Tandang tanda ko ang lahat. Natatandaan ko kung paano ako hinalikan ni Sir Silas. Natatandaan ko kung paano ko siya hinalikan pabalik. Natatandaan ko ang pagpunta namin sa kaniyang kama at natatandaan ko rin ang... pagkuha niya sa p********e ko.
Lahat iyon ay tandang tanda ko pa. Ang sarap... at ang saya. Hindi ko alam kung bakit masaya ako. Dahil ba crush na crush ko si Sir Silas? Na okay lang sakin na nakuha niya ang p********e ko kasi crush ko siya? O may iba pa akong malalim na dahilan?
Unti-unti kong minulat ang inaantok ko pang mga mata. Ang palad ko ay ramdam ko na nakapatong sa matigas na bagay. Kumurap kurap ako at kahit alam ko na... nagulat pa rin ako.
Si Sir Silas ang hawak hawak ko. Nakapatong ang kamay ko sa kaniyang dibdib. Nakaunan ang aking ulo sa kaniyang mga braso. Nakatagilid ako paharap sa kaniya kaya naman damang dama ko ang magkadikit naming katawan.
Unti-unti kong naramdaman ang pagkalat ng init sa aking mukha. Unti-unti ko ring naramdaman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib dahil sa takot at kaba.
Kagabi kasi parang hindi siya si Sir Silas. Ang kilala kong Sir Silas ay masungit at hindi talaga ako papansinin pero kagabi ay iba siya. Napaisip ako nang kaunti.
Hindi naman siya mukhang lasing kagabi pero parang may something talaga sa kaniya. Parang may mali sa ikinikilos niya kagabi.
Natulala ako sa gwapo niyang mukha dahil sa kakaisip. Pero agad din akong napabalik sa aking ulirat nang biglang umungol at gumalaw si Sir Silas.
Mas lalo akong kinabahan. Agad kong pinikit ang aking mata at nagpanggap na tulog pa kahit kanina pa ako gising. Tiyak na magagalit si Sir kapag nakita niya na ako ang nasa kama niya. Baka mamaya ay paalisin niya ako sa pagtatrabaho sa kanila. Sana ay hindi.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Pero pinilit ko pa rin na magpanggap na tulog. Ramdam ko na gumalaw ulit siya at maya maya ay narinig ko siyang nagmura.
"What the f**k?" rinig kong pagmumura niya.
Hindi pa rin ako kumilos. Nanatili akong nakapikit at nagpapanggap na tulog. Pinakiramdaman ko lang si Sir at rinig ko ang sunod sunod niyang pagmumura.
Hindi ko na matiis kaya naman magmumulat na sana ako nang mata nang bigla na lang akong nakarinig nang pagbukas ng pinto at pagtili ng dalawang boses. Tuluyan akong napamulat ng mata. Unang nasalubong ng mata ko ay ang mata ni Sir Silas. Nag-aapoy sa galit ang titig niya kaya naman mas lalong lumalaba ang kaba ko.
Nanlalamig na aking kamay at sobra sobra na ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
"Oh my God, Kuya? What the hell! Did you two have s*x?" ang boses na iyon ay kay Freya kaya naman alam ko na silang kambal ang tumili.
"Freya, you're so bastos! Halika na, let's get out of here. You are so chismosa ha!" boses naman ni Ma'am Faye iyon.
"Ayoko, dito lang ako! Tawagin mo si Mommy, dali. Sabihin mo nakipag-s*x si Kuya sa isang... maid!" sabi ni Ma'am Freya, damang dama ko ang pagkadisgusto sa kaniyang boses.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin kay Sir Silas. Gamit ang aking kamay, kinupkop ko nang mabuti ang kumot sa aking dibdib at unti-unti akong naupo. Napapangiwi pa ako dahil sa sakit ng aking p********e.
"Freya, your mouth! Nakakainis ka na ng so much. Your ugali is so masama talaga!" si Ma'am Faye at hinila ang buhok ni Ma'am Freya.
Yumuko ako. Kinagat ko ang aking labi. Ano bang ginawa ko? Dapat tumutol ako kagabi. Dapat hindi ko pala hinayaan si Sir Silas na halikan ako. Dapat hindi ako pumayag kasi ako ang matino kagabi. Unti-unti kong naramdaman ang pamamasa ng aking mga mata.
"Close the door and leave the room, you two," malamig ang boses na sabi ni Sir Silas.
"But, Kuya?"
"I said leave the room, Freya."
Narinig ko ang pagdabog ni Ma'am Freya. "Ugh, fine!" bumubulong bulong pa siya at pagtapos ay malakas niyang sinarado ang pintuan.
Napuno ng katahimikan ang buong kwarto. Mabigat ang aking paghinga dahil sobrang kinakabahan na talaga ako.
"If you think I will f*****g marry you just because we f****d then you're wrong already," matalim na saad ni Sir Silas.
Hindi ko alam kung bakit pero agad na kumirot ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na wala talaga akong pag-asa sa kaniya so bakit pa ako nasasaktan ng ganito?
Nanatili akong nakayuko at hindi umiimik.
"Find your clothes and leave my f*****g room," he muttered so harshly.
Kumurap kurap ako at itinakip ng mabuti sa katawan ko ang kumot. Tahimik akong ngumingiwi habang tumatayo. Nang tuluyan na akong makatayo ay isa isa kong pinulot ang aking mga damit na nagkalat sa sahig.
Pagkatapos ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman nakatayo na lang ako sa gilid ng kama.
"What the f**k? Use the f*****g bathroom and wear your clothes. Then, leave my f*****g room!" napapiksi ako nang sumigaw si Sir Silas.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Dali-dali akong pumunta ng bathroom. Pagkasara ko pa lang ng pinto ay agad na lumabas ang mga hikbi sa aking bibig. Kasalanan ko naman, diba? Kaya bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit ang sakit sakit?
Isusuot ko pa lang sana ang panty ko pero kanina pa ako naiihi kaya naman tumungo muna ako sa bowl para umihi. Napasigaw pa ako dahil sobrang hapdi ng loob ko noong umihi ako. Agad ko rin namang tinakpan ang aking bibig.
Pagkatapos ay nagmamadali ko ng sinuot ang mga damit ko. Hindi na ako nakapagsuot ng bra dahil hindi ko na mahanap. Baka kasi nasa ilalim ng kama at natatakot na ako kay Sir Silas kanina kaya hindi ko na hinanap ng mabuti.
Bumunot ako ng malalim na hininga bago ako lumabas ng bathroom. Nakita kong nakabihis na rin si Sir at nakatayo na siya sa harap ng kama, may tinititigan siya doon kaya naman napatingin din ako.
May kaunting dugo doon.
"M-May iuutos po ba kayo, Sir?" nanginginig na tanong ko.
This is the reality, Aila. Isa ka lang maid. Pumuntang kang maid dito at uuwi ka ring maid. Anong ine-expect mo? Gawin kang girlfriend ni Sir Silas pagkatapos ng nangyari sa inyo?
"Collect the bed sheets. Wash it. I don't want to sleep using that. Knowing that someone slept on my bed," malamig na sabi niya at pumunta sa bed side table. Kinuha niya ang relo doon at casual na isinuot iyon.
Sumikip ang dibdib ko. Tumango tango ako at agad na lumapit sa kama. Tinanggal ko ang bed sheet at inilikom iyon. Pati na rin ang pillow case ay tinanggal ko para malabhan ko na rin. Habang ginagawa ko iyon ay parang gusto ko umiyak ng sobrang lakas. Sobrang naaawa ako sa sarili ko pero wala akong magagawa.
Pagkataps ko malikom lahat ay lumabas na rin ako agad ng kwarto ni Sir. Dumiretso agad ako sa laundry room at agad na pinasok ang bed sheet at pillow case sa automatic na washing machine.
Habang ginagawa ko iyon ay panay ang tulo ng luha ko. Pinupunasan ko rin naman pero tumutulo pa rin sila nang tumutulo.
"Nakakainis ka, Aila! Ang tanga tanga mo!" humikbi ako at pinagpapalo ang aking ulo. "Andito ka para magtrabaho hindi para lumandi, Aila. Nakakainis ka," umiiyak na saad ko sa aking sarili.
Buong durasyon ng paglalaba ko ay umiiyak lang ako. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa kusa na ring tumigil ang luha ko sa pagtulo. Kinuha ko ang bedsheet at pillowcase sa washing machine at nilagay iyon sa basket bago ako lumabas ng laundry room.
Nakasalubong ko si Ate Rose na kunot noong nakatingin sa akin. Tinitigan niya ang namamaga kong mga mata. "Ako na ang magdadala niyan sa kwarto ni Sir Silas. Ang sabi niya sa akin ay huwag ka na raw papasukin sa kwarto niya. May ginawa ka bang kasalanan?" seryosong tanong ni Ate Rose, titig na titig siya sa akin.
Inabot ko sa kaniya ang basket bago umiling. "Wala naman, Ate. Medyo pumalpak lang," sabi ko sabay labas ng pekeng tawa.
Tinitigan niya ulit ako. Kahit parang hindi siya kumbinsido ay pilit siyang tumango. "Oh, sige. May hugasaan doon sa kusina. Iyon na lang ang intindihin mo," sabi niya.
Pinanood ko kung paano naglakad papalayo si Ate Rose. Ilang sandali pa akong natulala pero agad din akong kumilos papunta sa kusina.
Nandoon ang buong pamilyang Montero sa kusina. Kahit ang kambal na hindi masyadong bumababa ay nandoon at panay ang titig kay Sir Silas.
Narinig ko ang pagsaway ni Ma'am Nisyel kay Ma'am Freya. "Stop it, Freya. Eat your food," striktang saad ni Ma'am Nisyel.
Ma'am Freya snorted. "Mom, I'm telling the truth. Right, Faye? You saw them too, right? Like, the maid is in Kuya's bed, Mommy. She's sleeping and naked under Kuya's comforter. They had s*x!" malakas na sabi ni Ma'am Freya.
Lihim akong napapikit ng mariin dahil sa kahihiyan. Nakita kong wala na silang juice sa mga baso nila kaya naman kumilos na ako. Ako na lang kasi ang maid na walang ginagawa.
Kinuha ko ang juice sa refrigerator at tahimik na nagpunta sa tabi nila. Tumahimik si Ma'am Freya nang makita ako. Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan kaya naman napalunok ako.
Una kong nilagyan ang baso ni Ma'am Freya. Sumunod ay si Ma'am Faye. Napansin kong walang baso si Sir Theo kaya tinanong ko muna siya.
"Juice po, Sir?" mahinang saad ko.
Tumingin siya sa akin at marahang umiling bago ngumiti. "No, thanks Aila. My wife wants some, though," saad ni Sir Theo.
Maliit akong ngumiti bago lumipat kay Ma'am Nisyel. Titig na titig sa akin si Ma'am kaya naman medyo nanginig ang braso ko. Tumikhim ako at nilagyan ang baso niya. Nang mapuno ko na ay aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko kaya naman napatigil ako.
"You slept with my son?" mataray na tanong niya.
Lumunok ako at yumuko. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Walang salita niyang binitawan ang braso ko kaya naman umalis na rin ako agad sa gilid niya.
Lumipat ako kay Sir Silas pero hindi ko siya tinignan. Nanatili akong nakayuko at tinignan na lamang si baby Remi na busy sa pagkain ng pancakes.
"Juice po, Sir?" tanong ko.
Hinintay ko ang sagot niya pero wala akong narinig kaya naman tinaas ko ang aking ulo para makita siya. Nakaigting ang kaniyang mga panga at seryosong nakatingin sa akin.
"No, thank you," patuya niyang saad.
Tumango lang ako at mabilis na umalis doon. Inilagay ko ulit ang juice sa refrigerator at nagpunta sa lababo para hugasan ang mga plato na madudumi.
