ROSY POV SATURDAY, heto ang araw na nakalagay sa text message ng unknown number na niyon. Ayoko namang pumunta pero kailangan kong malaman kung nagsasabi ng totoo ang nagsend sa akin nuʼn. Uso na ang Ai ngayon. Nagbihis ako ng black skirt and black sling sleeves, terno ito. Nagsuot din ako sa sneakers, black din. All black ang ayos ko ngayon para hindi ako mapansin ni Stephan. Kinuha ko ang sling bag kong black din. Nagluluksa agad ako, hindi dahil sa puso kong sawi, kung ʼdi sa Stephan na iyon. Iiyak siya once na makita kong totoo ang sinabi ng unknown sender na iyon. Nang makitang maayos na ako ay lumabas na rin ako sa kʼwarto ko. Lumakad ako pababa, wala naman tao sa bahay namin, always walang tao dahil busy sila. Nagpaalam din ako sa kanila na may lakad ako today. Nagbook na lang a

