Tahimik akong naghuhugas ng plato sa kusina. Nasa tabi ko si Ate Mary na panay ang kwento sa akin na pinadala niya na raw ang pera na binale ko. Sinigurado niya rin na nakabili ng grocery at gamot ni Nanay ang dalawa kong kapatid dahil baka malaman ng Itay at igastos na naman sa inuman.
"Salamat, Ate. Kung hindi sa iyo ay hindi ako makakahanap ng trabaho," sinsero na sabi ko.
Kinuha niya ang plato na nakalagay sa rack at pinunsan iyon. "Wala iyon, ano ka ba naman. Sino sino ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo lang?" anas niya.
Ngumuso ako. Tama si Ate Mary. Dalawa lang kami na nagtutulungan. Naalala ko noong kailangan niya ng magbabantay sa anak niya ay ako ang nagbantay. Ayaw kasi sa kaniya ng nanay ng asawa niya kaya ayaw nito bantayan ang anak nila. Tapos noong ako naman ang nangailangan ng pera ay pinautang niya ako.
Kaya sobrang thankful talaga ako dahil parang pangawalang nanay ko na rin siya. Dati tuwing wala kaming ulam ay lagi niya kami binibigyan.
Nang matapos kami sa pagaasikaso sa mga hugasin ay dumiretso ako sa laundry room para labhan ang mga damit ni Sir Silas at baby Remi. Ako ang nakatoka ngayon. Next week ay si Ate Rosa naman, ang kasamahan namin dito.
Inilagay ko na ang damit sa automatic na washing machine at naupo na lang sa isang tabi. Iniisa isa ko ng kuha ang mga damit ni baby Remi at tinititigan iyon. Sobrang cute kasi at ang gaganda. Panigurado na mahal ito.
"Tawag ka ni Sir Silas," si Ate Mary na bigla na lang sumulpot sa laundry room.
Napakurap kurap ako at tinuro ang sarili ko. "Ako po, Ate?" nagtatakang tanong ko.
Tumango siya. Tinitigan niya. "Lakad na. Ako ng bahala dito sa labahin mo. Ipababantay ulit ata sa iyo si Remi," sabi niya.
Lumapit siya sa akin at marahan akong tinulak papalabas kaya naman wala na akong choice kung hindi ang tumayo at maglakad papalabas sa laundry room.
Ano na naman kaya ang gagawin ni Sir Silas at hindi niya ulit mababantayan ang anak niya? Siguro makikipag-date 'yon.
Napanguso ako sa naisip.
Dali dali akong naglakad papunta sa salas. Doon, nakita ko si Sir na nakaupo sa isang couch. Nakakandong sa kaniya si Remi na tahimik na na-dede sa kaniyang beberon. Si Sir naman ay mukhang stress sa kausap niya sa cellphone. Nakapikit ang mata niya at hawak hawak ang kaniyang sintido.
Napalunok ako. Bakit kaya kahit masungit si Sir ay sobrang gwapo pa rin niya?
"Pinapatawag niyo raw po ako, Sir?" bungad ko.
Nakita ko kung paano nagmulat nang mata si Remi at agad na umupo mula sa pagkakahiga. Nahulog ang beberon niya sa sahig kaya lumapit ako para kunin iyon.
Yumuko ako sa harapan ni Sir Silas at inabot ang beberon. Iniumang ko iyon kay baby Remi pero hindi niya tinanggap. Tumayo siya sa hita ni Sir at itinaas ang kamay, gusto magpabuhat.
Agad ko namang tinanggap ang gusto niya. Binuhat ko siya. Humagikgik si Remi at tinitigan ako. Ngumiti naman ako sa kaniya. Good mood ata siya.
Tumingin ako kay Sir Silas at nakitang kunot noo siyang nakatitig sa akin. "I will attend another meeting. Look after Remi," supladito niyang saad.
