Malaki ang ngisi ko habang pinagmamasdan ang malaking ngiti ni Ophelia. Masayang masaya siya habang kinakalikot ang bagong Macbook, cellphone na iPhone pati ang iPad niya. "Salamat, Ate. I love you!" malambing na sabi niya bago ako niyakap at hinalikan sa pisngi. Nagkibit balikat lang ako. Tinignan ko si Silas na tahimik na nagtitipa ng laptop niya. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan namin. Nang mapatingin siya sa akin ay matamis akong ngumiti sa kaniya bago tumingin sa kapatid kong kinakalikot ang mga bagong gadgets niya. "Puro 1 terabytes ito, Ate?" masayang tanong niya pa. Tumango ako at humiga para ipampam si Remi na nakayakap sa aking bewang at tulog pa rin. Nang bumaba ako sa kusina kanina para silipin sila Inay ay iniwan ko siyang tulog. Pagbalik ko gising na ang ama niya