bc

Billionaire's Maid

book_age18+
43
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
age gap
submissive
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
single daddy
assistant
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Aila Ramirez na magtrabaho sa Maynila. Iniwan niya ang buhay sa probinsya at nag-trabaho sa puder ng mga Montero. Ang akala niya ay magiging maid lamang siya na puro household chores ang ginagawa. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagbabantay sa cute na cute na si Remi, ang anak ng isang masungit at gwapo na si Silas Montero. Paano kung wala pa siyang dalawang buwan sa puder ng mga Montero ay mabuntis siya ni Silas Montero? Papanagutan kaya siya nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
What is life? What is the point of life? For me, the point of life is to try to have a happy and satisfying existence and a life that fulfills our physical, emotional, and mental necessities. Some of us can fulfill our physical necessities but can't fulfill the emotional and mental. Minsan napapaisip ako kung bakit hindi na lang tayo mamuhay ng masaya? Bakit kaya may mga problema pang dumadating sa buhay natin? They said problem is just a challenge but I don't think it's a challenge anymore. Ang tumigil sa pag-aaral dahil walang pera. Ang makitang umiyak ang mga kapatid ko sa gutom. Ang makita si nanay nanghihina sa sakit niya at si tatay na nalulong na sa alak. Parang hindi na challenge ang mga problema ko. Bilang panganay, wala akong choice kundi ang sumubok mag-trabaho sa Maynila. Maiiwan sila Inay sa probinsya dahil wala naman akong pera kaagad para dalhin sila at isama sa akin. My little brother and sister is crying while looking at me. Panay ang iling nila. Ayaw na umalis ako dahil takot silang maiwan kay Itay. Ramdam ko ang pag iinit ng bawat sulok ng aking mata. Ayaw ko man iwan sila ay hindi pwede. Walang mangyayari sa amin kung hindi ako kikilos. Mas lalo lang kaming magiging kawawa. "Ate, huwag ka na umalis," nanginginig ang boses na saad ni Ophelia. Iling siya nang iling at puro luha na ang mga mata. "O-Oo nga, Ate. Huwag na ikaw alis, please," saad naman ng pinakabunso namin na si Damian. Matigas akong umiling. "Hindi pwede. Magtatrabaho si Ate para hindi na kayo magutoman at makapag-aral kayo. Alagaan niyo nang mabuti si Inay, h-ha?" pati ang boses ko ay nanginig na rin. Mas lalong lumakas ang iyak ni Damian. Halos maglupasay na siya sa sahig pero hindi ko siya tinitignan dahil baka maawa lang ako sa kaniya. Ako na ang nag-alaga sa kaniya simula baby pa lamang siya kaya naman ganito ang reaksyon niya. "Aila, oras na para umalis. Naghihintay na ang sundo natin sa labas," rinig kong saad ni Ate Mary. Tumingin ako sa kaniya at maliit na tumango. "Ate Aila, h-huwag ka na umalis. Ate! Ate!" magkasabay na sigaw ng dalawa kong kapatid pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hindi sila nililingon. Panay ang tulo ng luha ko habang naririnig silang nagmamakaawa sa akin. Hawak hawak sila ni Tito Fred kaya hindi sila makahabol sakin. Kaya naman nang marating ko ang sasakyan na naghihintay sa amin ay agad akong pumasok doon. Tahimik akong umiyak. Sumilip ako sa bintana at tinignan ang dalawa kong kapatid na panay ang pagwawala sa hawak ni Tito Fred. Iyak nang iyak at dinig ko ang sigaw nilang dalawa. Pumikit ako at malalim na humugot ng hininga. Nagpasalamat ako nang umandar na agad ang sasakyan kaya naman unti unting naglaho sa aking pandinig ang pagtangis ng dalawa kong kapatid. Habang nasa biyahe ay panay ang iyak