Hawak hawak ko ang aking tiyan habang pinagmamasdan si Silas na nakikipaghabulan kay Remi sa malawak na hardin ni Ma'am Nisyel. Ang maliliit at matinis na hagikgik ni Remi ang umaalingawngaw sa buong hardin kasabay ng hagikgikan ng aking inay at ni Ma'am Nisyel.
Nakahiga si Inay at Ma'am Nisyel habang nakabilad sa araw. Parehas silang nakasuot ng bathing suit. Ang kaibahan lang sa kanilang dalawa ay may umbok ang tiyan ni Ma'am Nisyel.
Remi squeak and screamed while Silas is behind her, creating a monster like sound. Maliliit na hakbang lamang ang ginagawa ng boyfriend ko habang si Remi naman ay halos magkanda dapa na kakatakbo papalayo sa kaniyang ama.
"Mama!" Remi squeals before landing her self to me.
Tumama ang maliit niyang katawan sa aking tiyan. Napasinghap ako dahil medyo napalakas ang tama niya pero agad ko rin siyang binuhat, tinaas sa aking kandungan at pinaghahalikan ang pisngi niya.
Nagpapasag pa rin siya dahil sa takot na maabot ng kaniyang Papa pero wala rin namang saysay dahil lumuhod sa aking harap sa si Silas at pinaghahalikan din ang anak sa pisngi.
"Papa, n-no!" angil ni Remi. Pumaloob ang kamay niya sa buhok ng ama at hinila iyon.
Hindi naman nakinig ang isa dahil pinaghahalikan niya pa rin ang anak. Paulit ulit silang naghaharutan pero napatigil nang makarinig kami ng umiiyak mula sa loob ng mansyon.
"Sino 'yon?" nagtatakang tanong ko.
Kunot noong tumayo si Silas bago binuhat ang anak namin mula sa aking kandungan. Inalalayan niya akong tumayo dahil hirap na ako sa aking tiyan at sabay kaming pumasok sa loob. Kasunod namin sila Inay na nagmamadali rin dahil sa iyak sa loob.
Pagpasok namin sa salas ay sumalubong sa amin si Freya at Damian. Nakaupo si Damian sa couch at yukong yuko habang si Freya naman ay nakatayo sa harap ng aking kapatid, umiiyak. Anong nangyayari sa dalawang ito?
Nagtanong si Ma'am Nisyel kung anong nangyayari pero walang sumagot sa dalawa. Freya keeps crying while my brother kept his head low. Napadpad ang tingin ko sa sahig. Nakita ko roon ang isang parihabang bagay na kulay puti.
Wala pa man ay alam ko na kung ano iyon. Pregnancy tests.
"Anong - Ano ito?" pinulot ni Inay ang puting bagay sa sahig.
A gasps escpaed Ma'am Nisyel's mouth. Ganoon din ang reaksyon ni Inay. Mas lalong lumakas ang iyak ni Freya na napaupo na sa sahig habang sapo sapo ang mukha niyang umiiyak.
Kahit walang eksplanasyon galing sa dalawa ay nakuha na agad namin ang nangyayari. Buntis si Freya. At ang... kapatid ko ang ama.
Napasinghap ako nang ibinaba ni Silas si Remi sa sahig bago sinugod ang kapatid ko na halos lumipad dahil sa pagkakahila ni Silas. Agad akong sumunod sa kaniya.
"Silas!" sigaw ko. Gumitna ako sa kanilang dalawa.
Hinawakan ko ang braso ng aking nobyo bago umiling sa kaniya. Pero hindi siya nakikinig dahil mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kwelyo ng aking kapatid na ngayon ay wala talagang balak lumaban kay Silas.
"Silas, please," pagmamakaawa ko. Pinakatitigan ko siya sa kaniyang mata. Ganoon din ang ginawa niya sa akin bago niya inis na binitawan ang aking kapatid.
