Chapter Five:
"Lumipat ka na lang sa istasyon namin pagkatapos ng kontrata mo sa TVM." Napairap ako sa sinabi niyang iyon.
"Sino ka para utusan ako? Mahal ko ang istasyon namin," tugon ko.
Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos `non. Alam niyang hindi niya ako mapipilit dahil alam niyang ayoko nang makita anh pagmumukha niya. Diretso na ngayon ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho. Nag-presinta siyang ihatid ako sa set dahil malapit lang naman.
"Kapag pinagkaguluhan ka 'ron, bahala ka sa buhay mo," masungit na umirap ako pagkatapos ay lumingon sa bintana.
Natawa siya. "Ang sungit mo pa rin."
Hindi na ako sumagot pa. Sa totoo lang, gusto ko na talagang buksan `tong pinto ng kotse at tumalon na lang bigla para lang hindi ko na makita pa ang pagmumukha niya. I swear, ayoko na talaga siyang makita ulit. So goodbye sa tinutuluyan ko na bang apartment `to?
Nang makarating kami sa park, lalabas pa sana siya kung hindi ko lang pinigilan. Masyadong bida bida, e.
"Huwag na, baka pagkaguluhan ka."
Ngumiti siya at tumango. "Sige, ingat."
Nagkakagulong mga staffs at production team ang naabutan ko nang makalapit ako sa kanila. Mag-uumpisa na kasi ang shooting na gaganapin ngayon sa park. Huling shoot na namin ito para sa teleseryeng ginagawa namin.
"Mabuti at dumating ka na. Matatapos na silang ayusan." Sinalubong ako ni James, iyong co-writer ko.
Iniabot ko kaagad sa kanya iyong folder. Dali dali niya naman iyong kinuha at itinakbo sa mga artista. Nakitulong na rin ako sa pag-aayos nila.
"Kawawa naman si Andreus, may concert pa 'yan bukas ng gabi. Walang pahinga." Iiling iling na sabi ni Apple habang inaayos ang mga gagamiting props.
"Pinagsabay niya kasi ang pag-aartista at pagiging leader ng Sexy Seven," sagot ko.
Nilingon ko si Andreus. Tahimik lang siyang nagbabasa ng script. Kailangan niyang kumayod na tila kalabaw para sa nanay niyang may sakit. Hindi talaga lahat ng artista, maganda ang buhay.
Kinuha ko iyong phone ko mula sa aking bulsa nang tumunog iyon. Nangunot ang noo ko nang naka-flash doon ang isang unknown number.
From: Unregistered number.
Pupunta ako ulit sa bahay mo mamaya. I'll bring some drinks.
Nasapo ko na lamang ang dibdib ko dahil pakiramdam ko'y nanikip iyon bigla. Kahit hindi ko kilala ang numerong `to. Alam na alam ko naman kung sino siya.
Ano bang ginagawa niya? Bakit ba bumabalik pa talaga siya sa buhay ko?
-
Kulang na lang, pumikit ako habang naglalakad palapit sa tinutuluyan kong apartment. Kanina, naka-receive na naman ako ng text galing sa unknown number, nasa tapat na raw siya ng gate ng apartment na tinitirhan ko. Kahit na hindi niya banggitin ang pangalan niya sa mensaheng iyon, alam na alam kong si Claudius iyon.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maabutan roon ang kotse ni Claudius. Mabuti na nga lang at iyong mumurahing model ng sasakyan lang ang gamit niya, kung hindi ay pagpipyestahan siya ng mga kapitbahay kong tsismosa.
Nagdire-diretso ako sa gate para buksan iyon. Hindi ko na nga sana siya papansinin kaya lang ay bigla siyang sumigaw.
"Devora!"
Napapikit ako nang mariin. Talagang hinihintay niya ako. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng kotse niya. Nilingon ko na lang din siya dahil alam kong wala na akong takas pa.g
"Bakit ka na naman ba pumunta rito?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"Makikipag-inuman ako sa 'yo. Alam mo naman, mahirap uminom sa bar kapag artista ka," sagot niya.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang plastic na may lamang mga beer. Marami iyon at sa tansya ko ay nasa anim na pirasong lata. Sa kabilang kamay niya ay may hawak naman siyang paper bag na may tatak ng hindi ko kilalang restaurant.
"Bilisan mo na, pumasok na tayo sa bahay mo at baka magka-issue pa."
Umirap ako at minadali ko ngang pumasok sa loob ng gate. Baka nga magka-issue kami at nakakahiya iyon. Ayokong ma-bash, and worst baka mawalan pa ng trabaho
Pagkapasok namin sa bahay, kinuha ko sa kanya ang bitbit niyang can beers at iyong paperbag. Siya naman ay sumunod sa akin, kahit hindi ko siya lingunin, alam kong nakasunod siya.
Inilapag ko sa lamesita ko iyong plastic na may lamang can beers. Inilapag ko na rin doon iyong paper bag.
"Ang tahimik mo naman, magsalita ka naman, bes." Siya ang pumutol sa katahimikan.
Nilingon ko siya sa likuran ko. Hawak na niya ang unang butones ng suot niyang polo at handa nang alisin iyon.
"Ano namang sasabihin ko?" Taas kilay na tanong ko habang nalilitong panaka-nakang tumitingin sa butones niya.
Isa isa niyang kinalas ang butones sa suot niyang polo. Napapalunok naman ako sa bawat pag alis niya `non. Bakit ba `to naghuhubad? Ang gago. Mag-la-live show pa yata sa harapan ko!
"Sumagot ka manlang kahit oo o hindi," sagot niya.
Napaatras ako at mabilis ko siyang tinalikuran. Alam kong mainit sa apartment ko dahil wala akong aircon pero hindi naman siya dapat naghuhubad sa harap ko. Babae ako at lalaki siya. Kahit na dati kaming mag-bestfriend, hindi naman pwedeng ganito.
"Huwag ka ngang maghubad r'yan. Babae pa rin naman ako, Claudius." Mariing pagkakasabi ko.
Lumayo ako sa kanya at binuksan iyong electricfan. Binuksan ko na rin pati ang T.V. para naman maiba ang atensyon ko.
"Hindi ako maghuhubad, magpapalit lang ako ng damit."
Nilingon ko siya at nakitang may inilabas siyang t-shirt mula roon sa paper bag na hawak ko kanina. Akala ko pagkain iyon! Beer lang talaga ang dala niya?! Nagugutom na pa naman ako!
"Magluluto muna ako ng hapunan. Nagugutom na ako." Malamig na sabi ko.
Nag angat siya ng tingin sa akin matapos magbihis ng t-shirt.
"Nag-order na ako sa malapit na restaurant mula rito. Parating na iyon," he said.
Napabuntonghininga na lang ako habang siya’y prenteng naupo sa sofa matapos magbihis. Naupo na rin ako at bahagyang lumayo sa kanya. Hindi pa rin talaga ako sanay na magkalapit kami ng ganito ulit. Hindi na ako sanay at pakiramdam ko, hindi na talaga ako masasanay.
"Nagkita na naman kami."
Nilingon ko siya. Diretsong nakatitig lang siya sa T.V. habang kinakausap ako.
"And then?"
"Gusto ko siyang yakapin, gustong gusto ko siyang balikan pero pinigilan ko ang sarili ko."
Nag-iwas na ako nang tingin sa kanya. Here we are again, ako na naman ang sandalan at iiyakan niya. Kaya siguro gusto niyang maging magkaibigan kami uli dahil ako lang ang kaya niyang pag-kuwentuhan ng ganito.
"I really love her and it hurts seeing her with another man. Isang beses lang siyang nagmakaawa sa akin pagkatapos ay nilantad na niya iyong lalaki niya. Ang sakit."
"Hindi ka pa lasing niyan, a." Natawa ako, sinubukan kong pagaanin ang loob niya. I know how much he love Pia. Saksi ako mula noong una pa lang.
Sakto namang may kumatok sa pinto. Baka iyon na iyong order niya. Ako na ang nagkusang lumabas para kuhanin iyong order. Ako na rin ang nagbayad kasi nakakahiya naman at siya na ang bumili ng alak.
Tahimik naming kinain iyong in-order niyang kanin at beef steak na ulam. Naalala kong hindi pala siya kumakain ng gulay. May in-order pa nga siyang fried chicken, burger at fries. Mukhang iyon na ang pupulutanin namin dahil pagkatapos naming kumain ay nag-simula na kaming mag-inuman.
"Wala ka bang ibang kaibigan? Iyong mga lalaking kaibigan mo sa showbiz, like Paul. O kaya sila Premitivo o si Hero?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong uminom sa lata ng beer na hawak ko.
"Inaasar lang nila ako kapag nagkukwento ako tungkol sa mga ganito. Sa 'yo ko lang na-ikukwento lahat ng nararamdaman ko. Kaya `nong nawala ka sa akin, ang hirap hirap. Palagi akong mag-isa kapag nalulungkot ako."
Sabi ko na nga ba, e. Isa na naman akong malaking sumbungan ng kalungkutan niya sa buhay. Ganito naman lagi ang role ko, e. Ano pa nga ba?
"Hindi ka ba magtatanong kung nasasaktan pa ba ako? Next week na sana ang kasal ko. Sayang `di ba?"
Sumulyap siya sa akin at nginitian ako.
"Magkwento ka kasi," aniya.
"Anong ikukwento ko? Na ang tanga tanga ko talaga pagdating sa pag-ibig? Una, nagmahal ako ng isang kaibigang may mahal namang iba. . ." Pagkatapos ay sumulyap ako sa kanya.
Napakagat-labi siya ngunit hindi manlang ako sinulyapan. Guilty pa rin. Alam niya pa rin kung anong nakaraan.
"Hindi ka pa rin ba nakakapagmove-on?"