Ngumuso ako. "P-Pero ano po Sir." Lumunok ako nang makitang inis siyang nakatingin sa akin. "May iba pa po akong gagawin sa bahay. Baka po bawasan ni Ma'am Nisyel 'yung sweldo ko," anas ko bago yumuko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga nang kaunti. "She won't and I will pay you too," seryoso niyang sinabi. Itinukod niya ang dalawang siko sa kaniyang binti at inilagay ang kaniyang mukha sa kaniyang palad.
Mukha siyang stress na stress. Baka may problema siya pero hindi na lang ako umimik. Tumikhim ako at tinignan si Remi na nakatitig lang din sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya humagikgik siya.
"I'm leaving, baby," anas ni Sir Silas. Nakatingin siya sa akin kaya napakurap kurap ako at agad na nag-iwas ng tingin. Baby daw?
Lumapit siya papalapit sa akin. Tumigil siya sa harapan ko at pinagtaasan ako ng kilay. Hala, gusto niya ba halikan ko siya?
Tumikhim ako. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang bigla siyang yumukod at... halikan si Remi sa noo.
Ramdam ko ang agad na pamumula ng aking pisngi. Oh my God, ang assuming ko talaga. Mukha bang ikaw ang tinatawag niyang baby, Aila? Malamang si Remi ang baby niya!
Hindi ko na lang pinansin ang pamumula ng aking pisngi. Tumikhim ulit ako at naupo na lamang sa couch. Agad naman na umalis si Sir Silas, tumakbo pa siya dahil nagmamadali ata.
Ako naman ay nagpakawala ng malalim na hininga. Nakakaloka. Crush na crush ko na ata si Sir Silas kaya naga-assume ako ng ganito.
__
Ilang linggo na ang lumipas simula nang magtrabaho ako sa pamilya Montero. Sa ilang linggo ko dito ay hindi ko pa nakikita ang kambal na anak ni Sir Theo at Ma'am Nisyel. Sabi kasi ni Ate Mary ay hindi raw talaga lumalabas ang kambal. Hinahatiran lang sila ng pagkain sa taas. Homeschooled daw ang mga ito.
Ano kayang itsura ng taas? Kwarto pa lang kasi ni Sir Silas ang napuntahan ko noon pa. Siguro magaganda ang mga gamit nila doon.
Hanggang ngayon ay pinapaalaga pa rin sa akin ni Sir si baby Remi kapag naalis siya. At hanggang ngayon ay masungit pa rin siya sa akin.
Pero kahit masungit siya ay crush na crush ko pa rin siya.
Tuwang tuwa nga ako noong malaman ko na walang asawa or girlfriend si Sir Silas. Ang nanay daw ni Remi ay namatay noong ipinanganak niya si baby Remi. Unfortunately, hindi niya raw kinaya ang panganganak ng normal.
Kasalukuyan na may party sa bahay ng mga Montero. Sobrang bongga ng venue nila at talaga namang unang papasok sa isip mo kapag nakita mo ang ayos ng party ay, "Ang yaman pala talaga nila!"
Kaming mga maids ay nasa loob lang. Panay ang hugas namin ng mga plato at minsan nauutusan kami na maghatid ng pagkain sa labas. May mga waiter naman pero medyo kinukulang dahil sa dami ng bisita.
Si Sir Silas ay nasa labas din. Nakikihalubilo sa mga tao. Lagi siyang may kausap pero formal talk ang ginagawa nila. Siguro, ka-business ng pamilyang Montero ang mga ito.
"Aila, tawag ka ni Sir Silas!" nagmamadaling anas ni Ate Rose.
Magtatanong pa sana ako kung bakit pero umalis agad si Ate Rose pagkakuha niya sa serving tray. Kinamot ko ang aking ulo at kinalma ang aking sarili. Pinaalalahan ko rin ang sarili ko na huwag mag-assume sa harapan ni Sir Silas.
Lumabas ako sa kusina at pumunta sa labas kung nasaan si Sir Silas. Nahihiya pa nga ako nang kaunti dahil naka-floral dress lang ako na walang wala sa mga suot nila dito. Lahat kasi sila ay naka-gown o kaya naman dresses na sobrang makikintab. Marami rin silang alahas na suot suot.
