. Napabaling ako nang tingin sa may bintana at medyo nakahawi naman ang kurtina noon kaya kita ko ang sinag ng araw. Umaga na pala at hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Tiningnan ko naman ang relo kong pambisig at alas-siyete na pala ng umaga. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa swivel chair at lumabas naman ng aking opisina. May sarili akong opisina rito sa bahay at kapag hindi ako nagpupunta sa kumpanya ay dito naman ako naglalagi sa opisina ko sa bahay.
Bumaba naman akong kaagad para pumunta sa kusina at magtimpla ng kape. Tiyak akong nandito na si Badiday dahil maaga rin itong pumapasok para magluto ng almusal ko at maglinis ng bahay. Pagkarating ko naman sa kusina ay malinis pa ito at hindi ko naaamoy ang mga niluto niya na karaniwan kong nalalanghap tuwing umaga. Nagtimpla na muna ako ng kape at pagkatapos ay pupunta naman ako sa garden para doon tumambay. Napansin ko naman sa sofa ang bag ni Badiday at nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya.
“Nasaan kaya ‘yong Miss Ukoy na ‘yon?” wika ko sa aking sarili. “Badiday!” Tawag ko sa kaniya habang naglalakad ako at hawak ko ang isang tasa ng kape ko.
Lumabas pa ako ng bahay at baka nasa garden naman siya at nagdidilig ng mga halaman. Ipinatong ko muna ang kape ko sa lamesa at umikot pa ako sa paligid ng garden pero hindi ko pa rin siya makita. Iniisip ko na lang na baka may binili lang siya sa labas at hihintayin ko na lang siya rito. Uupo na sana ako nang mamataan ko siya sa harap ng bahay at may kausap na lalaki. Napataaas ang kilay ko dahil tila isa siyang sawa kung makapulupot dito. Naglakad ako sa may gate at pinagkrus ko ang aking mga braso habang pinagmamasdan siya. Hindi pa rin niya ako napapansin at sige lang ang pagpapacute niya sa lalaking kausap niya.
“Badiday!” Sigaw ko sa kaniya,.
“Ay kabayong malaki ang itlog!” Gulat nitong sambit at napakalas siya sa pagkakapulupot do’n sa lalaki.
Malakas akong napabuga sa hangin at sinamaan pa siya nang tingin. Kaagad naman siyang lumapit sa akin at ngayon ko lang napansin na hawak pa nito ang walis na para sa labas.
“Ser Locas gising ka na pala. Nagkaon ka na ba?”
“Hindi pa, dahil inaasahan ko na nagluluto ka na pero heto at humahaliparot ka na naman pala,” may halong inis kong saad sa kaniya.
“Naku ser pasinsya ka na, kasi naman ang pogi ng bago nating kapitbahay. Tingnan mo naman parang ang sarap-sarap tikman.” Kinagat pa nito ang kaniyang ibabang labi at nagpacute pa sa kanina’y lalaking kausap niya.
Nakasuot ito ng pang-unipormeng driver at may hawak na basahan. Dumako pa ang tingin niya sa’kin at tila may kakaiba akong naramdaman sa kaniya. Iba ang pagkakatitig niya sa’kin na para bang kilala niya ako. Ilang sandali pa ay ngumiti siya sa’kin bilang pagbati at hindi ko na lang ito pinansin. Tinapunan ko naman nang tingin si Badiday na hanggang ngayon ay kinikilig pa ito doon sa lalaking nakilala lang niya ngayon.
“Badiday, aalis ako ng maaga ngayon at ikaw na muna ang bahala rito sa bahay.” Hindi niya ako pinansin at nakatuon pa rin ang atensyon niya doon sa lalaking iyon.
Humarang naman ako sa kaniyang harapan at pinamey-awangan pa siya. Doon lang siya napatingin sa akin at umayos naman siya ng kaniyang tindig.
