Chapter 32: The Acquaintance Aiden Chandler's P.O.V Sa sobrang bilis ng oras ay di ko na namalayang ngayon na pala ang Aquitance. Nandito ako ngayon sa damitan ko para hanapin ang puting mascara ko dahil balak kong iyon ang suotin mamaya sa Masquerade nang Acquaintance Party. Tinanggal ko ito saka tiningnan ang sarili ko. Naalala ko bigla nung unang beses kong ipakita kay Lorainne ang totoong itsura ko... Buong puso niya akong tinanggap at di kinamuhian kaya ko siya sobrang minahal. Inayos ko na ang damit na susuotin ko para mamaya saka ako naligo. Si Eliana ay di makakasama sa Party dahil hindi pa din siya nagigising kaya ako na lang ang a-attend sa party tutal malapit na din gumabi. Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay sinuot ko na ang tuxedo ko saka isinuot ang white mascara