ko. Si Ate Mary sa tabi ko ay pinagsasabihan ako na huwag ng umiyak. Ang isipin ko na lang daw ay makakakain na nang maayos ang mga kapatid ko at magkakaroon na nang sapat na gamot si Inay. Sa isipin na iyon ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko. "A-Ate, pupwede bang humiram ng pera sa amo natin pagkarating natin doon? Wala na kasing bigas sa bahay," tanong ko kay Ate Mary. Tumingin siya sa akin at maliit na ngumiti sa akin. "Oo naman. Maiintindihan ka ng amo natin. Mababait naman sila." Marahan niyang hinaplos ang braso ko bilang pag-comfort. "Ako na ang magsasabi sa kanila dahil alam kong nahihiya ka pa," she said while smiling. "S-salamat, Ate." Ngumiti lang siya at tumango. Ilang oras ang itinagal ng byahe. Mga walong oras din bago kami nakarating sa lugar na puno ng mga matatayog na building at malalaking screen sa itaas. Iyon ata ang tinatawag nilang billboard. Nabasa ko kasi iyon sa romance book na hiniram ko sa kaklase ko dati. Gabi na at punong puno na ng ilaw ang paligid namin. Maraming sasakyan at mga tao sa bawat gilid. Ibang iba talaga sa probinsya. Karamihan kasi ng sasakyan sa probinsya ay pick up truck at tricycle lamang. Dito hindi. Iba iba ang sasakyan at talagang magagara pa. "Kapag sumahod ka subukan mong pumunta sa mall, Aila. Para makabili ka ng gamit mo," sabi ni Ate Mary. Tumingin ako sa kaniya. "Susubukan ko, Ate," anas ko at ngumiti. "Huwag ka mag-alala. Pagkarating natin doon ay tiyak na may mga gamit ka na dahil ayun ang gusto ni Ma'am Nisyel. Noong una akong dumating sa kanila ay may pa-welcome gift sila sa akin. Halos lahat 'yun ay gamit o kaya naman ay pera," sabi niya sa akin. Ngumiti ako at tumango tango. Kung ganoon mabait pala talaga ang magiging amo ko. Wala pala akong dapat ipagalala. Sabi sakin ni Ate Mary maglilinis lang daw ako ng mga kuwarto o kaya ay maghuhugas ng plato. Ayun lang naman daw ang gagawin ko dahil may ibang maids na. "Si Ma'am Nisyel ang asawa ni Sir Theo. May tatlo silang anak. Ang panganay ay si Sir Silas. May anak na 1 year old si Sir Silas, si Remi. Medyo masungit si Sir pero okay naman siya. Ang pangalawa at pangatlo naman ay si Freya at Faye, kambal sila at parehas na babae," sabi ni Ate Mary. Tumango tango ako. I wonder kung bakit walang binanggit si Ate Mary na asawa ni Sir Silas? Hindi na lang ako umimik at pinigilan ang sarili ko na magtanong. Baka sabihin pa ni Ate Mary na ang chismosa ko. After hours, pumasok kami sa malaking gate. Pero bago kami tuluyang papasukin ay kinausap pa nung guard ang driver ng sasakyan. "Sa Montero Residence, Sir," anas ng driver. May sinilip sa log book ang guard bago tumango. Nagpasalamat ang driver bago umandar ang sasakyan. Mangha ako habang pinagmamasdan ang paligid. Puro malalaki at magaganda ang mga bahay dito. Talagang mayayaman ang mga nakatira. Ilang minuto lang ay tumigil ang sinasakyan naming sasakyan sa tapat ng isang bahay. Ito ang pinakamalaking bahay na nakita ko. 'Yung mga una kasi naming nadaanan ay malaki rin naman pero hindi kagaya nito. Parang mansyon na ito. Naunang bumaba si Ate Mary kaya naman sumunod ako. Na-stuck pa nga ako sa pintuan ng sasakyan dahil hindi ako marunong magbukas. Kimi akong napanguso nang tuluyan ko na itong mabuksan. Sumunod ako kay Ate Mary na papasok na sa pintuan. Patakbo akong lumapit sa kaniya pata agad siyang mahabol at halos lumuwa ang aking mata nang makita ang loob ng malaking bahay. Unang bumungad sa akin ay ang malaki at makinang na chandelier. Mangha kong pinagmasdan ito. Sigurado ako na sobrang mahal nito. Siguro ang presyo nito ay pwede ko na ipangpaaral sa dalawa kong kapatid. "Oh, heto na pala sila Mary! Kumusta ang byahe, Mary? Ito na ba si Aila? Aba't..." sinalubong kami nang babaeng may edad na. Nakapusod nang maigi ang buhok niya at may hawak pang abaniko sa kaniyang kamay. Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ko kaya naman kinabahan ako. Maayos naman ang suot ko. Isang skinny jeans at v-neck na t-shirt tapos doll shoes. Ang doll shoes ko ay galing pa sa kapitbahay namin na may anak sa abroad. Binigay sa akin dahil hindi kasya sa kanila. "Maayos naman ang byahe namin, Manang. Siya si Aila. Sabi ko sayo maganda talaga ang bata na ito," anas ni Ate Mary. Ramdam ko ang pagpula ng aking pisngi dahil sa narinig. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang maganda ako. Para sa akin ay hindi naman ako maganda, hindi ko nakikita ang sarili ko na maganda. "Anong maganda? Hindi naman maganda ito!" sinuyod niya na naman ng tingin ang aking mukha pababa sa aking katawan. Mas lalong nag-init ang aking pisngi. "Dyosa na ata ito, Mary! Aba'y tignan mo nga naman, sobrang puti oh!" Inikutan niya ako at tinaas baba na naman ng tingin. Tumawa si Ate Mary habang ako ay pulang pula na dahil sa hiya. Nakuha ko ang kaputian ko kay Mama. May lahi kasing kastila si Mama kaya naman ganito kami kaputi. Si Papa naman ay pure Pilipino pero may hitsura. "Ang ganda pa ng buhok mo, Aila. Pero medyo dry. Dapat nagamit ka ng Keratin, beh," anas ni Manang. Napanguso ako. Wala nga kaming pambili ng bigas eh. Makakabili pa kaya ako ng Keratin? "Mary, sigurado ka ba na papasok siyang katulong dito? Parang model na ito eh," seryosong anas ni Manang. Napailing iling si Ate Mary at hinila na ako papalayo kay Manang. "Manang, sure nga ako. Dadalhin ko ba ito kung hindi? Dito muna kami sa salas. Kanina pa kami hinihintay ni Ma'am Nisyel eh," anas ni Ate Mary at naglakad na habang hawak hawak niya ang braso ko. "Ate, paano pag hindi nila ako tanggapin?" nag-aalalang tanong ko. Tumingin sa akin si Ate Mary at pinanlakihan ako ng mata. "Tatanggapin ka nila. Hindi kita dadalhin dito kung hindi, Aila," sabi ni Ate. Ngumuso ako at tahimik na tumango. Sumunod na lang ako sa kaniya. Pumasok kami sa isang pinto at halos mapaatras ako nang makita ang isang maganda at sosyal na babae. Nakasuot siya ng kulay pula na bestida. May alahas sa leeg, braso, at tainga. May mga singsing din siyang suot at mukhang masungit dahil walang kangiti ngiti ang mukha. Parang masungit. Pero diba sabi ni Ate Mary mabait naman daw? Kinuyom ko ang aking kamao nang maramdaman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. "Magandang gabi, Ma'am Nisyel. Andito na po si Aila," nakangiting anas ni Ate Mary. Nalipat ang tingin sa akin ng babae kaya naman namilog nang kaunti ang aking mata at agad na yumuko. "H-Hello po, Ma'am. Good evening po. Ako po si Aila Ramirez. 20 years old po at marami po akong alam na household chores. Kaya ko rin po lahat gawin ng gawin sa bahay," kinakabahan ngunit maayos na saad ko. Nanliit ang mata ng babaeng kaharap ko at tinignan ako mula taas hanggang baba kagaya ng ginawa ni Manang kanina sa akin. Kaya naman halos masuka ako sa kaba. Tinignan niya ulit ako simula baba at taas. Nagtagal ang titig niya sa dibdib ko at narinig ko ang baritonong tawa na nasa tabi lamang ni Ma'am Nisyel pero hindi ko makita kung sino iyon dahil nahaharangan niya sa point of view ko. Tumikhim si Ma'am at pinagtaasan ako ng kilay bago siya bumaling kay Ate Mary. "Sure ka?" anas ni Ma'am Nisyel bago ulit ako