Chapter 3

1810 Words
Chapter Three: "Totoo ba na nakatulog ka sa gitna ng beach dahil sa sobrang kalasingan?" Ilang flash ng camera ang tumama sa akin pagkatapos iyong itanong ng isang reporter. Pumayag na kaming magpa-press conference dahil sa nangyari. Hindi na rin kasi mapakali si mammy Ara dahil sa issue na kinakaharap ko.   "Opo, totoo iyon," diretsong sagot ko. Nagsimula ang bulong-bulungan. Nagmistulang mga bubuyog ang mga press. Pare-pareho ang mga ibinubulong. "Kung gano'n, ano ang dahilan? Totoo bang dahil hiwalay na kayo ni Ms. Pia Sandoval?" Yumuko ako at hindi kaagad nakasagot. Ayoko sanang sagutin. Ang sakit pa rin kasi talaga kapag naaalala ko. Parang hindi ko pa rin kayang tanggapin. . . Pero kung patuloy akong magiging pipi sa lahat, hindi `to matatapos. "Y-yes, hiwalay na kami." Pagkatapos `non ay tumayo na ako para umalis. Mabilis na tumalima ang mga bodyguards at humarang sa akin. Marami pa ring tanong. Ang mga click ng camera ay nakabibingi. Ang mga flash ay nakakasilaw. Pero pilit ko iyong nilampasan. "Dahil ba sa issue na may ibang lalaki si Miss Pia?" "Totoo bang nagsasawa ka na raw kay Miss Pia?" Kung anu-ano pang tanong pero hindi ko na sila pinansin. Pinagbuksan kaagad ako ng pinto ng SUV na sasakyang gamit ni Mammy Ara. "Good job," bulong ni Mammy. Tumango lamang ako at inihilig ang ulo sa bintana. May kailangan pa akong hanapin. Kailangan kong hanapin ang ex bestfriend kong dahilan kaya napahamak ako. Kung hindi dahil sa kanya, wala sanang ganitong issue. "May ipapahanap nga pala ako sa 'yo, Mammy," sabi ko habang tulala pa ring nakatingin sa labas ng bintana. "Aba, manager mo ako at hindi utusan!" Nilingon ko si Mammy 'tsaka sinimangutan, alam kong hindi niya matatanggihan ang charms ko. Kaya nang makita niya ang mukha ko, galit na hinampas niya ang dibdib ko, napangiti ako dahil alam kong success na naman ang paglalambing ko."Sige na! Bwiset kang bata ka!" Nginitian ko siya. Ipapahanap kitang babae ka. Magbabayad ka sa ginawa mo. Devora's point of view: Pinatay ko ang T.V. at inilapag ang remote sa ibabaw ng lamesa. Kaya naman pala naglasing si Claudius noong Sunday ay dahil hiwalay na sila ni Pia. Sus, sinasabi ko na nga ba, e. Una pa lang alam ko nang walang magandang maidudulot sa kanya si Pia. Simula pa noon, tutol na ako sa relasyon nilang dalawa. "Devora, baby!" Nangunot ang noo ko nang kumalabog ang main door ng tinitirhan kong apartment. "Open your damn door, let's talk!" Naiinis na tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Ano na namang ginagawa ng hinayupak na `yon dito? Pagkabukas ko ng pinto, namumungay na mga mata ni Jerard ang bumungad sa akin. Halatang nakainom siya pero alam ko na kaya niya pa ang sarili niya dahil nakarating pa siya rito. Umusbong na naman ang galit sa akin. Naalala ko na naman kung paano niya ako niloko "Anong ginagawa mo rito?!" bulyaw ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Gusto kong iiwas ang kamay ko pero sa sobrang pagod ko, hinayaan ko na lang, hindi ko na magawa. "Baby, let's continue our wedding next week, huh? Sayang ang pinaghirapan natin. Sayang ang tatlong taong relasyon natin. I'll make it up to you. Promise hindi na `yon mauulit." Bumuntong hininga ako at saka hinila pabalik ang kamay ko. "Sana naisip mo `yan bago ka nakipag-s*x sa ibang babae. Konti na lang, e! Sana nagtiis ka na lang!" "Kaya nga sorry na, e. Hindi na mauulit `yon, promise. Devora. . . Just please," pagmamakaawa niya. Pumikit ako nang mariin. Hinawakan ko ang pinto para isara na iyon. Ayoko na, ayokong mangyari uli iyon.  "Once a cheater, always a cheater." Pabagsak na isinara ko ang pinto. Ini-lock ko iyon kaagad bago pa nakalampag ni Jerard ang pintuan ko. "Damn, please! Huwag naman ganito, Devora!" Naupo ako sa sahig dahil pakiramdam ko’y nauupos ang mga tuhod ko sa kaba. Unti unti na namang tumulo ang mga luha ko. Nakakainis naman `tong buhay na 'to! Malas yata talaga ako sa love life, e! Bakit ganito? Bakit kailangan paulit ulit ulit akong masaktan? Umiyak ako nang umiyak hanggang sa unti unting namamanhid ang puso ko sa sobrang sakit. Sobra na ang nararamdaman ko. Dapat hindi ko iniiyakan ang isang lalaking wala namang kwenta! Pero kasi hindi ko mapigilan. . . kahit papaano, masaya ang pinagsamahan naming dalawa sa loob ng tatlong taon. Pinunasan ko ang mga luha ko at agad na tumayo para sana pumunta na sa kwarto ko pero kumalampag ulit ang pinto. Akala ko ba umalis na si Jerard?  Hindi ko sana bubuksan kundi lang siya nagsalita.   "Devora." Pakiramdam ko'y umurong lahat ng luha ko, nanginig na rin ang mga labi ko. Nanginginig na hinawakan ko ang seradura ng pinto. Nang pihitin ko iyon at buksan, hindi ako nagkamali. "Kumusta?" nakangising tanong niya. Suot ang kulay beigh na v-neck t-shirt at ang simpleng kulay itim na pantalon, bumungad sa akin si Claudius. Pakiramdam ko, namumutla ako. Humahataw sa pagtambol ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ako makagalaw at para akong nakakita ng multo. "What? Bigla mong naalala `yong kasalanan mo sa ’kin?"  Feeling ko binuhusan ako ng malamig na tubig, natauhan ako bigla. Anong kasalanan ko sa kanya? Siya ang may kasalanan sa akin, a! "Ang kapal mo! Ikaw ang may kasalanan sa akin!" bulyaw ko sa kanya. Hinawakan ko ang pinto at akmang isasara na iyon ngunit mabilis na hinarang niya ang kaniyang braso. Mas nilakihan niya ang pagbukas. Sa tagal na panahong hindi kami nagkita, mas lumaki ang katawan niya at mas tumangkad! Bigla akong nataranta. "H-hoy! H-huwag kang pumasok!" kinakabahang utos ko sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin. Tuloy tuloy siyang pumasok sa loob. Wala na akong nagawa kung hindi ang isara ang pintuan at sundan siya. Natataranta na ako. Ayoko ng ganito, e. Kaya nga tinakasan ko siya doon sa resort ay dahil ayoko nang ma-involve kami sa isa’t isa! "H-hoy! Ano bang ginagawa mo rito?" Hindi niya pa rin ako pinansin. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. Tila naghahanap ng butas sa nagawa kong krimen! Bwiset! "So, dito ka pala nakatira?" "Umalis ka na Claudius, please. . ." Pakiusap ko. Ang mapupungay niyang mga mata ang pumukol sa akin nang lingunin niya ako. Ganoon pa rin, kulay tsokolate at kaakit akit kung titingnan. Ang matangos niyang ilong at ang makurba't manipis niyang labi ay nakapanghihina pa rin. Siya pa rin ang Claudius na naging best friend ko noon. . . "May kasalanan ka sa ’kin, e." Pinagsawalang bahala ko ang sinabi niya. "Paano mo ba nalaman na dito ako nakatira?!" pag-iiba ko. "Connections, Devora. . ." Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang mahahaba niyang mga daliri. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. "Wala akong kasalanan sa 'yo, Claudius. Ikaw ang may kasalanan sa akin." Biglang lumambot ang kaninang galit na mukha niya. Kumirot ang puso ko. Naalala ko na naman tuloy iyong nangyari noon. . . "So, you're taking a revenge?" Umirap ako. "Of course not! Nagkataon lang iyon!" Umigting ang panga niya. "I'm here to punish you." Natawa ako. "Aba, wow! Ako pa ang parurusahan? Ang kapal mo naman talaga!" Umupo siya sa sofa at saka pumikit. Ang kapal talaga ng mukha! Hanggang ngayon, ganyan pa rin siya pagdating sa akin. "Weather you like it or not, you have to accept my punishment." "Ano bang parusa `yan, gawin mo na at nang makaalis ka na!" sigaw ko. Gusto ko nang magpahinga. Pagod na pagod ako sa araw na ito. Tinapik niya ang sofa. "Umupo ka." "Ang kapal talaga ng mukha, feel at home pa!" Pero kahit gano'n ay umupo pa rin ako. Nakakailang pero hindi ko alam kung bakiy ginawa ko. Pwedeng pwede ko siyang kaladkarin palabas o kaya’y tumawag ng pulis pero ito ako at balak pang tanggapin ang parusang sinasabi niya. Here’s the dakilang tanga, Devora Rivera. "Bakit namumugto ang mga mata mo?" tanong niya. "Wala ka ng pakialam `don," sagot ko sabay iwas ng tingin. Niyakap niya ako bigla. Hindi ko iyon inaasahan kaya hindi ako kaagad nakapalag. Sakop niya ang buong katawan ko habang kabadong kabado ako.   "Tama ka. . ." he whispered. Nang maka-recover, itutulak ko sana siya kaya lang ay mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. "Claudius, a-ano ba?" kinakabahang tanong ko. "This is your punishment, to hear me cry." Hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Hanggang sa yumugyog na ang balikat niya. Alam ko naman kasi ang pinagdadaanan niya. Siguro mas masakit `yong puso niya ngayon kasi kumpara sa akin, mas matagal silang naging magkarelasyon, e. Kaya siguro, hayaan ko na lang. Gusto niya lang siguro ng makakausap ngayon. . . "You're right, Pia is a cheater. . ." he cried. "M-minahal ko siya nang sobra kaya palagi akong naniniwala sa kaniya. Ang laki ng tiwala ko sa babaeng hindi naman pala katiwa-tiwala." Tuluyan nang nabasa ang balikat ko dahil sa mga luhang umaagos mula sa kaniyang mga mata. Nakakaawa siya kung umiyak. Pero kasalanan niya rin naman, e. Binalaan ko na siya noon. . . ~ "Bes!" Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Claudius. Hinihingal na tumigil siya sa harap ko `tsaka iwinagayway sa pagmumukha ko ang phone niya.   "Anong meron d'yan?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay doon ang cellphone niya. Binasa ko naman doon ang message. Hindi ko alam kung mapapangiti ako o hindi. Masaya ako para sa kanya pero medyo naiinis. "Natanggap ako sa audition! Ako ang magiging leading man ni Pia sa teleserye niya!" masayang sabi niya. Pinilit kong ngumiti kahit na ang bigat bigat na ng dibdib ko. "C-congrats!" bati ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Ang laki talaga ng ngiti niya at ayokong burahin iyon. "May pag-asa na akong magpapansin kay Pia!" Pumikit ako nang mariin. Doon napigtas ang pinipigilan kong inis at galit. Dahang dahang bumaba ang kamay ni Claudius na nakahawak sa braso ko. "Galit ka pa rin ba sa kaniya?" Dumilat ako. Hindi ako sumagot pero sana ay naintindihan na niya. Ayoko kasing magkatuluyan sila. "Devora, hindi naman kasalanan ni Pia na magkagusto sa kanya `yang gago mong ex." Mas lalong sumama ang timpla ng sikmura ko. "Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na inakit ng Pia mo ang ex-boyfriend ko? Tapos isang linggo lang ay iniwan na niya? Tapos nagpalit ulit? Malandi `yang si Pia! Kahit sinong babae, huwag lang si Pia!" Gumapang ang galit sa mukha niya. Kung hindi lang ako babae baka nasapak na niya ako. "Ano bang problema mo? Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang?" Nagpipigil sa galit na tanong niya. "Ewan ko sa 'yo! Bahala ka sa buhay mo!" Tinalikuran ko na siya. Akala ko ay susundan niya ako pero hindi. Hinayaan niya akong umalis. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD