"Young Master, young miss is already in the room." Pabulong na sabi sa kanya ng lalaking naupo sa kanyang likuran. Alam niyang si Sebastian ito, ang Epsilon ng kapatid niyang si Fin.
Tumayo si Fan at pasimpleng pumasok sa private room na inokupa ng kapatid niya para makapag-usap sila ng walang nakakarinig.
Pagkabili niya ng cellphone ay agad niyang tinawagan ang kapatid para kamustahin ito. Nakipagkita ito sa kanya para humingi ng tulong. Kung ano ang tulong? Hindi pa niya alam.
"Onīsan!" Elder brother! Patakbo siyang sinalubong ni Fin at mahigpit na niyakap. Mahigpit din niya itong niyakap.
Pinakawalan siya nito at pinakatitigan mula ulo hanggang paa.
"How are you? I'm so worried when Phoenix told me. You killed the Amethyst comrade. Is it true?" She asked worryingly.
Nagpakawala siya hangin. Inalalayan niya itong maupos sa upuan.
"It's not about me why I'm here. I came here for you Fin. Now tell me, may pinapagawa ba sayo si Dad?" Pag-iiba niya.
Marahan itong tumango. "Gusto niya akong ipakasal isa sa mga taong gusto niyang pabagsakin. Gagawin niya akong spy sa Alpha na iyon!" Hinawakan siya nito ng mahigpit sa braso.
"Onīsan, I don't want to marry a man I don't even know!" She cried. "Please help me!"
Napatiim-bagang si Fan. Hindi niya gustong maranasan ng kapatid kung ano ang pinaranas sa kanya ng ama. Hindi niya gugustohing mahirapan ito katulad ng pagpapahirap sa kanya noon. Tamang siya na lang ang nakaranas ng lahat ng iyon, dahil alam niyang hindi iyon kakayanin ni Fin.
Biglang naalala ni Fan ng kalupitan ng isang Alpha nang ibenta siya ng ama dito. Sinaktan siya nito at ginahasa. Iyon ang kauna-unahang nakatikim siya ng kalupitan sa isang Alpha at hindi niya iyon matanggap panghanggang sa ngayon.
"Onīsan?" Pukaw ni Fin kay Fan.
Kurap-kurapa tumitig siya dito. Muli siyang nagbuntong hininga kuway ginagap niya ang kamay ng kapatid.
"Tell me the details and I'll help you."
"Magkakaroon ng masquerade party sa Monterro Hotel bukas ng gabi. Doon din gaganapin ang kasal namin." Pagbibigay nito ng inpomasyon.
May inilabas itong invitation card mula sa bag nito. "Hindi ka makakapasok kapag wala iyan."
Tinanggap niya iyon. "Darating ako."
Mapait itong ngumiti at mahigpit siyang niyakap. "Gomen'nasai, Onīsan! Hontōni gomen'nasai!" I'm sorry, Kuya. I'm really sorry!
Nakaramdm ng kakaiba si Fan. Alam niyang may tinatago ang kapatid niya na hindi masabi sa kanya. He know his father up to something. Maaaring may kinalaman dahil sa pagpatay niya isa sa mga Amethyst.
Nang bumukas ang pinto, doon sila naghiwalay. "Young miss, we have to leave." Sabi ni Sebastian.
Tumango si Fin at mariing hinawakan ang kamay niya. Parang may gusto itong iparating sa kanya. Pasimple nitong pununasan ang ilalim ng ilong nito. Alam niya ang ibig sabihin noon dahil siya ang nagturo ni'yon sa kapatid.
There's a hidden camera in this room.
Tama nga siya. This is a set up. Alam ng ama ni Fan na si Fin ang kahinaan niya, kaya gagamitin nito ang kapatid para ipain siya.
"Please take care. You know how much I love you Onīsan." Muli siya nitong niyakap bago umalis, kasunod si Sebastian.
Mabilis din siyang lumabas ng kwartong iyon. Mabilis na pumasok sa stock room ng restaurant kuway hinubad ang kasalukuyang soot. Siguradong may mga tao sa paligid ang ama niya kaya kailangan niyang magpalit ng katauhan. He is now Kila. Ang natirang suot niya ay ang kanyang spy suit. