Chapter 33: The Engagement Aiden Chandler's P.O.V Nagising ako nang maramdaman kong may gumalaw sa gilid ko at nung imumulat ko na ang mata ko ay bigla nalang may nagsalita. "Dapat noon kapa namatay... Dahil ang taong katulad mo ay wala ng lugar sa mundong 'to..." Iminulat ko nang bahagya ang mata ko at kinabahan nalang ako bigla nang makita kong ang sama ng tingin sakin ni Lorainne at hawak niya ang isang kutsilyo. Nagulat nalang ako ng itaas niya ang kamay niyang may hawak na kutsilyo. "Demonyo ka kaya dapat na mawala kana!" Kasabay nun ay bigla siyang napaluha. Anong ginagawa niya! Balak ba akong patayin ng babaeng mahal ko?! "Dapat ka nang mamatay!" Pagkasabi nun ay ginalaw niya ang kamay niya at saka akmang sasaksakin ako. Tatayo na sana ako ng marinig kong nahulog ang kutsily