Pabalyang napaupo ang aking kapatid sa upuan. Lumapit ako kay Silas. Hinawakan ko ang braso niya pero inalis niya ang aking pagkakahawak bago humarap sa aking kapatid na lalaki.
"I'm sorry, Mommy..." umiiyak na saad ni Freya kay Ma'am Nisyel na ngayon ay gulat pa rin ang tingin sa anak.
Lumapit si Inay kay Damian. Nang marating niya ang harap ng aking kapatid ay pinaghahampas niya ang dibdib, braso at pisngi nito pero nanatiling nakayuko ang aking bunsong kapatid.
"Ano bang pinaggagawa mong bata ka? Ha?! Nababaliw ka na ba?" sigaw ni Inay sa aking kapatid habang patuloy pa rin ang paghampas niya rito.
Silas muttered a curse beside me. Tinignan ko siya. Mariing nakapikit ang mata niya. Pinanlooban ako ng hiya at... panliliit.
Nag init ang bawat sulok ng aking mata. Muli kong binalingan ng tingin si Inay na pinaghahampas pa rin ang bunso kong kapatid habang tumutulo ang luha sa kaniyang mata.
Umungot si Remi sa aking tabi kaya naman binuhat ko siya at tinignan ang sitwasyon na nasa aking harapan. Si Ma'am Nisyel na umiiyak at hindi alam ang gagawin kay Freya, si Inay na pinaghahampas si Damian at si Silas na malalim ang titig sa aking kapatid.
"Silas..." tawag ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya. Muli kong hinawakan ang braso niya para pakalmahin siya. Matagal siyang tumitig sa akin bago igting ang panga na nag iwas ng tingin sa aking kapatid.
Malalim siyang bumuntong hininga at umiling iling. Akala ko ay tatanggalin niya ulit ang pagkakahawak ko sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko pero hinila niya ako papalapit sa kaniya. Kinulong niya ako sa mahigpit na yakap, naipit si Remi sa aming gitna na nagsalita nang kung ano ano na hindi naman namin maintindihan.
"I guess its a pregnancy season," biro niya pero andoon pa rin ang pagkadismaya sa kaniyang boses.
Isang malalim na buntong hininga lamang ang sinagot ko.
__
"Tahan na," seryosong saad ni Sir Theo kay Freya na hanggang ngayon ay humihikbi pa rin habang nakayakap sa kaniyang ama. Hinaplos ni Sir Theo ang ulo ni Freya bago hinalikan ang ulo nito. "We can't do anything about it, princess. Unless you are considering... something," pagpapatuloy pa ni Sir.
Kinagat ko ang aking labi bago tumingin kay Damian na agad inangat ang kaniyang ulo dahil sa narinig mula kay Sir Theo. Umigting ang panga ng aking kapatid pero hindi umimik.
Kasalukuyan kaming nasa dining room. Lahat ay may kaniya kaniyang upuan. Si Inay ay malayo ang tingin, malalim ang iniisip at hindi kumikibo. Si Ma'am Nisyel naman ay taas kilay na nakatingin kay Silas habang si Sir Theo ay inaalo si Freya na umiiyak pa rin hanggang ngayon.
Mahinang humikbi si Freya bago tumitig sa kaniyang ama. Ma'am Nisyel cleared her throat, ganoon din ang ginawa ni Damian. Freya stared at her dad for a long time bago siya unti unting humikbi muli at umiling. "I don't want to, Daddy," she sobbed.
Sir Theo just nodded and kissed her daughter's forehead. "It's okay. We will figure this out. Okay? Stop crying. It's bad for the baby," malambing na saad ni Sir.
Bumuntong hininga ako. Napatigil lang ako at napasinghap dahil kumirot ang aking tiyan. Awtomatikong pumunta ang aking palad sa ilalim ng aking sinapupunan.
Nabaling ang pansin ko kay Silas dahil hinawakan niya ang aking tiyan. Nagtatanong ang kaniyang mga mata. "You okay?" he asks, worried.
