Masama ang pakiramdam ko pagmulat pa lang ng mga mata ko. Nanlalambot ang katawan ko at parang umiikot na naman ang sikmura ko. Mabilis akong bumangon at halos patakbong nagtungo sa banyo. At doon…Sunod-sunod akong napasuka. Napahawak ako sa lababo habang pilit kinakalma ang sarili ko. “Ugh…” Normal lang ito. Paulit-ulit kong sinabi iyon sa sarili ko. Normal lang sa isang buntis. Pero kahit alam ko iyon, hindi ko pa rin maiwasang manghina. Ilang minuto akong nakayuko sa harap ng sink bago ako napahinto. May presensya akong naramdaman sa likod ko. Dahan-dahan akong napalingon—At agad akong natigilan. Nakatayo si Gareth sa may pintuan ng banyo. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, bakas ang pag-aalala sa mukha. “G-Gareth?” gulat kong sambit. Paano siya nakapasok? Bigla kong naa

