Tahimik akong nakasunod sa malaking bulto ni Sir Silas. Nakasilip mula sa leeg niya si Remi at minamata ako. Nakakunot ang kilay ng bata at talaga namang kinikilatis ako. Nagtataka siguro siya kung sino ako at bakit nasunod ako sa kanila.
Malapad akong ngumiti at kumaway sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya at itinago na ang mukha sa leeg ng tatay niya. Narinig ko pa siyang nagsalita. "Dada," mahina niyang sinabi.
"Yes, baby?" rinig kong sagot ni Sir Silas. Nanlaki pa nga ang mata ko dahil ang gwapo talaga ng boses niya at medyo nagulat ako dahil sa baritono ang boses niya.
"Dede... Dede...." cute na sabi ni Remi.
"Okay. Daddy will give Remi her milk. Can you wait, hmm?" malambing na sagot ni Silas.
Lihim akong napangiti. Ang cute naman nilang tignan. Sana kapag nagkaroon ako ng asawa at anak ay ganito rin sila. Bihira ko na lamang kasi makita ang lalaki na binabantayan ang anak nila.
Sa amin kasi sa probinsya, halos lahat ng lalaking nakikita ko doon ay naiinis kapag pinagbabantay sila ng asawa nila. Katulad na lang nung asawa ni Riah, pinababantay niya ang anak niya sa asawa niya pero nagagalit 'yung lalaki. Pati tuloy ako ay nagagalit doon sa lalaki dahil hindi man lang mabantayan ang anak niya.
Akala ba nila ganoon na lang ang pagbabantay ng bata? Nakakapagod din kaya.
Umakyat kami sa hagdan at tumigil kami sa second floor. Ilang lakad pa ay naabot na namin ang dulo ng hallway. Doon ay may pinto na kulay itim. Binuksan iyon ni Sir Silas at pumasok na siya. Agad naman akong sumunod kahit wala siyang sinasabi na pwede akong pumasok.
Pagkapasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako nang panglalaking amoy. Hindi masakit sa ilong dahil hindi matapang. Tamang tama lang na para bang nangaakit ang amoy. Ang bango. Amoy lalaking mayaman talaga.
Kinagat ko ang aking labi at minata si Remi. Inilapag siya ni Sir Silas sa kama pero hindi siya naglilikot. Tinaas niya ang kaniyang kamay at pinag-krus ang kaniyang mga braso. Pinigilan ko ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya dahil ang cute niya.
Biglang nagsalita si Sir Silas. "6 ounces of water. Three scoops of the powdered formula."
Nagtataka ko siyang tinignan. Ano raw? Pinagmasdan ko ang ginagawa niya at nakitang nagtatakal siya ng gatas at inilalagay sa beberon. Pagtapos maglagay ay sinarado niya ang beberon at nilagyan ng takip bago sh-in-ake ang gatas.
Nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Tinutukoy niya kung paano magtimpla ng gatas ni Remi.
Tumikhim ako. "Hot water lang po ba si Remi, Sir?" nag-aalangan na tanong ko.
Marahan siyang tumingin sa akin habang inaalog pa rin ang beberon ni Remi. Walang emosyon ang mata at tanging parang pagkadisgusto lamang ang nakikita ko sa mukha niya. Ang sungit talaga nito.
"Yes," malamig niyang asik sa akin.
Walang imik akong tumango. Para akong tanga na nakatayo lamang sa tapat ng pinto at naghihintay sa sasabihin o gagawin niya. I nibbled on my lips. Pinagdikit ko ang aking daliri at kinuskos sila sa isa't isa.
Lumapit siya kay Remi bago marahan na hiniga ang bata. Inabot niya kay Remi ang beberon na agad namang kinuha nito. Pagtapos ay tumingin siya sa akin bago sa daliri ko na pinagkukuskos ko, nakita ko ang saglit na pagtaas ng kilay niya.
"I will be home at ten or eleven. I have an urgent meeting to attend to. Miss Aila, I have two surveillance camera here in my bedroom..." he muttered seriously. Umigting ang panga niya bago nagpatuloy. "So, don't do anything stupid to my daughter. Understand?" he said ruthlessly.
Lumunok ako bago sunod sunod na tumango. "Okay po, Sir Silas," anas ko bago yumuko.