Lumunok ako bago tumango. Last last week pa ako nakakaramdam ng pagsakit o pagkirot sa aking sinapupunan. Sabi ng OB ko normal naman daw iyon dahil malapit na ang due date ko. Mabilis ang pagbaba ni baby Peanut at ramdam ko na rin na malapit na siyang lumabas sa akin.
Tumango si Silas pero mukhang hindi siya kuntento sa sinagot ko dahil mas inilapit niya ang kaniyang upuan sa akin. Ang palad niya ay ipinatong sa aking tiyan at hindi na inalis doon. His fingers are drawing circles on my tummy while looking straight at my brother na ngayon ay halos hindi makapag angat ng tingin dahil sa ginagawa ng boyfriend ko.
"Silas," saway ko sa kaniya. Hinaplos ko ang kaniyang braso bago umiling. Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa nakahiga sa sahig ang kapatid ko.
He just sighed before giving my forehead a kiss. Mariin akong napapapikit. This man. Kanina ko pa nakikita na sobrang sama ng tingin niya sa kapatid ko. Tingin ko nga kapag humiwalay ako sa kaniya ay susuntukin niya na ang kapatid ko.
"Choose one bedroom here," biglaang saad ni Silas. Patuloy pa rin siya sa paghaplos sa aking tiyan habang sinasabi iyon.
Lahat kami ay napatingin sa kaniya but he didn't take his gaze off of my tummy. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Share a bedroom and you can't have your allowance, Freya. Not even a cent. And you," matalim na tinignan ni Silas ang aking kapatid. "Be a man and find a job. I won't give you money. You must work for it," saad ni Silas kay Damian at Freya.
Mas lalong umiyak si Freya pero ang kapatid ko ay desididong tumango. Humugot ako ng malamim na hininga. Diyos ko, paano nga ba namin hindi nahalata na may nangyayari na sa dalawang ito?
Naalala ko pa ang unang pagkikita nila sa probinsya. Panay ang irap ni Freya kay Damian at wala namang pakialam ang huli sa kaniya. Pero bakit biglang naging ganito ang dalawang ito?
Pumasok sa isip ko ang minsang pagkita ko kay Damian tuwing gabi sa mansyon. Nakikita ko siya na nasa labas ng kwarto na tinutuluyan niya at kapag tinatanong ko kung anong ginawa niya ay lagi niyang sagot na uminom lamang siya ng tubig. Napapikit ako nang mariin.
"You must also pay a part of the electricity bill and for the food. If you have a say to my decision then speak," malamig na saad ng aking nobyo.
Hindi ko alam kung nasstress ba ako sa pinagsasabi ng boyfriend ko kaya sumakit muli ang aking tiyan o talagang excited na lumabas ang anak namin. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking pagsinghap.
"Pero anak, isn't that too much? Damian is just a student..." angal ni Ma'am Nisyel. "And, he doesn't even have experience here in Manila!" pagpapatuloy pa ni Ma'am.
Sinubukang sumagot ni Damian pero pinukulan siya ng masamang tingin ni Silas. "Not too much, Mama. They chose to be reckless then they must pay for the consequences!" Silas said angrily.
Naiintindihan ko kung saan nangggaling ang galit niya. Bilang Kuya, gusto lang niyang bigyan ng leksyon ang dalawa upang matuto pero kilala ko si Silas. Lalambot din ang puso niya. Baka nga next week ay kung ano ano na ang bilhin niya kay Freya.
Hindi natutuwa si Ma'am Nisyel sa desisyon ng panganay na anak. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso bago muling taas kilay na tinignan si Silas. Narinig ko ang paghikbi ni Freya pero nanatili siyang nakayakap kay Sir Theo na ngayon ay malayo ang tingin, tila ba may iniisip.
