Four

1574 Words
BUMALIKWAS mula sa pagkakahiga si Fan nang mamulatan niya ang hindi pamilyar na kwarto. Bumaba ang tingin niya sa kamay na may nakasaksak na IV. Where the hell he is? Who's helping him? Bigla siyang naalarma nang maalala ang mukha niya. Agad niyang kinapa ang mukha, pero agad din siyang napanatag nang suot pa rin niya ang maskara. Napaisip siya. Kung mayroong kumuha sa kanya, bakit hindi man lang nito tinanggal ang suot niyang maskara? Ano ba talaga ang nangyari? Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inalala ang mga nangyari. Ang huli niyang natatandaan ay nabaril siya ng ilang beses at tuluyang bumagsak. Pero sunod-sunod na putok ng baril ang narinig niya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Pagkatapos... Bahagya siyang nagkaroon ng malay at lulan na siya ng sasakyan... May lalaki siyang katabi at sinubukan nitong tanggalin ang suot niyang maskara pero... "Please don't." Nanghihinang pakiusap ni Fan. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nanlalabo pa ang kanyang paningin. "Then, answer my questions... Who are you?" Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na nagsalita. "K-Kila..." "So, you are the traitor?" Ungol lang ang naisagot niya. "Why did you save Karrim Brahman?" Muli niya itong tinignan at tulad kanina malabo pa rin ang tingin niya. Muli siyang pumikit dahil ramdam na niya ang sakit ng buong katawan. "I d-don't know...umh... pl-please, don't r-remove my m-mask." "Your identity is really important?" "Y-yes..." Napanatag si Fan nang maalala niya ang naging pag-uusap nila ng estranghero. Pero sino ba talaga ito? Kung isa man ito sa mga Amethyst, wala sana siya sa ganitong kagargong kwarto at lalong hindi na siya humihinga pa ngayon. Tinanggal niya ang IV na nasa kanyang kamay at umalis sa ibabaw ng kama. Nangiwi siya nang kumirot ang mga sugat niya. Hindi pa ganoon kagaling ang mga sugat niya. Hinawi niya ang makapal na kurtina na tumatabing sa mirror wall ng kwartong iyon. Base sa nakikita niya mula sa labas, nasa mataas na palapag sila ng isang building. Sa tantya niya, nasa isang mamahaling hotel siya. Nabaling ang tingin niya sa bumukas na pintuan at iniluwa niyon ang dalawang lalaki. Bahagya pang nagulat ang mga ito nang makita siya. Mabilis niyang dinampot ang syringe at tinutok sa mga ito. "Who the hell are you? Where I am?" "Put it down. We're not going to hurt yo-" "Stay back! Who are you and where I am?!" Muling tanong niya. "You are here in Philippines." Natigilan siya at napakunot ang noo. Nasa pilipinas daw siya? Tama ba siya nagpagkakarinig? Pero bakit siya nandito? "Who helped me?" "The boss." Mabilis nitong sagot. He frown. "Who is your boss?" Tumaas ang sulok ng labi ng lalaking may suot na keffiyeh. Base sa kasuotan nito, isa itong arabian. "And who do you think you are for asking us?" Sandali siyang natigilan. Wala siya sa lugar para manlaban, pero hindi pwedeng manatili siya dito lalo pa't wala pa siyang balita kay Fin. Kailangan niyang makausap si Phoenix para malaman ang kalagayan ng kapatid niya. Tiningnan niya ng masama ang dalawa at higit na itinutok ang syringe sa kanila. "Where's my phone? I need it!" Tumawa ng pagak ang lalaki sabay iling kuway may pangutyang tingin na tinalikuran siya nito. "I said, I need my phone!" Sigaw niya rito. Pero parang wala itong narinig. Nakaramdam ng inis si Fan kaya mabilis na pinutol niya ang pagitan nilang dalawa at agad na inunday ang hawak niyang syringe sa ulohan nito. Pero mas mabilis pa sa galaw niya na naiwasan nito ang atake niya. Naiwas nito ang ulo na walang kahirap-hirap. Mariin siya nitong hinawakan sa pala pulsuhan niya at malakas siya nitong ikinalso sa pader paharap at hinila nito patalikod ang isa niyang kamay na may hawak na syringe habang idinidiin nito ang siko sa likod niya. Napadaing siya sa sakit. f**k! Hindi niya ito dapat na minaliit. "Enough, Jajil." Utos ng baritonong boses mula sa likuran nila. Galit siyang pinakawalan na tinawag na Jajil kaya paupo siyang bumaksak sa sahig. Nakita niya ang pares ng sapatos na pumasok sa kwarto. Marahan niya itong tinaasan ng tingin. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala kung sino ito. Paanong... "You are brave for an Omega." Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. "K-Karrim..." Anas niya. Marahan siyang tumango habang sapo ang tagilirang nagdurugo na. Ito ng naglitas sa kanya kagabi? Pero bakit naman siya nito niligtas? Biglang kumabog ng mabilis ang puso niya. Ngumisi ito nang banggitin niya ang pangalan nito. "You really know me, Kila." Lalong nanlaki ang mga mata niya. Paano siya nito nakilala? Bumaba ang tingin niya sa papeles na iniabot ni Jajil kay Karrim na ngayon ay binabasa nito. "Kila Akiyama, 22 years ol-" Mabilis ang galaw niya para agawin dito ang dokyumentong patungkol sa kanya. Paano nila nahalungkat ang pangalawa niyang pagkatao? Kila Akiyama is his fake personality. Sinadya iyon ng ama niya para gamitin siya sa mga maiitim nitong balak. Mabilis nitong naiwas ang papel at hinawakan siya nito sa braso. "Let go!" Aniya na kumakawala mula sa pagkakahawak nito. "Let-umh!" Nasapo niya ng dibdib nang maramdaman niya ang pheromones nito. "I don't want to use my pheromones to you, but you leave me no choice." Tiim-bagang sabi nito. "I stay kind to you because you saved my life. But I save your ass last night, so we're even." Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "P-paano... p-paano mo n-nalaman na ako i-iyon?" "I have my own way to know what I want to know." Tama ito. Kaya nitong malaman ang lahat kung gugustohin nito, kahit pa mula sa maliit na butas. Ang pagkakaalam niya kay Karrim Brahman, wala itong hindi nakukuha na ginusto nito. Ang pagkakaalam pa niya, ito ang mabigat na kalaban ng Black Tiger. Nakahinga na siya ng maayos ng itago na nito ng pheromones nito. "What do you want?!" Asik niya rito. Patuya itong ngumisi. "The last time I check, you are the who needs my help. Hindi ba, Kila?" He speak tagalog?! He knew I have a filipino blood. "I don't need your help!" Sikmat niya rito. "I can protect my self without your help!" "Kaya pala. Kung hindi kita tinulungan kagabi, siguradong pinaglalamayan ka na ngayon o hawak ka na ng mga Amethyst at pinahihirapan." Nakuyom niya ang kamao. May patotoo ang mga sinabi nito kaya hindi niya magawang kontrahil ito at dahil doon, naiinis siya. "I never asked your help. Ikaw na din ang nagsabi, we're even. So, wala akong utang sayo at ganoon ka din, kaya hayaan mo akong umalis." Naningkit ang mga mata nito. "Masyadong matalas iyang bibig mo. Pero tandaan mo kahit gaano pa iyan katalas, pumupurol din." Humakbang ito palapit sa kanya na lalong ikinabog ng puso niya. "Bakit hindi tayo magtulungan? I will help you from Amethyst and you will help me." Naalala niya ang sinabi sa kanya noon ni Phoenix na kung hihingi siya ng tulong kay Karrim, hinding hindi siya nito tatanggihan dahil niligtas niya ang buhay nito. Wala din siyang makitang mali kung magtulungan sila, at least mas makakagalaw na siya ng maayos. Mababantayan pa niya ang bawat galaw nito para sa kapatin niya. "In one condition." Nangunot ang noo nito. "What condition?" "Give back my phone, please. I need to call someone. Please." Hinarap ni Karrim si Jajil. "Give back his phone." Anito na agad namang ibinalik sa kanya ang cellphone niya. Agad niyang tinawagan si Phoenix at hindi nagtagal, sinagot nito ang tawag niya. "Nix..." "Kila? Oh thanks moon goddess! You are safe!" Bulalas nito. "Watashi no imōto wa dōdesu ka?" How's my sister? Agad niyang tanong. "She's fine." Nang tingnan niya si Karrim magkasalubong ang kilay nito, halatang hindi ito nakakaintindi ng japanese. "Ā! Tsuki no megami arigatōgozaimasu!" Oh! Thank you moon goddess! "How are you? Are you feeling better now?" "I'm fine. Don't worr-" Naputol ang sasabihin niya nang agawin ni Karrim ang cellphone niya kuway pinutol nito ang tawag at agad na ibinalik sa kanya ang cellphone. "Phoenix..." Tawag nito at kasunod niyon ay pumailanlan ang isang pamilyar na boses. "Boss." Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata nito. Si Phoenix iyon! Ang matalik niyang kaibigan. "Nix?! H-how..." "I work under his organization." Kalmadong sagot nito. "H-how? And w-why?" "I'm the asset. Surprise!" Anito sa walang kabuhay-buhay na boses. Hindi niya lubos akalain na ito pala ang asset ng Black Tiger magsapanghanggang ngayon... Matagal na niya itong naging kaibigan mula nang pumasok siya sa Amethyst, pero wala ni isa sa pagkatao nito na nalaman niya. Ni hindi pa din niya ito nakikita hindi tulad nito. "Your friend is working under me. He said, you want to have a peaceful life, then help me to end this battle." Si Karrim. "In what way?" "Work for me. Be my sogeki-hei." Sogeki-hei means sniper. Kung sa ganoong paraan niya mapipigilan ang pagpapakasal nito kay Fin ay gagawin niya. Para sa kanyang kapatid. "I'm in." Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong naka lahad sa harapan niya. "Welcome." Sandali niyang tinitigan ang kamay nito bago iyon tinanggap. Pero agad din niya iyon binitawan nang may munting kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan. "Welcome, Kila." Sabi naman ni Phoenix. "Anata wa watashi ni setsumei suru hitsuyō ga takusan arimasu." You have a lot of need to explain to me. Aniya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD