Chapter 40

1555 Words

Masayang tumatawa si Andrei habang nakikipaglaro kina Melchor at Rica sa gitna ng flower shop. At bawat marinig ko ang tawa niya... Parang kusang gumagaan ang puso ko. Paminsan-minsan ay lumalapit siya sa akin para ipakita ang hawak niyang bulaklak o kaya'y magkwento ng kung anu-ano, dahilan para hindi ko mapigilang mapangiti. Pero habang mas tumatagal ko siyang kasama... Mas lalo ring sumisikip ang dibdib ko. Dahil sa ilang oras na magkasama kami, ni minsan ay hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo. Na ako ang tunay niyang ina. Na ako ang nagdala sa kanya sa sinapupunan ko. Hindi pwede. Hindi pa ngayon. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat. At higit sa lahat... Si Atasha ang kinikilala niyang ina. Ayokong guluhin ang isip at puso ng bata. Kaya hanggang tin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD