Umalis siya. Sinama niya si baby Remi. Gusto ko silang sundan pero hindi ko alam kung saan sila kasalukuyang tumutuloy. Miski ang pamilya niya ay hindi alam kung nasaan silang dalawa ni Remi.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Pinadaan ko ang aking palad sa aking tiyan kung saan medyo halata na ang baby bump ko. Kung dati ay mukha lang akong busog, ngayon naman ay busog na busog.
Dalawang linggo na silang hindi umuuwi. Miss na miss ko na sila ni baby Remi. Alam ko na sobrang mali ang ginawa ko. Siguro ay inisip ni Silas na hindi ko siya pinagkatiwalaan at ginagamit ko lang siya. Pero kasi... natakot ako.
"Hindi ka pa tapos diyan?" tanong ni Ate Mary sa akin.
Binanlawan ko ang huling platong may sabon at inilagay sa plate rack bago hinarap si Ate Mary. "Tapos na, Ate.." sagot ko.
Tumango siya. Inabot niya sa akin ang basket na punong puno ng de kulay na damit. Kinuha ko iyon. "Labhan daw sabi ni Senyorita Freya. At gusto niya na huwag ka gumamit ng washing machine. Ewan ko ba sa batang iyon," iiling iling na anas ni Ate.
Nagkibit balikat lang ako. "Baka masisira ang mga ito kapag pinaikot sa washing, Ate," anas ko sa kaniya.
Minata ako ni Ate. Bumuntong hininga lang siya bago muling umiling, tila ba dismayadong dismayado. "May soft wash naman sa washing machine, Aila. Ang sabihin mo gusto kang pahirapan ni Señorita Freya," sabi niya.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Ate. Napansin ko naman na ako lagi ang inaatasan ni Ma'am Freya tuwing may ipapalaba siya o kung ano man. Minsan nga ay naiisip ko na sinasadya niya pero ano naman diba? Isa lang naman akong maid dito.
Simula nang umalis si Silas ay bumalik ako sa pagtatrabaho bilang maid. Hindi naman ako sinabihan nila Ma'am Nisyel o ni Sir Theo na bumalik ako sa pagiging maid pero nakakahiya naman kasi kung makikitira lang ako rito. Mabuti na lang na magtrabaho ako para makapag-ipon pa ako para sa panganganak ko.
Umalis na rin ako sa kwarto ni Silas. Hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi ay mali na manatili ako roon pagtapos ng nangyari. Pakiramdam ko ay tapos na... kaming dalawa.
Pumunta ako sa likod ng washing area at inihanda ang mga batya na kakailanganin ko. Napatigil pa ako nang kumirot saglit ang tiyan ko pero pinagpatuloy ko ang paglalaba.
"Ate Mary, can you -" tumigil ang boses sa pagsasalita.
Nilingon ko ang lugar na pinanggalingan ng boses. Nakita ko roon si Faye, may hawak hawak siyang puting kumot na nakapulupot sa kaniyang braso. Agad na nawalan ng emosyon ang mata niya nang matanto na hindi ako si Ate Mary. Walang salita, inilapag niya ang hawak hawak niyang bed sheet sa washing machine bago umalis.
Mapait akong napangiti. Alam ko na galit siya sa akin dahil sa nagawa ko at may karapatan siya. I think she felt betrayed by me. Bigla kong naalala ang pinag-usapan namin noong nasa beach kami.
Ako ang Ate na gustong gusto niya. Pero anong ginawa ko? Sinira ko.
Halos magdadalawang oras akong naglaba kaya naman pagtapos ko ay halos mangiwi ang aking mukha sa sakit ng aking baywag at likod. Marahan kong sinuntok suntok ang aking baywang, nagbabakasakali na mabawasan ang sakit.
"Kaya pa, buntis?"
Nilingon ko si Ate Mary na ngayon ay idina-dryer ang bed sheet ni Faye. Tinaas ko ang aking kamay para mag-thumbs up. "Kayang kaya, Ate!" nakangiti kong saad.
Pagtapos ko sa labahin ay dumiretso naman ako sa garden para magdilig ng halaman. Naglalakad ako papunta sa garden nang mapatigil ako.
A cute baby girl is running around the garden. Hinahabol niya ang butterfly na pilit lumalayo sa kaniya. But, she stops when she saw me. Tumigil siya sa pagtakbo. Ang malaki niyang mata ay nakatitig sa akin, bahagya pang tumagilid ang ulo niya. Tila ba kinikilala ako...
"Mama! M-Mama!" sigaw niya.
Ang kaniyang maliit at matatabang hita ay tumakbo papunta sa akin. Her cute little chubby cheeks was bouncing with her every steps towards me.
My Remi. My baby Remi.
I let my knees fall on to the garden's green grass. Isinikop ko sa aking mga braso si Remi at mahigpit siyang niyakap. Hindi ko alam na naiyak na ako not until I heard my self sobbing so hard.
"B-Baby ko..." Pinagmasdan ko ang mukha niya. Her chubby cheeks are so rosy. "Miss na miss ikaw ni Mama," saad ko na kaming dalawa lang ang makakarinig. Ang kaniyang maliliit na braso ay pumulupot sa aking leeg. Sinamantala ko ang posisyon na iyon para mahalikan siya sa noo. "Miss na miss ni Mama ang baby na iyan," I sobbed.
Inihiwalay ko siya sa pagkakayakap sa akin para mahalikan ang matambok niyang pisngi. Miss na miss ko siya. Akala ko matagal pa bago sila umuwi ng Daddy niya. Akala ko matagal pa akong maghihintay.
Galit pa rin kaya siya? O baka okay na siya kasi umuwi na siya rito? Baka handa na siyang pakinggan ang side ko.
Nasiyahan ako sa isipin na iyon kaya naman dali dali kong binuhat si baby Remi at pumasok kami sa loob. Inayos ko ang aking itsura. Pinunasan ko ang aking luha bago malalim na kumuha ng hininga sa aking dibdib.
Pero ang kasiyahan na naramdaman ko kanina ay agad ding naglaho. Isang hindi pamilyar na babae ang nakaupo sa sofa ng mansyon. May nakapatong na laptop sa kaniyang hita at katabi niya si Silas na nakatitig sa screen ng kaniyang laptop at may ngiti sa labi.
The woman was the first to notice me. Nanlaki ang kaniyang mata at itinuro ako kay Silas. "There's Remi! I told you pumunta siya sa garden." Humagikgik siya.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang ginawa niyang paghaplos sa braso ni Silas. Nag iwas ako ng tingin.
"Dada! Mama!" Remi screamed so loudly. Nagpababa siya sa akin kaya naman binaba ko siya. Humahagikgik siyang pumunta sa ama habang ako ay nakatingin lang sa kanilang tatlo.
While Silas only looks at me like... he didn't know me at all.
Mas bagay sila...
With a heavy heart, tinalikuran ko sila. Tears started to fall like waterfalls. Wala na ba talagang pag asa? Hindi na ba talaga kami pwedeng bumalik sa dati?
Hinaplos ko ang aking tiyan nang maramdaman kong muli itong kumirot. Napatigil ako sa paglalakad pero ipinagpatuloy din agad. Dumiretso ako sa aking kwarto at doon humiga at umiyak nang umiyak.
Siguro mas mabuti para sa amin ni baby Peanut kung umuwi na lang kami sa probinsya. Sapat na siguro itong naipon ko hanggang sa manganak ako. Pagtapos ko manganak maghahanap na ulit agad ako ng trabaho para kahit papaano ay may maipanggastos pa ako bukod sa matitirang perang naipon ko.
Desidido ng umalis, kinuha ko ang bag ko sa aking aparador at pinaglalagay doon ang mga damit ko. Iniwan ko ang mga damit na bigay ni Faye at galing kay Silas. I was on the last cabinet when my room's door suddenly opened.
Napatingin ako roon at nakitang si Silas ang pumasok. His jaw clench when he saw what I am doing. Mukha siyang natigilan dahil sa ginagawa ko.
"M-Magreresign na po ako, Sir," nanginginig ang boses na saad ko. Ang init sa bawat sulok ng aking mata ay agad na kumalat. "K-Kung gusto niyo po akong kasuhan m-malugod ko pong tatanggapin," anas ko sa pagitan ng aking pag iyak. "P-Pero..."
I wasn't able to complete my sentence. Kinain niya ang hakbang sa pagitan naming dalawa at agad akong binuhat na parang manika. I was a whole mess. Iyak ako nang iyak habang siya ay pinupunasan ang luha sa aking pisngi habang nakakandong ako sa kaniyang kandungan.
"I'm sorry..." he muttered, his voice are huskier than before.
Humihibi ang aking nguso habang nakatingin sa kaniya. Ang luha sa aking mata ay patuloy pa rin na natulo.
"I am very sorry. I know sorry is not enough dahil sa ginawa ko. I was an ass. I didn't gave you the chance to explain your side. I was too f*****g hurt, baby. My mind was a mess..." namumula ang mata na anas niya.
"When you said that it was true I lost it all. I immediately thought that you don't really like me at all," mahina siyang tumawa. "I thought that you just like me because of certain things. And what? I was f*****g wrong. I know I am wrong. I assumed already where in fact you haven't been able to discuss your side. So, I am here... I want to hear," he whispered.
Marahan na humahaplos ang kaniyang hinlalaki sa aking pisngi. He is caressing my cheeks like I am a fragile object. As if he is scared to touch me so hard that I might break.
"I am sorry. I am so sorry for the harsh words that I have already said. I know I won't be able to repair the damage that my words caused you and I am holding myself accountable for what I did. So please, baby... no leaving," ibinulong niya ang huling pangungusap.
