Hindi pa rin ako makapaniwala na dito na ako matutulog sa kwarto niya. Sa kwarto niya na mas malaki pa ata sa bahay namin sa probinsya. Napanguso ako bago nilibot ang tingin sa loob ng kwarto.
Halos lahat ng gamit niya ay itim talaga. May mga puti pero bilang lang. Ang kurtina na nakatakip sa malaking glass wall ay kulay grey, mataas iyon at tumigil lang sa lapag. Pati ang couch at center table niya ay itim, isama na rin ang comforter, pillow case at ottoman niya.
Antok na antok na si Remi sa tabi ko. Ako ay hindi pa nakakaramdam ng gusto sa pagtulog dahil ala una na ako nagising kanina at nahimatay pa ako dahilan para makatulog ulit ako. Si Silas naman... nagtitipa pa rin sa laptop niya at kunot na kunot ang noo. Hindi ba sumasakit ang mata niya kakatutok sa gadget?
"Mag-sleep na ikaw?" malambing na tanong ko kay Remi. Hinaplos ko ang pisngi niya para tanggalin ang buhok na nakadikit sa kaniyang pisngi.
Umungot siya nang kaunti bago pipikit pikit ang mata na yumapos sa akin dahilan para mapangiti ako. Ang cute cute naman. Para tuluyan siyang makatulog ay pinampam ko ang kaniyang puwitan. Hindi naman nagtagal ay nakatulog na rin siya.
Tumayo ako at naglakad papuntang comfort room dahil kanina pa talaga ako naiihi. Hindi man ako nakatingin ay ramdam ko pa rin ang pagsunod ng tingin ni Sir Silas sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob ng comfort room.
Saglit lang naman ako sa loob. Lumabas din agad ako pero nagulat ako nang makitang wala na si baby Remi sa loob ng kwarto pero... si Sir Silas ay nasa couch pa rin, parang hindi gumalaw.
"S-Si baby Remi?" nag-aalangan na tanong ko sa kaniya. Dumiretso ako sa kama at naupo doon.
Tumingin siya sa akin. "I moved her to her room, baby.." seryosong saad niya sa akin. Agad na namula ang aking pisngi dahil sa tinawag niya sa akin.
"O-Okay. Matutulog na ako," sabi ko na lang kahit hindi pa ako inaantok. Nagpanggap akong hihiga na sa kama pero napatigil ako nang marinig ko siyang tumayo kaya naman hindi ko na natuloy ang gagawin ko.
Lumapit siya sa akin. He's towering over me kaya naman kailangan ko pa tumingala para makatinginan siya sa mata. Lihim akong napanguso.
"You should drink your milk and vitamins first," sabi niya sa akin. Inilahad niya sa harapan ko ang palad niya.
Tinignan ko iyon bago ko binalik ang tingin ko sa kaniya. Kinagat ko ang aking labi at pinagpatong ang aming kamay. Ngumisi siya sa akin kaya ramdam ko na nag-init ang aking pisngi.
Lumabas kami sa kwarto niya. Dumiretso kami sa kusina at nakita ko doon ang dalawang malaking box ng gatas pati ang isang box ng gamot. Kumunot ang aking noo.
"P-Pero diba hindi pa ako nakakapagpa-check up? Bakit may vitamins agad?" nagtataka na tanong ko.
Kumuha siya ng babasaging baso at inilapag iyon sa counter top bago humarap sa akin. Humilig siya at pinag-krus ang kaniyang braso. "Our family doctor check your situation earlier. Don't worry, he's trustworthy," nakangisi na saad niya sa akin.
Napalunok ako at tumango. Medyo nahiya ako dahil parang hindi ko pinagkakatiwalaan si Silas dahil sa inasal ko. Kinagat ko ang aking labi bago naupo sa upuan.
"If you're craving for something, tell me..." biglang sabi niya. Tumingin siya sa akin habang nagtatakal ng powdered milk. "Don't hesitate to tell me all your wants and... needs," anas niya.
