Hindi ko inaasahan na makakatulog ako. Maybe because I am with my daughters and I feel so happy that I am with them again at katabi ko pa sa kama. Nagising na lang ako nang umiyak si baby Ausha sa crib niya. Antok akong nagmulat ng mata. Pipikit pikit ko pang binuhat si baby bago ako naupo sa kama at pinadede siya. Nilagyan ko ng unan ang gilid ni Remi dahil baka mahulog siya. Napatingin ako sa couch nang may gumalaw roon. Andoon si Silas. Nakabaluktot at parang hirap na hirap sa pwesto niya. Tumayo ako. Inayos ko si Ausha sa braso ko at lumapit kay Silas. Marahan kong tinapik ang pisngi niya hanggang sa magising siya. He grunted before opening his eyes. "What is it?" namamaos na tanong niya. "Lumipat ka sa kama," sabi ko sabay irap at layo sa kaniya. I softly rock Ausha on my ar