tinitigan. "Maganda siya," she mouthed to Ate Mary. Pumula na naman ang aking mukha. Hindi talaga ako sanay na sinasabihan ng maganda lalo na't mas maganda siya sa akin. Mukhang bata pa si Ma'am Nisyel. Tumayo ang nasa likod ni Ma'am Nisyel. Sa tingin ko ito si Sir Theo dahil may katandaan na rin ito at hinawakan pa sa baywang si Ma'am. Inabot sakin ni Sir ang kamay niya kaya naman inabot ko rin agad ang kamay ko sa kaniya. "I'm Theo and this is my wife. Don't worry about her. She's just fascinated," sabi ni Sir bago mahina na tumawa. Kumurap kurap ako. "H-Hello po, Ma'am at Sir. Ako po ulit si Aila Ramirez," kinakabahan na sabi ko. "Yes, we heard great things about you from Mary. Don't worry, you're accepted. You can start working tomorrow," sabi ni Sir Theo. Tumikhim si Ma'am Nisyel kaya napatingin ako sa kaniya. "About your advance salary, ibibigay ko na lang kay Mary bukas. Sa kaniya mo na lang kuhanin, okay?" medyo mataray pa na anas ni Ma'am Nisyel. Tumango tango ako at nagpasalamat. Aalis na sana ako sa harapan nila nang biglang may pumasok ulit sa salas. Napatigil ako at napatitig sa pumasok. Isang matangkad at matipunong lalaki ang pumasok. May buhat buhat siyang batang babae na parang kakagising lang at umiiyak pa. Parehas ata silang bagong gising dahil magulo pa ang buhok ng lalaki. Kumurap kurap ako at bumalik sa tabi ni Ate Mary. Ramdam na ramdam ko ang mainit na pisngi ko. Tumingin ulit ako sa lalaki. Nakakunot ang kaniyang kilay at naka-igting ang panga. Ang gwapo niya. Ito ata si Sir Silas. "What is it, anak?" tanong ni Sir Theo kay Sir Silas. "I have an urgent meeting. Can you look after Remi, please?" he said, his voice thick and hoarse. Napalunok ako at pasimpleng pinakiramdaman ang sarili ko. Mabilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan. "Oh no, aalis din kami. Faye and Freya are still asleep, anak. Walang magbabantay kay Remi," sabi ni Ma'am Nisyel sa nag-aalalang boses. Pinigilan kong sumagot na ako na ang magbabantay sa baby dahil baka pagalitan pa ako ni Ma'am Nisyel. Household chores lang naman ang role ko dito, hindi ang bantayan ang bata. Narinig kong umungol si Sir Silas. Iginala niya ang paningin sa loob ng salas at napatigil ang tingin niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng mata nang magtama ang tingin namin. Yumuko ako at pinagdikit ang palad ko. "Oh, right. Do you know how to take care of a baby, Aila?" narinig ko si Ma'am Nisyel. Agad akong nag-angat ng tingin at nakita siyang taas kilay na nakatingin sa akin. Tumango tango ako. "Opo, Ma'am," sagot ko. Tumingin siya kay Sir Silas at nginuso ako. "You can leave Remi with her. She's our new maid, anak. You can trust her," ani Ma'am. Tumango lang si Sir Silas at naglakad na agad patungo sa direksyon ko. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya naman napalunok ako. "Take care of her. Come to my room. Doon mo siya bantayan because her things are in there. And I also have surveillance cameras there," malamig na saad niya bago ako mariin na tinignan sa mata at naglakad na papalayo sa akin. Napakurap kurap ako at tumingin kay Ate Mary. Nginuso niya si Sir Silas kaya naman agad akong sumunod kay Sir. Surveillance camera? Bakit naman parang sa tono niya ay may gagawin akong masama kay Remi? Ang sungit naman. Napanguso ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.0K
bc

His Obsession

read
97.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
16.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
6.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook