MATAPOS mag-usap nila Fan at Karrim ay pinapirma siya nito sa isang kontrata na hindi pinagawa ng mga Amethyst sa kanya. Masyadong matalino si Karrim at sinisigurado nito na ang lahat ay nasa tama.
Marami itong kundisyon,nisa na ang hindi niya pwedeng tangalin ang earpiece. Habang siya, Isa lang naman ang kondisyon niya... Hindi niya pwedeng ipakita ang mukha niya rito, at pumayag naman ito sa kundisyon niyang iyon.
Matapos magkapirmahan ay binigyan siya nito ng sariling kwarto sa mamahalin nitong hotel building. Binigyan din siya ng mga bagong damit at mga bagong armas na pwede niyang gamitin.
Matapos masettle ang lahat-lahat, si Phoenix naman ang kinausap niya.
"You're so secretive, Nix. I thought you are my bestfriend?!" Himutok niya rito.
"I'm sorry, Kila. But in this kind of our works, you don't know who can you really trust." Anito mula sa mula sa kabilang linya.
Naiintindihan niya ito. At kailangan niyang mag-ingat sa mga sasabihin niya dahil konektado kay Karrim ang linya niya.
"I understand. It's okay even you're not trust me while I trust my whole life to you." Pabagsak siya nahiga sa kama.
Pasimple niyang nilibot ng tingin ang bawat sulok ng kwarto. Alam niyang may kamerang nakatago sa paligid.
"Kila..."
"No, don't explain. You don't have to." Sarkastikong putol niya rito.
Naiintindihan niya ito pero hindi niya maiwasang hindi magtampo. Alam nito halos ang lahat tungkol sa buhay niya. Pero siya, wala man lang kaalam-alam tungkol dito.
Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin bago ito nawala sa kabilang linya. Nagbuga din siya ng hangin. Nagtitiwala pa rin naman siya rito at hindi naman siya galit, ngtatampo lang.
Napabalikwas siya ng upo nang biglang bumukas ng pinto ng kwarto niya. Iniluwa niyon si Jajil. Binigyan niya ito ng matalim na tingin.
"Can't you knock?!" Angil niya rito.
"Knocking is not in my vocabulary." Walang emosyong sagot nito.
Fan rolled his eyes. "Anong kailangan mo?"
"Humanda ka sa pag-alis." Anito na akma ng tatalikod.
"Where to?" Tanong niya rito pero tuluyan na itong lumabas na hindi man lang sinagot ng tanong niya.
Arh! Hindi niya alam kung makakatagal ba siya rito.
Tumayo na siya at pumasok sa walk in closet kuway mabilis na nagbihis ng spy suit. Pinindot niya ang isang button na nasa likod ng mga damit niyang naka sabit. Humawi ang mga damit sa magkabilang sulok at lumipat iyon sa likod habang ang nasa loob naman ay lumabas. Iba't ibang klase ng baril ang nandoon at iba't ibang klase ng pasabog. Halos lahat ng nadoon ay mga mamahaling armas.
Kinuha niya ang Colt .45 revolver at agad iyong nilagay sa holster na nasa hita niya. Kinuha din niya ang black rose knife at isinuksok iyon sa loob ng kanyang boots tsaka siya naglagay ng bala sa waist bag kuway isinuot niya iyon. Sinukbit niya ang Barrett M82 bago lumabas ng kwarto.
Hagdan ang ginamit niya papunta sa penthouse ni Karrim. Pinagbuksan siya ng pinto ng isang epsilon. Naabutan niya sa sala si Karrim at Jajil. Nahinto sa ere ang kopitang hawak ni Karrim nang mahagip siya ng tingin nito.
Sumipol si Jajil na ikinaikot ng mga mata niya. Humakbang siya palapit sa mga ito.
"Ibigay mo sa'king ang address ng lugar na pupuntahan mo. Sino makakasama mo at kung ano ang gagawin mo. Ipasabi mo na lang kay Phoenix." Aniya kay Karrim na tumalikod na.
"Wait." Pigil sa kanya ni Karrim. Napahinto siya sa paghakbang.