Hinanap nang mata ko si Sir at nakita siyang seryosong nakikipag-usap sa isang matandang lalaki. Buhat buhat niya si Remi na nakasimangot. Nakasuot din ng magandang damit si Remi at may suot din siyang mga alahas pero simple lang, hindi kagaya ng sa mga matatanda.
Papalapit pa lang ako ay tumingin na sa akin ang lalaking kausap ni Sir. Alanganin akong ngumiti at yumuko nang kaunti. "Hello po," bati ko at dumiretso sa tabi ni Sir.
Nakita ko kung paano nabuhayan ng mata si Remi. Tumingin sa akin ang bata at kinaway ang maliliit na kamay.
Malapad akong ngumiti at kumaway din sa kaniya. "Hi, baby," pabulong ko siyang binati.
Humagikgik siya. Gusto niyang magpabuhat sa akin pero hindi siya pinapayagan ni Sir Silas kaya naman lihim akong napapanguso.
"Tawag mo raw po ako?" tanong ko kay Sir.
Madiin niya akong tinitigan gamit ang kaniyang masungit na mata. "Yeah. Can you make some milk for Remi?" malamig niyang tanong.
Dali dali akong tumango. "Opo, Sir. Ano pa po?" tanong ko.
Umiling lang siya at bumalik sa pakikipagusap sa matandang lalaki. Tumango lang ako at nag-wave muna kay Remi bago umalis. Naglakad na ako papalayo doon at narealize ko na hindi man lang pala ako binati ng kausap ni Sir Silas. Well, alam niya na maid ako kaya hindi ako binati.
Umakyat ako sa second floor gamit ang magarang hagdan. Naa-amaze talaga ako sa hagdan na ito kasi ito 'yung nai-imagine ko sa mga nababasa kong romance novels. Talagang mayaman na mayaman.
Paliko na ako nang bigla akong makarinig ng sigawan sa right side ng hallway kaya naman napatingin ako doon. Kinunot ko ang aking noo at napakurap kurap nang makita na dalawang babaeng magkamukha ang nakikita ko.
Ito ata ang kambal na anak ni Ma'am Nisyel at Sir Theo!
Hinila ng isang kambal ang buhok ng kakambal niya. Bumawi naman ang isa at hinila rin ang buhok ng kambal niya. Nagulat ako dahil sa nakikita. Bakit sila nagsasabunutan? Hala!
"You f*****g b***h!" sigaw noong kambal na may kulay pulang buhok bago inikot ikot ang kamay niya na nakakapit sa buhok ng kambal niya.
"I know I'm a b***h! f*****g let go of my damn hair, you dog!" sigaw naman nung may kulay itim na buhok.
Habang nagsasabunutan sila ay nakatitig lang ako dahil nagulat talaga ako. Pero maya maya ay bumalik din ako sa aking ulirat.
"Magnanakaw ka!"
"Ikaw ang magnanakaw!"
"Anong ako? Sinuot mo nga 'yung panty ko ng walang paalam!"
"Anong sinuot? Wala akong pakialam sa panty mong bulaklakin!"
Aaminin ko medyo natatawa ako pero pinigilan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita dahil baka mamaya ay makalbo na ang isa sa kanila.
"Hello po! Nag-aaway po kayo?" tanong ko.
Sabay silang lumingon sa akin kaya naman malapad akong ngumiti at kumaway. Mabilis nilang binitawan ang buhok ng isa't isa at tinitigan ako.
Ngumiti lang ulit ako. "Nakita ko kasi kayong naghihilahan ng buhok. So, nag-aaway nga kayo?" tanong ko ulit kahit alam ko naman na nag-aaway talaga sila.
Ngumuso ang kambal na may itim na buhok. "Yes. Because this b***h said that I stole her panty! Like, hindi naman ako nagsusuot ng bulaklakin na panty!" anas niya.
