Walang nagawa si Creza sa desisyon ni Shan. In the end, they let Kyle stay in the condo. Halos hindi na nga siya lumalabas ng kwarto para hindi sila magpang-abot. Para na rin siyang tanga kung makakapit kay Shan pag nagkakasabay silang kumain. Wala naman siyang nakikitang kakaiba rito actually. Seryoso nga lang ito palagi. Pasalamat na lang siya na talagang hindi rin niya ito palaging nakikita. Busy kasi silang lahat sa condo. Sila lang ni Shan ang palaging nagkikita na okay na okay naman sa kanya. Palagi kasing umaalis ang housemate nila at hindi niya naman alam kung anong oras itong umuuwi or what. Well, pake niya naman kay Kyle. Masaya na rin siya dahil lumuwag ang schedule ni Shan. "Dinner tayo tonight?" tanong niya kay Shan sa telepono. Nasa opisina siya at breaktime niya nang