"Turn around." Utos nito na agad niyang sinunod.
May sumilay na ngiti sa mga labi nito habang sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung iniinsulto ba siya nito.
"You look sexy." He mumble as he drink his wine.
Agad siyang pinamulahan ng mukha, buti na lang naka mask siya kaya hindi nakikita ang naging reaksyon niya. Hindi niya alam kung ano angnisasagot rito. Umakto na lang siya na parang wala lang kahit pa ang bilis-bilis na ng kabog ng dibdib niya.
"Are you insulting me?" Tanong na lang niya.
Pigil na tumawa si Jajil na tiningnan niya ito ng masama.
"It's sound insulting to you?" Kunot noong tanong ni Karrim na painosente pa.
"It is. Isa akong Omega kaya alam ko kung saan iyan patungo. I'm not like other Omega who dying for you to touch them." Deretsahan niyang sabi.
Tumaas ang isang kilay nito. "Don't worry I'm not into male Omega. It's disgust me." Patuya nitong sabi.
Kahit naka ramdam siya ng kirot sa sinabi nito nakuha pa rin niyang ngumit. Mas mabuti na iyong ganito.
"Good to hear."
"Queen's Hotel ang punta ko."
Walang paalam na tinalikuran na niya ang mga ito at mabilis na lumabas ng Hotel at sumakay ng ducating ibinigay ni Karrim sa kanya.
"GPS activate." Aniya na nabuhay ng screen na nasa kanyang harapan. Ayon kay Phoenix, boses lang niya ang makakapag-activate niyon.
"GPS activated. Where is the location?" Tanong ng system operator. Nasisiguro niyang si Phoenix ang naglagay nito sa ducati niya.
"Queen's Hotel."
"19.6 kilometers... you'll arrive there within 30 minutes. Keep safe Kila." Anito.
Makalipas nga ng tatlong minuto ay dumating na siya sa kanyang destinasyon. Itinago niya ang ducati sa tagong eskinita kuway umakyat pumasok siya sa likod ng isang building at mabilis na umakyat sa pinatuktok niyon.
Punuwesto siya paharap sa Queen's hotel, kuway pinuwesto ang Barrett M82. Inilabas niya ang maliit na binocular at nagmasid sa maligid.
Hindi nagtagal, dumating na ang sasakyan ni Karrim. Bumaba ang mga epsilon mula sa isa pang sasakyan at pinalibutan ang entrance bago binuksan ni Jajil ang pinto. Umibis sa sasakyan si Karrim, inayos pa nito ang suot na sunglass bago humakbang papasok sa hotel.
Fan zoomed the lens and watch Karrim walking inside the hotel restaurant.
Pinindot niya ang button mula sa earpiece. "Sit where I can see you, Boss." Aniya.
Mula sa binocular, nakita niyang luminga-linga ito para maghanap ng mauupuan hanggang sa naupo ito sa bandang kaliwang sulok.
Ilang sandali pa ay may tatlong sasakyan ang dumating. Madami din bantay ang mga ito tulad ng kay Karrim. Unang pumasok si Matinez Alcaza, na isang businessman, sa tanya ni Fan nasa middle filthy na ito. Dunod namang pumasok si Farazzi Monterro, ito ang nagmamay-ari ng Monterro Hotel na sinugod ng mga Amethyst kailan lang. Kaedad nito si Karrim at hindi din maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan. Huli naman pumasok si mask, bakit tinawag na mask? Dahil isa itong misteryosong lalaki na laging suot ang maskara. Wala ni isa ang nakakaalam kung ano ba talaga ang pinapatakbo nitong negosyo, ang tanging alam lang ng lahat ay marami itong koneksyon sa iba't ibang parte ng bansa.
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Karrim na ngayon ay kausap na niya si Matinez at Farazzi. Huli nitong kinamayan ay si Mask. Maayos ang pag-uusap ng mga ito at halatang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Nilibot niya sa paligid ang tingin gamit ang binocular. May napansin siyang kaninahinala mula din sa itaas ng di kalayuang building, tulad niya ay naka spy suit din ito at maingat na nagtatago. Pero sorry na lang siya dahil mas matalas ang mga mata niya.