Ako lang ba o may ibig sabihin 'yung 'needs' na sinasabi niya? Kinagat ko ang aking labi at winaglit na lamang sa aking isipan ang naiisip kong kabastusan. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
Pagtapos kong inumin ang gatas at vitamins ay bumalik na rin kami sa kwarto. Ako ay dumiretso sa kama habang siya ay balik na naman sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Nanatili lang akong nakatulala sa kaniya, paminsan minsan ay tumitingin din siya sa akin bago ngumingisi hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Maaga akong nagising. Akala ko magigising ako na katabi si Sir Silas... pero mali ako. Hindi man lang nagusot ang kanang bahagi ng kama, sinyales na hindi siya natulog sa aking tabi.
Humaba ang aking nguso. Akala ko pa naman magtatabi na kami. So, bakit pinag-room niya pa ako dito kung hindi rin naman pala niya ako tatabihan?
Imbis na intindihin ang mga tanong sa isip ko ay tumayo na ako. Naglakad ako papuntang comfort room pero agad akong napatigil at napasigaw. "Aahhh!" gulat na sigaw ko. Napahawak ako sa aking bibig.
Nakita kong nakaupo si Sir Silas sa kaniyang couch at nasa kandungan niya pa rin ang kaniyang laptop. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nandoon pa rin siya. Akala ko ay lumabas na siya ng kwarto at nag-aalmusal na kasama sila Ma'am Nisyel.
Tumaas ang kilay niya sa akin pero hindi umimik. Lumunok ako at umayos ng tayo. "S-Sorry. Akala ko kasi ako na lang mag-isa dito sa kwarto," anas ko bago isibi ang nguso.
Ngumisi siya sa akin. Ako lang ba o parang hindi pa siya natutulog? Magulo ang buhok niya at namumungay ang mata. Parang hindi rin kasi siya mukhang bagong gising.
"Natulog ka na ba?" hindi ko na napigilan ang magtanong. Lumapit ako sa kaniya para makita siya nang mas malapitan. Kitang kita ko ang pagod sa kaniyang mukha.
Napasinghap ako nang hapitin niya ako papalapit sa kaniya. Tuloy ay nasa gitna na ako nang kaniyang mga binti at napasinghap muli ako nang ibaon niya ang mukha sa aking tiyan.
"I haven't sleep yet," paos na sagot niya sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatagos sa aking suot na tshirt.
Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. "Hala, bakit? Anong oras na kaya?" tanong ko, nagtataka.
Nakadikit pa rin ang mukha sa aking tiyan. Tumingala siya para tumingin sa aking mata. "Need to do the whole work," maikling sagot niya bago tuluyang binaon ang mukha sa aking tiyan.
This time, ramdam ko na ang paglapat niya nang maliliit at magagaan na halik sa aking impis pa na sinapupunan.
Kinagat ko ang aking labi bago nagsalita. "Matulog ka na. Masama ang kulang sa tulog. Dapat may 8 hours of sleep ka," anas ko sa kaniya.
Pero parang hindi siya nakikinig sa akin. Nanatili lang siya sa aking tiyan. Tumikhim ako at hindi malaman sa sarili kung anong gagawin ko sa kamay ko. Hahawakan ko ba siya o ik-keep ko na lang sa sarili ko ang kamay ko.
"Nagugutom na ako," ayon na lang ang nasabi ko.
Agad siyang humiwalay sa akin at tumayo habang hawak ang baywang ko. Taka ko siyang tinignan. Naglakad siya na hawak ako pero hindi ako kumilos kaya naman naiwan ako kaya tumingin siya sa akin, nagtataka.
"Matulog ka na. Kaya ko kumain mag-isa," mahinang saad ko. "Magtitimpla rin ako ng gatas at iinom ako ng vitamins. Promise," tumatango tango na sabi ko. "Ako na rin magbabantay kay Remi," pagpapatuloy ko pa.
Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago bumuntong hininga at tumango. Lumapit siya sa akin. Napapikit ako nang yumuko siya at abutin ang noo ko. Nilapatan niya iyon nang madiin na halik. "Okay. Wake me up when Mom did something or if she's bothering you, please," namamaos na sabi niya sa akin.
Tumango ako at kimi na ngumiti. Lumabas na ako ng kwarto niya at dumiretso sa kusina kung saan andoon na sila Ma'am Nisyel, Sir Theo at ang kambal pati na rin si baby Remi na agad akong nakita. Tumili siya at tinuro ako. Awtomatiko, umirap si Ma'am Nisyel pero hindi naman siya nagsalita.
"Have a seat, Aila. Where's Silas, by the way?" nagtatanong na saad ni Sir Theo sa akin, iminuwestra niya pa ang upuan na nasa tabi ni Faye.
Umupo muna ako bago sumagot. "Uhh, matutulog pa lang po siya. Nag-laptop po siya buong gabi, sabi niya po work daw," medyo nahihiya pa na sagot ko.
Kinuha ni Faye ang kanin at inabot iyon sa akin. Kinuha ko naman kaya nagpasalamat ako. Nilagyan ko ang plato ko.
"Oh, I see. The problem with the branch in West are still going," seryosong anas ni Sir Theo. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.
Binalingan siya ni Ma'am Nisyel gamit ang nagaalalang ekspresyon. Sa puntong iyon, nawala na ang atensyon ko sa kanila dahil kinalabit ako ni Faye. Bumaling ako sa kaniya at nakita na malaki ang ngiti niya sa akin.
"You are pregnant, Ate?" tunog excited na tanong niya sa akin. Nangingintab pa ang kaniyang mata.
Kimi akong ngumiti at tumango bilang sagot. Mahina siyang tumili. Binitawan niya ang utensils na hawak niya at hinawakan ang impis ko pa na tiyan. "Oh my jeez, I am so excited that I will be an auntie again! Oh, I hope its a boy!" sabi niya bago humagikgik.
Ngumiti ako. Napabaling ang tingin ko kay Freya na kabaliktaran ang reaksyon sa kaniyang kakambal. Nakasimangot siya at inirapan ako nang mapatingin sa akin. Nag-iwas na lang tuloy agad ako ng tingin sa kaniya.
"Don't mind my kakambal, Ate. She's so judgemental kasi, dalawa sila ni Mommy," nakairap na bulong sa akin ni Faye dahilan para magtawanan kaming dalawa.
Hindi ata natuwa si Freya dahil padabog itong tumayo at inirapan kaming dalawa bago nag-walk out papalabas ng dining room. Napangiwi tuloy ako.
Pagtapos kumain ay uminom na ako ng gatas at vitamins. Binuhat ko si Remi tsaka kami tumambay sa garden. Pinabayaan ko siyang maglakad lakad para ma-excercise ang katawan niya.
"B-Butterfly!" irit ni Remi. Tumingin siya sa akin at tinuro ang paru-paro na malayang lumilipad at dumadapo sa mga magagarang bulaklak. "Mama, butterfly!" sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Tumigil ang pagtibok ng puso ko at namula ang aking pisngi dahil sa tinawag niya sa akin. Pang-ilang beses na niya akong tinawag na Mama. Ngumuso ako.
"Baby, ako si Yaya Aila. Hindi po Mama," anas ko habang naglalakad papalapit sa kaniya.
Parang wala siyang narinig. Humagikgik lang ang bata at masayang masaya na tinuturo ang paru-paro habang natalon. Tumatalbog tuloy ang kaniyang pink na pink at matambok na pisngi.
"Butterfly, Mama?" inosenteng tanong niya ulit sa akin.
Tumango ako at malapad na ngumiti sa kaniya. "Opo, butterfly po iyan."
Sa mga oras na ito, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Ang alam ko lang masaya ako at the same time... natatakot dahil baka sa dulo ay masaktan ako.