“Sige po ser, magpasok ka na at kakainin ko muna siya este kakain muna ako ng almusal.” Napailing na lang ako sa kaniya at maglalakad na sana ako papasok ng bahay ng muli siyang magsalita. “Ay tika lang ser. Pwidi po ba akong umalis ng maaga?”
Kumunot ang noo kong hinarap siya. “Bakit, may lakad ka ba?”
“Mirun po sana ser”
“Don’t tell me makikipag-date ka kaagad do’n sa lalaking iyon?”
“Hindi ser ah!” Mariing tanggi niya. “Magpakepot muna ako ‘no. Kung sinunggaban mo na kasi ako at nirep e ‘di sana dili na ‘ko magtingin sa iba pa. Malutong pa naman ako at hindi pa naman makunat.” Napamura na lang ako sa aking isipan dahil sa pinagsasabi nitong babaeng ito. “Oy ser jok jok lang ‘yon ah, alam mo naman malaki ang pagnanasa ko sa’yo este rispito pala. Magkikita kasi kami ni EC eh, may prublima yata gusto ko lang damayan”
“And who’s EC?” Taas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.
“EC ser ‘yon,” pagtatama niya pa.
“Tama naman ah, EC am I right?”
“Diyos ko nabubu na itong amo ko. EC ser, as in E Apol at C Cat.” Mariin na lang akong napapikit at nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa inis sa kaniya.
Nagpakawala pa ako ng mahinang buntong hininga para pakalmahin ko ang sarili ko dahil nauubusan na ako ng pasensya rito kay Badiday. Tumango-tango na lang ako sa kaniya at palihim pa nito akong inirapan.
“Okay fine, kailangan bukas pagkagising ko may almusal ka nang niluto at kung hindi isuspend kita ng isang buwan understood?” Pananakot ko pa sa kaniya.
“Grabe siya oy! Ang lupit mo naman ser. Daig mo pa ang prensepal magpasuspend.” Hindi ko na siya sinagot pa at pumasok na rin ako sa loob ng bahay.
Alas-diyes na nang makarating ako sa opisina ko at uupo pa lang ako sa swivel chair ko nang dumating naman si Morgan. Malapad ang pagkakangiti nitong sinalubong ako na para bang may magandang nangyari sa kaniya. Umupo siya sa visitors’ chair at ako naman sa aking swivel chair.
“Yayayain sana kita mamayang mag-grind.” Tumaas-taas pa ang kilay niya pagkasabi niyang iyon.
Alam na alam ko na ang mga ganiyang style niya at ako ang una niyang niyayaya. Pareho kami ng taste pagdating sa babae at hindi namin gusto ang Maria Clara ang datingan at ang tipo namin ay game pagdating sa kama at niluluharan kami.
“Marami pa akong kailangan tapusin Morgan. At isa pa magagalit sa’kin si Gascon kapag hindi ako dumalo sa meeting ng mga associates namin”
“Iyon nga ang pupuntahan natin Lucas. Meeting with matching Grinding,” sabay kindat pa nito sa’kin.
“What? What do you__”
“See you later Lucas.” Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na rin siya ng opisina ko.
Naging abala ako ngayong araw at iba’t-ibang meetings naman ang dinalohan ko. Bumalik ako sa opisina ko at kasama ko naman si Calixto. Gabi na kami nakabalik at pabagsak naman akong naupo sa couch at isinandal ko ang aking likod. Sandali akong pumikit at maya-maya pa’y tumunog naman ang telepono ko. Kinapa ko naman ang telepono ko sa aking bulsa at dumilat ako para tingnan kung sino ang tumatawag.
“f**k,” mahinang mura ko nang makita ang pangalan ni Morgan sa screen ng telepono ko. “Where are you?" Kaagad na bungad ko nang sagutin ang tawag niya.
“We’re already here na at Don Manolo’s place.” Napaayos ako sa aking pagkakaupo nang marinig ang pangalan ni Don Manalo.
He is one of our investor at pinaka mayaman na businessman. Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-invest sa kumpanya ko at kung tutuusin ay mayaman naman siya.