Amethyst...
Pinindot niya ang button sa earphone. "Jajil, don't leave your eyes to the boss."
"Copy." Agad nitong sagot.
Itinutok niya ang Barrett M82 sa kalaban at tiningnan ito gamit ang telescope niyon. Buong tiwalang kinalabit niya ang trigger at wala pang isang segudo ay tumama ang bala sa sentido nito at dilat ang mga matang bumagsak ito.
"One down." Aniya.
Muli niyang tiningnan ang buong paligid at doon niya nakita ang ilan pang kalaban. Isa sa kanan isa sa kaliwa. Itinapat niya ang Barrett M82 sa kanyang kaliwa at agad itong pinaputukan. Tulas sa nauna ay bumagsak ito.
Itinapat naman niya sa kanan ang Barrett M82 at itinutok sa kalaban. Nang kakalabitin na niya ng trigger ay naramdaman niyang may kalaban sa kanyang likuran. Mabilis siyang nakaiwas sa akma nitong pagsaksak sa kanyang likuran.
"Jajil! Secure the Boss!" Niya sa kabilang kinya.
"What's happening?"
"Amethyst is here." Tiim bagang sabi niya habang matalim ang tingin na tinitigan niya ang kalaban.
"Puma." Anas niya sa pangalan ng kaharap.
Ngumisi ito. "Long time no see Kila."
Hinanda niya ang sarili laban dito dahil alam niyang hindi din basta-basta si Puma. Ano pa't naging pinuno ito ng Amethyst.
Nabaling ang tingin niya sa ibaba nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok. Muli siyang napatingin kay Puma na humalakhak.
"Wala akong intensyon na patayin ka ngayon." Anito na ikinakunot ng noo niya.
This is not like a typical Puma na agad na pinapatay ang kalaban. What's happened to him?
Itinaas nito ang hawak na baril at itinutok sa kanya. "Hindi ko lubusang matanggap na sa dinamirami ng Amethyst ikaw pa ang magta-traidor sa samahan."
"Gusto ko na ng tahimik na buhay, hindi ko makukuha iyon kung mananatili ako sa mali ninyong hangarin."
Tumawa ito ng pagak. "Bakit, sa tingin mo ba mahahanap mo ang katahimikan sa panig ni Karrim? Hindi! Hindi hahayaan ng black tiger na manalo si Karrim at ang mga kasama niya! Patutumbahin ni Master ang Iron Wolf, kasama ka na doon!"
Kinalabit nito ang gatilyo. Bago pa niya iyon maiwasan ay tumama na ang bala sa balikat at tagiliran niya. Dahil sa may halong wolfsbane ang bala ay onti-onti siyang nanghina. Pero hindi siya dapat ngayon manghina dahil tiyak malalagay sa kapahamakan si Karrim.
Mabilis niyang hinugot ang baril na nasa hita niya at mabilis na pinaputukan si Puma. Mabilis ng bawat pag-iwas nito pero hindi naman siya nabigo dahil natamaan niya ito braso.
Tumaas angbsulok ng labi nito. "Isa pa lang itong babala, Kila. Sa muli nating pagkikita sisiguraduhin kong paglalamayan ka na." Anito. Tumalikod na ito at mabilis na umalis.
Fuck! Onti-onting hinihigop ng wolfsbane ang lakas niya.
"Kila!"
"I'm here. S-sorry, nagkaroon lang ng problema."
Pinilit niyang tumayo at hinarap ang Barrett M82 at isa-isang pinatamaan ang mga kalaban sa itaas. Sinunod naman niya ang mga kalaban na nasa ibaba na pumalibot sa Queen's Hotel.
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima... Down.
Nilagyan ni Fan ng bala ang Barrett M82 at ipinagatuloy ang pagbaril sa kalaban.
Anim
Pito
Wala
Siyam
Sampu... Down.
Sunod-sunod pa niyang pinatumba ang natitira pang Amethyst.
"Clear!" Aniya. Mula sa telescope ay nakita niya ang mga ito pumasok sa kanya-kanyang sasakyan at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.