Silas hardened his expression. Nagsigalawan ang kaniyang panga habang nakikipagtitigan sa ina pero agad ding umirap. "Fine. I will hire Damian to work under the marketing department. End of conversation, Mama," Silas said. Humaplos pa ang palad niya sa aking tiyan bago muling umirap.
Ngayon sure na talaga ako na excited na excited lumabas ang anak namin dahil naramdaman ko na nabasa ang aking kinauupuan. Umangat ang aking kamay. Hinawakan ko ang braso ni Silas kaya naman ibinaling niya sa akin ang atensyon.
"Manganganak na ako," kalmadong sabi ko kasunod ay ang aking pagdaing dahil muling humilab ang aking tiyan.
Mula sa pagiging galit na ekspresyon ay nanlaki ang mata ng aking nobyo. Tumayo siya at lumingon kay Ma'am Nisyel, humihingi ng tulong. Si Inay ay agad na tumayo ganoon din si Ma'am Nisyel. Nakita ko pa ang pagsilip ni Freya sa akin, panandalian siyang tumigil sa pag iyak.
"What do you mean, baby? It is not your due date yet," tanong ni Silas. Mukha siyang inosente nang itinanong sa akin iyon at punong puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. Pinigilan ko ang matawa.
"Ganoon talaga minsan, nak. Halika na. Alalayan mo na itong anak ko. Ako na ang kukuha sa taas ng mga gamit niyo," saad ni Inay, may tuwa sa kaniyang boses.
Excited na siya sa paglabas ni baby Peanut. Simula nang dumating kami rito sa Manila ay hindi natigil ang pagluluto niya ng malunggay soup para sa akin. Palagi niyang pinapabili si Silas ng malunggay.
"Oh my God, you're going to pop the baby na!" Ma'am Nisyel exclaimed before giving my tummy a pat.
Hindi rin ako nagtagal doon dahil inalalayan na nila akong lahat papunta sa kotse ni Silas. Binuksan ni Damian ang pinto habang si Nanay ay inalalayan akong umakyat at si Ma'am Nisyel naman ay ni-lock ang seatbelt ko. Isang maliit naman na unan ang nilagay ni Sir Theo sa aking likod para daw hindi masyadong sumakit. Habang si Freya naman ay nanatili sa loob.
Sumama si Inay sa hospital. Si Silas ang nagmamaneho ng kotse at kita ko naman na kalmado siya pero panay ang sulyap sa akin tuwang umuungol ako. Kinagat ko ang aking labi nang muling mag-contract ang aking tiyan.
"Hooo," I breath out. Mariin kong pinikit ang aking mata dahil sa sakit.
"You okay, baby?" tanong ni Silas sa akin.
Ipinatong niya ang kaniyang palad sa aking hita. Pinisil niya ang hita ko bago saglit na tumingin sa akin at ibinalik ang tingin sa daan. Tango lamang ang tanging naisagot ko sa kaniya.
Hindi rin nagtagal ay dumating kami sa hospital. Na-admit naman agad ako. Si Inay ay inayos ang mga gamit para sa cabinet na nasa loob ng hospital room habang si Silas naman ay tahimik na binabalatan at hinihiwa ang mga prutas na dala dala namin.
Another gut wrenching contraction ripples through me. Humawak ako sa gilid ng hospital bed. Humigop ako ng hangin papasok at ibinuga ko rin papalabas upang mabawasan man lang ang sakit kahit papaano.
"Sunod sunod na ba ang pagsakit?" tanong ni Inay sa akin pagtapos niya ayusin ang mga gamit sa cabinet.
Tumango ako. "Every 2 minutes na, Nay," sagot ko.
Umupo si Silas sa aking likod dala dala ang isang bowl ng prutas. Inalok niya ako pero umiling lang ako kaya napunta kay Nanay ang prutas.
Minasahe ni Silas ang baywang ko. He leaned over kaya naman ramdam ko ang dibdib niya sa aking likod. Napapikit ako ng halikan niya ang expose na balat sa aking balikat. "You're doing good, baby," malambing niyang saad sa akin.