Naiintindihan ko naman ang reaksyon niya. Wala pa siyang tiwala sa akin dahil bago pa lamang ako dito.
"She doesn't want to be left alone. You can use the restroom if she's asleep but not when she is still awake. She will throw a fit because she's scared." Tumayo si Sir Silas at naglakad papunta sa isang pintuan na kulay itim din.
Pansin ko na puro itim ang mga gamit niya. Ang bed sheet niya ay kulay itim. Ang ottoman ay kulay itim. Halos lahat talaga ay itim. Pati mga pinto sa loob ng kwarto niya ay kulay itim.
Tumikhim ako. "Paano po kung kailangan ko na talaga gumamit ng comfort room, Sir?" kuryos na tanong ko.
Paano pala kung sobrang sakit na ng tiyan ko diba? Paano kung ihing ihi na ako? Baka naman magka-urinary tract infection ako nito ah.
Kunot noo siyang tumingin sa akin kaya agad kong tinikom ang bibig ko. Umiwas agad ako ng tingin at tinignan na lang si Remi na busy sa pag-dede sa beberon niya. Ang sungit talaga nitong si Sir. Siguro malapit na siya sa menopausal stage.
"Stop your pee or your stool, then," inis na anas ni Sir Silas bago pumasok doon sa pinto na hindi ko alam kung bathroom ba o walk-in-closet.
Kimi akong napanguso. Kapag talaga ako nagkasakit sa kidney, siya ang sisisihin ko.
Naglakad ako papunta kay Remi at nakita siyang malaki ang matang nakatingin sa kisame pero agad na nalipat ang tingin niya sa akin nang makita niya ako sa kaniyang peripheral vision.
Malapad muli akong ngumiti sa kaniya. Itinaas ko ang aking kamay at marahan na kumaway sa kaniya. "Hello, baby! My name is Ate Aila. I'm 20 years old and I have a younger brother and sister. Ikaw? Anong pangalan mo?" nakangiti kong tanong sa batang kunot na kunot ang noong nakatingin sa akin.
Napansin ko agad ang pagiging magkamukha nila ni Sir Silas. Halos wala siyang hindi nakuha kay Sir Silas dahil talaga namang kamukhang kamukha. Mula buhok hanggang baba ay kuha na kuha. Ano kayang naging reaksyon ng Mama ni Remi?
Nakatingin lang siya sa akin na para bang nagsasalita ako ng alien word. As usual, masyado pa siyang bata para maintindihan ako pero maldita ang tingin niya sa akin.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Ang cute cute naman. Panigurado ako na mag-eenjoy ako sa pagbabantay sa kaniya.
"Ilang taon na ikaw?" tanong ko.
Tumitig siya sa akin nang ilang segundo at kunot na kunot na talaga ang kilay. Tsaka ko lang naalala na sinabi pala sa akin ni Ate Mary na one years old pa lamang siya.
Umakto ako na parang nagulat. Kunwari ay suminghap ako at nanlalaki ang mata na tinignan siya. "One na ikaw? Wow, super baby pa pala ikaw," anas ko.
Nakita ko ang kimi na pagngiti niya bago tumango tango, para bang naiintindihan ako. Isinubo niya na ulit ang kaniyang beberon at sakto rin na dumating ang kaniyang ama.
Halos malaglag ang panga ko nang makitang nakabukas pa ang itim na long sleeve nito. Mula sa itaas ay ibinubutones niya iyon. Kitang kita ko tuloy ang namimintog niyang mga muscle sa tiyan. Kitang kita ko rin ang V line sa kaniyang katawan.
Lumunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.
"Yes, I'm on my way," rinig kong saad ni Sir. Tumingin ulit ako sa kaniya. Napansin ko ang cellphone niya na iniipit niya sa kaniyang balikat at pisngi habang ang mga kamay niya ay busy sa pag-maniobra sa kaniyang damit.
"Uh-huh. Yes, France. Thank you for informing me," rinig ko ang malamig niyang boses.
Sumulyap ulit ako sa kaniya at nakita siyang kunot ang noo na nakatingin sa akin. Wala na sa balikat niya ang cellphone. Kumurap kurap ako at pinisil ang daliri ko.
"I'm leaving. Keep an eye on her, Miss," he said coldly.
Lumapit siya kay Remi kaya naman napalapit din siya sa akin. Dalawang hakbang na lang ay magdidikit na kami pero tumigil na siya sa paglalakad.