Akala ko wala na akong iiiyak pero nagkamali ako. Tumulo ang aking mga luha na agad ko rin namang pinunasan. Tumingala ako para pigilan ang mga luha na gustong kumawala. Nakakainis.
Parang gusto ko na umuwi sa probinsya pero napapaisip ako. Kung uuwi ako kawawa na naman kami kaya naman magtitiis na lang ako. Kaya ko naman eh.
Tahimik kong hinugasan ang mga plato. Focus na focus ako sa paghuhugas pero ang pandinig ko ay sa iba nakatuon.
"I don't know what's gotten into you, Silas. What happened? Why did you sleep with her?" namomroblema na saad ni Ma'am Nisyel.
"I don't know, Ma. All I know is I drunk the tequilla that Miss Gregory gave me and I can't remember anything else!" frustrated na saad ni Sir Silas.
Narinig kong suminghap si Ma'am Nisyel. "Oh my God, son. I think you got drugged! Theo, check the CCTV around the garden. Faster! What the hell?" si Ma'am Nisyel.
Na-drugged si Sir Silas? Nag-sink in sa akin ang lahat. Kaya pala parang kakaiba ang kilos niya kagabi. Parang hindi siya si Sir Silas at parang may mali talaga sa kaniya.
Ibig sabihin may drugs sa katawan niya kagabi kaya hinalikan niya ako? Kung walang drugs sa katawan niya kagabi ay walang mangyayari sa aming dalawa? Lihim akong natawa sa aking sarili. Anong pa nga bang ine-expect mo, Aila?
Kahit ata sobrang lasing si Sir Silas ay hindi ka titignan niyan kahit isang segundo.
"That old lady! Nakakainis na siya. Dapat pala hindi ko na siya inimbitahan! Palagi niya sa akin sinasabi na ang gwapo gwapo mo raw, anak. Oh my God," narinig ko ang takong ni Ma'am Nisyel kaya sa tingin ko ay tumayo siya at naglakad papunta kay Sir Silas. "I'm so sorry, son. It's my fault. I'm so sorry. I didn't know that she will do that to you, anak."
Tinapos ko na agad ang hugasin ko at pumunta sa dining table para ligpitin ang pinagkainan nila. Kinuha ko isa isa ang plato nila. Inipon ko ang tira tira sa isang plato at pinagsama sama ang mga wala ng laman.
"Mom, nadamay din po si Ate Aila. Why are you saying patawad kay Kuya only?" dinig kong saad ni Ma'am Faye.
Napatigil ako sa pagkuha sa mga baso at napatingin kay Ma'am Faye. Naka-cross arms ito at masama ang tingin sa kaniyang ina. Napalunok ako.
Tumuwid ng tayo si Ma'am Nisyel. Tumingin siya sa akin at tumikhim. "Right, I'm sorry too, Aila. Wait," bumalik siya sa upuan niya at may kinuha sa kaniyang bag.
May inilabas siyang kulay itim na parang notebook. May isinulat siya doon. Pinunit niya iyon at inabot sa akin. Tinitigan ko iyon. Para saan ito?
"Mommy, what are you doing?!" galit na saad ni Ma'am Faye, nagaapoy sa galit ang mga mata niya.
Kumurap kurap ako at dahan dahan na kinuha iyon. Ano ito? Tinignan ko iyon at halos magulantang ako sa nakalagay.
Five hundred thousand pesos? Cheke ito. Anong gagawin ko dito?
Narinig kong tumawa si Ma'am Freya at may ibinulong kay Ma'am Faye. Inirapan siya ni Ma'am Faye bago ito naaawa na tumingin sa akin. She mouthed, "Sorry, Ate."
Tumingin ako kay Ma'am Nisyel. Pilit akong ngumiti sa kaniya at ibinaba ang cheke sa lamesa.
"Hindi po ako bayaran," sabi ko bago kinuha ang mga plato na niligpit ko at dumiretso na sa lababo.