Nanlaki ang mata ng kambal na mayroong pulang buhok. "Freya, you're so nakakainis na ha!" sabi niya.
Tinawag niyang Freya ang babaeng may kulay itim na buhok kaya sa tingin ko siya sa si Faye. Umirap si Freya at dinuro si Faye. "Mas nakakainis ka kasi bintangera ka!"
Dinuro rin siya ni Faye. "I'm not making bintang ha! If I am making bintang then how did my panty end up at your closet, huh?"
"You're so tanga 'no? Syempre si Ate Rose ang nagtitiklop ng underwears natin and sometimes nalilito siya sa atin. Bobo ka talaga!" maldita na sabi ni Freya.
Natahimik si Faye at biglang napanguso. Maya maya ay bigla na lang tumulo ang luha niya. Malakas siyang humikbi at tumakbo na pababa ng hagdan. Ako naman ay napanganga dahil sa nangyayari.
Hala, ang talas ng dila ni Ma'am Freya! Nakakaloka ang bardagulan nilang magkapatid. Buti na lang hindi ganito si Dominic at Ophelia kung hindi lagot sa akin ang dalawa na iyon.
Umirap nang sobrang bongga si Ma'am Freya at tumingin sa akin. Alanganin akong ngumiti sa kaniya. "Dito muna ako, Ma'am. Inuutusan kasi ako ni Sir Silas na magtimpla ng gatas para kay baby Remi," sabi ko. "Ako nga po pala si Aila Ramirez. Bagong maid po ako dito. Bye po!" tumakbo na ako papalayo sa kaniya dahil baka ako naman ang awayin niya.
Grabe, hindi ko keri ang tapang ng mata niya. Parang si Sir Silas lang siya pero mas masungit nga lang si Sir. Pero gwapo pa rin niya.
Napahagikgik ako sa naisip.
Pumasok ako sa kwarto ni Sir. Agad kong hinanap ang beberon pati ang gatas. Nang makita ko ay nagtimpla na ako agad. Pagkatapos ay pumasok ako sa walk-in-closet para maghanap ng face towel. Baka kasi magkalat si baby Remi sa pagdede mamaya at wala siyang maipamunas.
Talagang mahilig nga sa itim si Sir Silas dahil puro itim ang mga long sleeves niya. May iilang puti rin naman pero mas lamang talaga ang kulay puti.
Pinagmasdan ko ang buong closet pero agad din akong tumuloy sa paghahanap dahil baka naiinip na si Sir Silas at maging dragon ulit siya.
Pumunta ako sa isang kahoy na drawer na nakadikit sa pader. Binuksan ko. Halos mamilog ang mata ko ng makita ang mga relo na panglalaki. Sobrang gaganda nila at 'yung iba ay may mga diamond pa sa loob!
Agad kong sinara ang drawer at nagpatuloy sa paghahanap. Baka mamaya ay may mawala sa relo at ako pa ang sisihin.
Natagpuan ko ang face towel sa ibang drawer kaya naman dali dali na akong lumabas doon. Isinarado ko ang pinto ng kwarto ni Sir. Iikot pa lang sana ako nang biglang may humawak sa braso ko at idinikit ako sa pader.
Nanlaki ang aking mata at tinignan kung sino ang may gawa. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makitang si Sir Silas ito. Namumula ang buong mukha niya hanggang sa dibdib niya.
Itinaas niya ang kaniyang kamay. Gamit ang kaniyang palad ay marahan niyang hinaplos ang aking pisngi kaya naman mas lalo akong kinabahan at medyo... na-excite?
"S-Sir, okay ka lang po?" nauutal na tanong ko.
Nakababa ang tingin ng kaniyang mata sa aking labi kaya naman bigla akong na-concious. Dinilaan ko ang aking labi at kinagat iyon kaunti para medyo pumula. At habang ginagawa ko iyon ay nakatitig lang siya at umiigting ang panga.
Pinukol niya ako ng malamig na tingin. "I am not f*****g okay," marahas na sabi niya bago ako siniil ng halik sa aking labi.