Nilingon ko siya. Tinaas ko ang aking palad. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "Hmm," pagsasang ayon ko. "Pwede mo ba tanggalin ang bra ko? Masakit ang dibdib ko," pagpapatuloy ko pa.
He looks at me intently for seconds before nodding. Saglit niya pa uling pinatakan ng halik ang aking balikat. Tumayo ako upang maiangat ang suot suot kong hospital gown.
He slowly lifts the hospital gown that I am wearing. Na-expose tuloy ang pangibaba ko na tanging panty lamang. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng damit at hinanap ang lock ng bra ko.
Three seconds is all it takes at natanggal niya na agad ang bra ko sa akin. Inabot niya iyon kay Inay na agad ding tinabi iyon.
Muli akong bumalik sa pagkakaupo at hinarap na siya. Hinawakan niya ang aking pisngi. Matagal at madiin niyang hinalikan ang aking labi. "You're doing good, okay?" he keeps praising me.
Tango na lamang ang naisagot ko sa kaniya dahil muling sumakit ang aking tiyan.
Labor is not that easy. Ilang oras akong umiyak kay Silas at kay Inay. Patagal nang patagal mas lalong sumasakit pero mabuti na lamang ay kasama ko si Silas na walang ibang ginawa kundi ang supportahan ako, mapa-emotional at physical man na aspeto.
And then, oras na para umire.
"I'm here, baby. Keep pushing, okay? I love you..." bulong niya sa akin habang ako ay umiire.
Ang dalawang midwifes ay gina-guide ako. Paulit ulit nilang sinasabi ang 'push' na word. I tried my very best. Umiire ako nang matagal pero kapag nawawalan ng hininga ay binabawi ko agad ang hangin bago tuluyang iire ulit.
That time, pakiramdam ko ay sobrang tagal ng oras dahil ang tagal tagal lumabas ni baby Peanut sa akin. Silas kept watching me while I grunt, huff and cry while pushing.
Hirap na hirap ako. Umiiyak na ako dahil sa sakit at umiiling na ako dahil ayoko ng umire but Silas just keeps motivating me, holding my hands tight and kissing my forehead habang nilalabas ko ang anak namin mula sa akin.
And, after a ten minutes long, I felt our daughter slid out of me. Joy immediately overwhelmed my wholebeing. Agad na nanlabo ang aking mata dahil sa luha nang marinig ko ang iyak niya.
Inilagay siya sa aking dibdib habang malakas siyang umiiyak. Lumingon ako kay Silas. Although malabo ang aking paningin dahil sa luha ay alam kong umiiyak din siya kagaya ko.
Yumuko siya at inabot ang kaniyang hintuturo sa aming anak na agad pinaikutan nang maliliit na daliri ng aming anak.
Silas chuckled. "I think she's going to be a daddy's girl, baby," he says while happy tears are streaming down his handsome face.
Tumawa lang ako at iginaya ang aming anak sa aking dibdib upang padedehin siya. Agad na natigil ang pag iyak niya nang dumikit ang aking n****e sa kaniyang labi. Parehas naming pinanood ni Silas kung paano siya kumuha ng gatas mula sa akin.
Ang pag ungot ni baby ay unti unti ring nawala. Tumingala ako kay Silas at matamis siyang nginitian. Ganoon din ang ginawa niya sa akin.
Napapikit ako nang mariin niya akong halikan sa aking labi. "You did so well, baby. I love you. And thank you... so much."
Umiling ako sa kaniya. "I love you too, Silas..." saad ko rin sa kaniya.
He chuckles. "Hmm, we are not going home unless I put a ring on your finger," maloko niyang saad sa akin.
Hmm, indeed we didn't go home nang bakante ang daliri ko. Instead, umuwi kami ng fiancé ko na siya at kasama namin si baby Ausha Vera at masaya kaming sinalubong ni baby Remi.
A happy and complete family? It has been check off of my list now.