“Okay I’ll be right there in thirty minutes.” Mabilis kong pinatay ang tawag at kaagad akong tumayo.
“Sir Lucas may lakad po ba tayo?” Tanong sa’kin ni Calixto at halatang namumungay na ang mga mata niya dahil sa pagod.
“No Calixto, you better go home at ako na ang magdidrive”
“Sigurado po ba kayo sir? Halatang pagod na rin po kasi kayo eh.” Napangiti na lang ako at tinapik ko na lang siya sa kaniyang balikat.
Kaagad naman akong umalis at naiwan naman si Calixto sa aking opisina. Wala gaanong traffic kaya mabilis akong nakarating sa mansyon ni Don Manolo. Pagkarating ko naman ng mansyon ay marami ang tauhan niya ang nakapalibot doon. Hinarang pa ako noong isang tauhan niya na medyo malaki ang katawan at masama pa niya akong tinitigan.
“Let him in.” Napatingin ako sa kaniyang likuran ng bumungad ang kanang kamay niyang si Mr. Adolfo.
Gumilid siya para makadaan ako at siya naman ang ginantihan ko ng masamang titig. Pumasok na kami ni Mr. Adolfo at iginiya naman niya ako sa isa sa mga kuwarto rito sa loob ng kaniyang mansyon.
“Nariyan po silang lahat at kayo na lang po ang hinihintay niya.” Pagkasabing iyon ni Mr. Adolfo ay kaagad na siyang tumalikod.
Binuksan ko ang pintuan at kaagad na bumungad ang ilang mga babae na nasa tabi ng ilang kilalang businessman. Ang iba rito ay mga walang saplot at ang iba naman ay nakaupo sa mga hita nila at wala silang pakialam kung ano ang ginagawa ng katabi nila.
“Oh, Lucas! Come over here,” masayang tawag sa’kin ni Don Manolo.
Nagpunta naman ako sa kinaroroonan niya at dalawang babae naman ang katabi niya at ang tanging suot lang ng mga ito ay itim na panty at bra. Lumapit sa’kin ang isa sa mga babae niya at hinimas pa nito ang hita ko pataas pa sa aking alaga. Mabilis ko siyang pinigilan at mariin ko pang hinawakan ang kaniyang kamay. Sinenyasan ni Don Manolo iyong babae nang tingnan ko siya at mabilis naman nitong sinunod ang utos niya.
“Lucas, I want you to enjoy the night. Why don’t you taste some of this women and I’m sure you will enjoy more than they do,” sabay turo niya pa sa mga nakapaligid sa amin.
Hindi ko sila pinagkaabalahang tingnan at nakatuon lang ang tingin ko kay Don Manolo. Nang marinig kong bumukas ang pintuan malapit sa kinauupuan namin ay tumambad naman si Morgan na ibinubutones na nito ang kaniyang polo. Napailing na lang ako at hindi ako maaaring magkamali sa kung ano ang ginawa niya. Tumabi pa siya sa’kin at nagsalin ng alak na nasa lamesa at mabilis niya itong ininom.
“Bakit niyo pa ‘ko pinapunta rito?” tanong ko kay Don Manolo habang hinahalikan siya ng dalawang babae na nasa aking harapan.
“I want to give you a surprise gift Mr. Montealegre. Hindi mo ‘ko binigo at hindi mo pa ako binibigo simula noong mag-invest ako ng malaki sa kumpanya mo. Magaling kang businessman at hindi ko maiwasang ikumpara ka sa kapatid mong si Gascon. Konti pa Lucas at malalagpasan mo na rin ang galing niya sa pagpapatakbo ng mga negosyo”
Nagsalin muna ako ng alak at inisang lagok ko lang ito. Halos humagod naman ito sa aking lalamunan pababa sa aking dibdib. Pakiramdam ko tuloy ay nag-init ang buong katawan ko dahil sa tapang ng alak na ininom ko. Napangisi pa ako at muli ko pa siyang binalingan at prente akong sumandal sa couch at pinagkrus ko ang aking mga hita.