Natawa ako. "Syempre, nakamove-on na ako `no! Kamuntik na nga akong ikasal `di ba? Ang gagong `yon! Hindi nakapaghintay, nambabae kaagad!" Pinunasan ko kaagad iyong luhang namuo sa gilid ng mga mata ko. Dire-diretso kong nilagok ang beer na hawak ko at gumuhit ang pait niyon sa aking lalamunan. Kasing pait ng nararamdaman ko.
Tumayo ako para kumuha sana ng malamig na tubig sa ref pero bago pa ako makahakbang ay hinila na ako ni Claudius pabalik. Napaupo ako sa kandungan niya. Agad niya namang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang matangos niyang ilong na tumama sa leeg ko at ang mainit na hininga. Ang hilig niya talagang mang-ganito. Kaya ako na-fall sa kaniya, e.
"Sorry kung isa ako sa mga nanakit sa 'yo. Ngayon, alam ko na kung anong nararamdaman mo,' he whispered.
Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa aking mga hita. Nasa kaliwang hita niya ako, ang kamay niya ay nakaalalay sa aking likuran samantalang ang isa naman ay nakahawak sa aking bewang.
"Sorry. . ." Mahinang usal niya.
Kinilabutan ako nang marahang dumampi ang mainit niyang labi sa leeg ko. Pakiramdam ko ay nakuryente ako dahil doon.
"C-claudius..." Sinadya niya ba `yon?
Bumaba ang kamay niya sa aking hita at mariin akong niyakap. Mas lalo akong kinilabutan. Nag-uumpisa na akong kabahan.
"I'm horny and I don't know why. . ." He said in a husky voice.
Kinilabutan ako lalo. Pakiramdam ko, nag-init ang paligid kahit na nakatutok naman iyong electric fan sa aming dalawa.
"Claudius, hindi pwede 'to. B-bitiwan mo na ako. Lasing ka na yata!" Kinakabahang sinubukang pumiglas pero malakas siya. s**t! I don't want this to happen!
"I'm sorry," usal niya.
Humaplos ang kamay niya papunta sa aking ulo. Nagulat ako nang ipaling niya ang ulo ko paharap sa kanya at saka mabilis akong hinalikan. Sa gulat ko ay naitulak ko siya. Nanghihinang tinitigan niya ako, malungkot ang kanyang mga mata habang ang mga labi niya ay bahagyang nakaawang.
"S-sorry, I can't help it." Gulat na sabi niya. Tila hindi rin inaasahan ang ginawa niya.
Nakagat ko ang labi ko. Napatitig ako sa mga labi niyang mapula at mamasa masa pa. Maganda pa rin talaga ang korte n'yon. s**t naman! Bakit ganito? Bakit parang. . .
"Puro ka na lang s-sorry," sagot ko.
Parang natatakam ako sa mga labi niya. Parang gusto kong. . .
Tikman.
Wala sa sariling inabot ko ang suot niyang t-shirt at hinila siya palapit sa akin. Diretso ko siyang hinalikan sa labi na alam kong ikinagulat niya.
Sa huli ay nagpatangay rin siya. Malambot ang mainit niyang labi nang marahas na gumalaw iyon kasabay ng sa akin. Pikit na pikit ang mga mata ko habang naghahalikan kaming dalawa.
Sabik na sabik ako at alam kong ganoon din siya. Walang tigil sa paglagabog ang puso ko habang patuloy kaming naghahalikan. Ang mga halik namin, parang walang pakialam sa kung ano man ang kahihinatnan. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Init na init ang pakiramdam ko.
Namalayan ko na lamang ang sariling nakayakap na sa kanyang leeg. Ang dalawang binti ko ay nakapagitan na sa kanyang bewang habang patuloy na naghahalikan.
He was carresing the back of my head and I can't help myself but to moan. Napapaangat ang pang-upo ko. Pakiramdam ko'y hindi ko na mapipigilan pa ang paglukob ng init at pagnanasa sa aking katawan.
Mayamaya pa'y naramdaman ko sa ibabaw ng aking pang-upo ang matigas na bagay sa gitna ng kanyang zipper. Naninigas iyon at tila gustong kumawala. Mas lalo akong pinanindigan ng balahibo.
He let out a deep moan while my hips are grinding against his crotch. Hirap na hirap siyang pigilin iyon. Siya ang unang bumitiw sa halik. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko sa mga mata niya ang nag-uumapaw na pagnanasa.
"Let's stop this before I can't control myself. Baka bukas wala na akong besfriend. . ." Garalgal na ang boses niya.
Naramdaman ko bigla ang pagkabasa ng p********e ko. Napapikit ako at bahagyang gumalaw sa ibabaw ng hita niya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. . .
Parang gusto ko pa.
"Anong mangyayari kapag hindi mo na makontrol ang sarili mo?" Halos pabulong na tanong ko, titig na titig pa rin sa mga mata niya.
"D-devora. . ." Nagpipigil na ungol niya sa pangalan ko.
"Pangalan ko lang ang sambitin mo, Claudius. . .”
And then it happened.