NICKEL POV HAWAK ko ang aking phone habang nakamasid sa isang phone na ino—obserbahan ko. Biglang nangunot ang aking noo nang makita ko ang isang GPS na nawala sa bahay ng mga De Vera, ang GPS na nilagay ko kay Rosy. “Hey, anong tinitignan mo sa phone mo, Nickel? Inaabangan mo na naman ang post ng kapatid ko?” Sinulyapan ko si Richard na siyang kasama ko ngayon sa office room niya. Dumalaw ako dahil I need his signature. Nagpapagawa muli ng warehouse sa company nila at sa RDV Rights. Pinakita ko ang blue print kung okay na iyon and need ng signature para maumpisahan na ang project. “Of course, gusto kong ako ang first heart sa bawat post niya. Alam mo naman... Kung gaano ko kagusto ang kapatid ninyo ni Ali,” sagot ko sa kanya. “Gago! We all know, Richard. Kaya mo ngang ilaglag ang sar