“Gascon is Gascon. At magkaiba kami sa pagpapatakbo ng negosyo. At isa pa Don Manolo, hindi ako nakikipagkumpetensya sa kapatid ko at ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na lagpasan siya”
“I know, I know. Pero kailangan mo ring maging demonyo pagdating sa ganitong larangan dahil hindi lahat ng tao ay pwede mong pagkatiwalaan.” Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi dahil pakiwari ko ay may ibig itong sabihin. “O siya maiwan ko na muna kayo dahil magpapakaligaya na muna ako sa piling nila.” Naiwan naman kami ni Morgan at napapikit na lang ako dahil pakiramdam ko ay sumakit bigla ang ulo ko.
“She is waiting upstairs Lucas.” Binalingan ko si Morgan sa aking tabi at may kakaibang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.
“You know me Morgan. Hindi sa ganitong paraan ang gusto ko. Marami na akong naikama pero hindi__” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin at napabuga na lang ako sa hangin.
Uminom na lang ako nang uminom hanggang sa nangalahati na ang bote ng alak. Medyo nakakaramdam na ako nang pagkahilo at tumayo na ako sa aking kinauupuan. Lalabas na sana ako ng kuwartong ito nang pigilan naman ako ni Morgan at humarang pa siya sa aking harapan.
“Lucas, hindi mo man lang ba titingnan iyong regalo sa’yo ni Don Manolo?”
“Why should I? Kaya kong kumuha ng babae kahit kailan ko gusto.” May halong inis kong turan sa kaniya.
“Okay, okay. Hindi ko pa nasasabi sa’yo na ayaw ni Don Manolo ang tinatanggihan siya at makakaapekto ‘yon sa kumpanya mo. Just this time Lucas pagbigyan mo na si Don Manolo and I make sure hindi na mauulit ito.” Pumayag na rin ako sa gusto niya at hinatid niya ako sa isa sa mga kuwarto rito.
Pagkapasok ko pa lang ay kaagad na sumalubong sa’kin ang lamig ng aircon. Pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan ng kuwarto at tila hindi ko makita ang babaeng binigay sa’kin ni Don Manolo. Siguro ay nainip ito at umalis na lang bigla.
Tinanggal ko muna ang suot kong damit at itinira ko lang ang aking pantalon. May nakita akong alak sa lamesa at nagsalin ako sa baso at ininom ito. Pakiwari ko ay namanhid na ang buong katawan ko at hindi ko na maramdaman ang lamig na bumabalot sa aking katawan.
Nakarinig ako nang mahinang hakbang na nagmumula sa aking likuran kaya marahan akong pumihit. Medyo madilim sa kaniyang kinaroroonan kaya hindi ko maaninaw ang kaniyang itsura. Bahagya pa siyang lumapit sa akin kaya doon ko lang siya nasilayan ng maigi
Nakatayo siya sa aking harapan at umupo naman ako sa couch. Dumekwatro pa ako at sumimsim ako ng alak habang nakatitig sa kaniya. May suot siyang maskara at tanging maliit na labi lang niya ang kita roon. Tanging bra ang panty na lang niya ang natitirang suot niya sa kaniyang katawan. Hindi siya kumilos kaya ibinaba ko ang hawak kong alak at tumayo. Lumapit ako sa kaniya at umatras naman siya ng isang beses. Napataas ang isang kilay ko at sandali siyang pinagmasdan.
“Strip,” utos ko sa kaniya.
She has a nice body, a round breast that I couldn’t take my eyes on it. Marami na akong naikamang mga babae at hindi na bago sa akin ito. She looks innocent in the outside pero halimaw pagdating naman sa kama. Ganoong klaseng mga babae ang nakikilala ko. Mukhang ito yata ang unang beses na ako pa ang maghuhubad sa kaniya.