Yumuko siya at mariin na hinalikan sa noo ang anak. "Daddy is going to work just for a little bit. I will be back, okay?" sabi niya kay Remi.
Paulit ulit na tumango si Remi na para bang naiintindihan niya si Sir Silas. Tumayo na si Sir at agad akong tinignan kaya napaayos ako ng tayo. Kimi akong ngumiti sa kaniya. "Babantayan ko po siya ng mabuti, Sir. Promise po," anas ko at tinaas pa ang aking kanang kamay.
Umigting ang kaniyang panga bago ulit ako masungit na tinignan. "You should," masungit na sabi niya.
Naglakad na siya papalabas ng kwarto habang hindi man lang lumilingon. Ako naman ay nagpakawala na ng hininga dahil kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko.
Well, simula ngayon ay dapat masanay na ako sa kasungitan ni Sir Silas. Tolerable naman ang pagiging masungit niya kasi gwapo siya.
Umupo ako sa ottoman at pinagmasdan si Remi na naglalaro habang nakahiga. Winawasiwas niya ang kaniyang beberon sa hangin na para bang nakikipag-espadahan siya sa invisible na kalaban niya.
"Baby Remi, hindi ka pa inaantok?" tanong ko sa bata.
Napatigil ito sa paglalaro at kunot noo akong tinignan. Ngumiti ako sa kaniya. Mukhang wala pa siyang balak matulog dahil malaki pa ang mga mata niya.
__
Tama nga ako dahil mag-aalas onse na ng gabi ay hindi pa rin natutulog si Remi. This time, pagapang gapang na siya at tili pa nang tili. Kung anong hiya ang mayroon siya kanina ay biglang nawala. Ngayon hindi na siya nahihiya dahil pa-minsan minsan ay binabato niya ako ng maliliit na laruan niya tapos ay tatawa nang malakas.
Pero most of the time ay sarili niya lang ang nilalaro niya. Minsan kapag sinusubukan ko na makipaglaro sa kaniya ay tititigan niya ako nang sobrang inam kaya naman hindi na ako sumusubok. Para kasing jinujudge niya 'yung buong pagkatao ko eh.
Pinagmamasdan ko na lang siyang maglaro. Nang mapansin ko na parang pipikit pikit na ang mata niya ay agad akong nagtimpla ng milk para sa kaniya. Inalog ko ito nang mabuti at pinakita sa kaniya ang beberon.
Agad na nanlaki ang mata niya at pumunta sa akin. Tinaas niya ang kaniyang kamay na para bang gustong magpabuhat kaya binuhat ko siya. Kinuha niya sa akin ang beberon at dinede ito. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa akin at pinampam na siya.
Nag-hum pa ako ng kanta para lalo siyang antukin. Inuugoy ugoy ko pa ang katawan ko. Papikit pikit na siya pero ang kaniyang kamay ay panay ang pisil sa baba ko kaya napapangiti ako.
Maya maya lang din naman ay nakatulog na siya. Saktong pagkalapag ko sa kaniya sa kama ay sakto rin ang pagdating ng kaniyang ama. Inayos ko muna ang pwesto niya bago ako umayos ng tayo.
Napatingin ako kay Sir Silas at nakita siyang parang pagod na pagod. Magulo ang kaniyang buhok at drowsy ang mga mata. Nang mapatingin siya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin.
"Binantayan ko po ng mabuti si Baby Remi, Sir." Tumango tango ako.
Umigting ang kaniyang panga. "I know. You can go." Tinuro niya ang pintuan bago naupo sa kama at hinawakan ang batok niya.
Humakbang ako ng dalawang beses pero tumigil din ako nang may maalala. "Ay Sir, hindi ko po alam kung saan 'yung kwarto ko po," nag-aalala na anas ko.
Bago pa ako mag-panic ay nakasagot na agad si Sir Silas. Narinig ko pa siyang umungol nang kaunti. "Just ask the damn maid outside," iritableng sagot niya sa akin at masama akong tinignan.
Lihim akong ngumuso. "O-Okay po, Sir." Tumakbo na ako papalabas nang kwarto niya dahil baka mamaya ay maging dragon na siya kapag nagtanong na naman ako.
Sana po lumagpas na kayo sa menopausal stage, Sir Silas.