Kinagat ko ang aking nanginginig na labi at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. His eyes are red too. I am letting my tears fall while he is fighting hard not to cry in front of me.
Napahikbi ako. Itinaas ko ang aking palad at ipinahinga iyon sa kaniyang pisngi. He immediately closed his eyes and leaned his face on my palm, feeling the heat of my palm. "Its okay to cry," I muttered so softly, nanginginig pa ang aking labi.
I thought he didn't hear me at all. Pero, nang makita ko ang pag alog ng kaniyang balikat at ang pagtulo ng kaniyang luha ay agad ko siyang niyakap. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.
He kept whispering that he is sorry for what he did. He is saying sorry to our baby Peanut too and yes he should be sorry. Nasaktan ako. Nasaktan si baby Peanut.
Pero, I should be sorry too. Kasi nagsinungaling ako sa kaniya. Hindi ako nagsabi ng totoo agad agad. I kept a secret to him since the beginning of our relationship.
"Sorry din. Sorry kasi nagsinungaling ako sayo," muling tumulo ang aking luha. Gamit ang aking dalawang palad ay kinulong ko ang kaniyang mukha. "Pasensya na kasi akala mo hindi talaga kita gusto pero never kong inisip na gustohin ka dahil sa pera mo o kung ano pa man..." humikbi ako.
"I like you for who you are. I like how you are very sweet to me. I like how you father Remi and I will also like or even love how you will father our... baby Peanut." Dinala ko ang kaniyang palad sa aking tiyan. Nanatili iyon doon at humahaplos.
Tahimik lang siya kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita. This time, revealing the actual truth behind the drug accident.
"I was on the kitchen. Inutusan ako ni Ate Mary na kumuha ng paper tissues para sa bisita na natapunan nang wine kaso biglang may humablot sa akin," I said. Inalala ko ang gabi ng party at halos muli akong mapapikit sa takot.
"Akala ko bisita lang na nangangailangan ng tulong pero hindi. Isang lalaki. Binigay niya sa akin 'yung pack na iyon. Akala ko nung una asin lang pero nagbago ang isip ko d-dahil tinutukan niya ako ng kutsilyo."
It still feels so fresh to my mind. Nagsitayuan ang balahibo ko sa aking buong katawan. Noong gabing iyon, akala ko ay mamamatay na ako.
Narinig ko ang malalalim na pagmumura ni Silas. Mariin siyang napapikit at naka igting ang panga. His eyes softened when he saw me crying. Ipinatanong niya ang kaniyang noo sa akin at nilapatan ako ng halik sa aking labi. "Do you still want to continue?" he softly asks.
Tumango ako.
"Inutusan niya ako. Sabi niya, ibigay ko raw kay Miss Gregory at sabihin na asin lang iyon. I-Ibinigay ko kay Miss Gregory," umiiyak na saad ko. Kinurot kurot ko ang aking mga daliri pero napatigil din ako nang hawakan iyon ni Silas.
"L-Lasing na si Miss Gregory kaya hindi niya malaman kung asin ba talag iyon o ano. Sakto ay gusto ka niya bigyan ng drinks kasi gusto ka raw niya i-congratulate," guilty na saad ko.
Imbis na kurutin ang sarili kong daliri ay pinisil ko na lang ang kamay ni Silas. Habang nakikinig siya sa akin ay panay ang tango niya pero kitang kita ko ang pagpipigil niya ng galit at pilit na kinakalma ang kaniyang sarili.
"I'm sorry, baby..." he whispered to me. "I'm so sorry. We are both victims here and what did I do? I got mad at you," mahina siyang tumawa. "I am so sorry. I do not deserve you," malungkot niyang saad sa akin. "I'm sorry. I'm so sorry..." paulit ulit niyang saad.
"I will find the man. I will find all the culprits behind this. I will f*****g kill them all with my bare hands," he said, his voice is full of determination.
Umiling iling ako. Hinawakan ko ang pisngi niya. "Hindi pwede. Makukulong ka. Paano kami ni baby Remi at baby Peanut?" naiiyak na anas ko.
Suminghot ako at yumakap sa kaniya. Ang kaniyang braso ay pumulupot sa aking baywang at ibinaon ang mukha sa aking leeg. "I don't deserve you..." dinig kong saad niya.
"Yeah, hindi mo ako deserve," pag sang ayon ko sa kaniya.
Agad siyang humiwalay sa akin nang marinig ang sinabi ko. Panic was written on his face. "Baby, I'm just..." he tried to explain but I cut him off.
"We need to grow, Silas. Kailangan mong patunayan na deserve natin ang isa't isa," saad ko.
Litong lito siya sa pinagsasabi ko. Kimi lang akong ngumiti sa kaniya at pinagdikit ang aming noo.
"Uuwi ako ng probinsya," sabi ko.