Mabilis ko siyang hinapit sa kaniyang baywang at narinig ko ang malakas niyang pagsinghap. I like her scent. She has a natural scent and I couldn’t wait to taste her. Mariin pa ang pagtanggi ko kanina pero nang makita ko siya ay bigla akong nasabik at nag-init ang buong katawan ko.
“Gusto mo bang ako pa ang maghubad sa’yo? Hindi mo gugustuhin kapag ako ang gumalaw,” bulong ko naman sa kaniya.
Lumayo ako sa kaniya at tiningala niya pa ako. Kahit na tanging lamp shade lang ang nagsisilbing liwanag dito sa loob ng kuwarto ay kita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kaniya at mas lalong nag-init ang katawan ko sa simpleng pagtitig lang niya. I’m not used to it at bago uminit ang buong katawan ko ay kailangan muna nila akong romansahin. But this is different, my whole body is on fire right now.
Sinimulan na niyang tanggalin ang nakatakip sa kaniyang dibdib at sinunod naman niya ang kaniyang pang-ibaba. Sinuri ko pa ang buong katawan niya at mariin akong napalunok.
“Now, lay down,” utos kong muli.
Marahan siyang humiga sa kama at sinimulan ko namang tanggalin ang aking pantalon. “Open your legs.” Hindi siya kumilos kaya ako na ang gumawa noon.
Mahina siyang napasinghap at pansin ko ang mahigpit niyang kapit sa bedsheet. I gently lick her p***y and she arched her body like an ocean. Her clit is too tiny at mariin ko naman itong sinipsip at ipinasok ko pa ang dila ko sa maliit niyang butas. Malakas siyang napaungol at napasabunot pa siya sa aking buhok. Habang nilalaro-laro ko ang kaniyang p********e ay unti-unti namang nabubuhay ang aking alaga. Ipinasok ko ang isang daliri ko sa kaniyang butas at humigpit pa lalo ang kapit niya sa aking buhok.
Nag-angat na ako at pansin ko ang mabibilis niyang paghinga. Awang ang mga labi niya at sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako naattract sa isang babaeng makakasex ko. Kahit isang beses ay hindi ko pinagtuunan ang mukha nila kahit na gaano pa sila kaganda. Pero kakaiba ang babaeng ito na bigla kaagad nagpadama ng init sa aking buong katawan.
Hinawakan ko ang mukha niya at marahang tinanggal ang maskara niya na tumatakip sa kaniyang mukha. Nang matanggal ko na ito ay nakapikit siya at ako nama’y matamang nakatitig sa kaniya at hinihintay siyang dumilat. Ilang segundo pa ay unti-unti siyang dumilat at nagtama ang aming mga tingin. Ramdam ko ang bawat pagdagundong ng puso ko at natitiyak kong hindi pa ako lasing.
“Do it, do what you want from me,” mahinang wika niya sa’kin.
Sinimulan ko namang itutok ang kahabaan ko sa kaniya at sa bawat pagpasok ko ay mahigpit siyang napapakapit sa aking braso. Binigla ko namang ipasok ito at para bang may kung anong napunit sa kaniya. Natigilan ako at kita ko ang pagpatak ng mga luha niya na halatang nasaktan.
“Oh f**k, are you a virgin?” gulat kong sambit sa kaniya.
Mariin niyang nakagat ang ibabang labi niya at siguro’y labis ang sakit ang naramdaman niya sa kaniyang p********e. Lalayo na sana ako para tumayo dahil hindi ko lubos maisip na virgin pa ang makakatalik ko ngayon.
Hinila niya ako pabalik at muling nagtama ang aming paningin. Sa nakikita ko ay gusto niyang ituloy ang nais nitong mangyari sa hindi ko malamang kadahilanan. Hindi ko maisip na kung bakit gusto niyang ibigay ang virginity niya sa lalaking hindi naman niya kilala na dapat ay ibinibigay lang niya ito sa karapat-dapat at iyong taong makakasama niya habang buhay.
“Just continue what you are doing,” pakiusap niya pa.
“Are you f*****g serious?” may diing saad ko na halos hindi makapaniwala sa aking narinig.
“Just f*****g do it please.” Napahinga na lang ako at tinitigan siya kung talagang seryoso siya sa gusto niyang mangyari.
Nang hindi ako kumilos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at laking gulat ko nang halikan niya ako sa mga labi. She move her mouth like a pro and all I can taste is mint that comes to her mouth. Nawala na lang ako bigla sa aking sarili at natagpuan ko na lang na tumutugon ako sa mga halik niya. Nagsimula na akong umulos at ramdam ko naman ang pagbaon ng kuko niya sa aking likod. Dahan-dahan pa akong naglabas-masok sa kaniyang loob at ‘di kalauna’y unti-unti akong bumibilis.
“Aaaah!” sigaw niya na mas lalong nagpagana sa akin.
Bahagya akong lumayo sa kaniya at ang isang hita niya ay itinaas ko at hawak ko pa ito. Bumayo ako nang mabilis sa kaniya at sa bawat pagbaon ko ay siya namang pag-alon ng kaniyang bilugang dibdib. Ibinaba ko ang hita niya at hinawakan ko ang dalawang dibdib niya at pinagpatuloy kong muli ang pag-ulos sa kaniya. Kakaiba ang pakiramdam ko habang nakikipagniig ako sa kaniya kumpara sa mga babaeng naiikama ko. Hindi ito ang unang beses na nakipag-s*x ako sa isang virgin and that is my worst nightmare of my life.
Binilisan ko pa nang binilisan ang pagbayo ko at pansin ko ang mga luha niyang patuloy ang pagpatak sa kaniyang pisngi. Hindi ko kayang makita siyang gano’n kaya mabilis ko nang tinapos ito. Hinugot ko ang sandata ko at itinapon sa kaniyang puson. Napahiga na lang ako sa kaniyang tabi at inilagay ko pa ang isang braso ko sa aking noo at mabilis ang aking paghinga. Naramdaman ko naman na tumayo siya kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. Iika-ika siyang maglakad kaya mabilis akong bumangon at nagtapis muna ako ng tuwalya sa aking baywang. Bitbit niya ang mga hinubad niyang damit at kinuha ko ang kumot at itinapis ito sa kaniyang katawan. Hindi niya ako tinapunan nang tingin at nakayuko lang siya. Lalagpasan na sana niya ako nang hawakan ko siya sa kaniyang braso na ikinahinto niya.
“Let me help you. I mean, ihahatid kita kung saan ka nakatira.” Nag-angat siya ng kaniyang tingin at ito na naman ang pakiramdam ko noong una niya akong tingnan.
“I’m done with you Mister. Hindi mo ‘ko obligasyon at tapos na ang trabaho ko. Nakuha ko na ang kailangan ko kaya makakaalis na ‘ko.” Hinablot niya ang braso niya at umalis na sa aking harapan.
Naihilamos ko naman ang aking palad sa mukha ko at napadako ang tingin ko sa kama na simula rito sa kinatatayuan ko ay kita ko ang pamumula ng bedsheet sanhi na isa nga siyang birhen. Napamura na lang ako at nagulo ko ang aking buhok. Sinubukan ko pang tawagan si Morgan pero hindi niya ito sinasagot. Bigla namang sumagi ang mukha noong babae sa aking isipan na hindi ko pa naranasan sa mga babaeng naiikama ko.
Nagmamadali naman akong magbihis at kaagad na lumabas ng kuwarto. Patakbo akong lumabas ng mansyon at hindi ko na siya nakita pa kahit saang sulok dito. Natawa na lang ako sa aking sarili dahil parang bigla akong na-obsses sa isang bayarang babae na hindi ko naman talaga ugali ang ganoon. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ang kapatid kong si Gascon.
“Hello, Gascon. Just do me a favor and I know you’re an expert when it comes to this”
Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya at bakit naging interesado na lang akong bigla sa unang pakikipagsex ko pa lang sa kaniya.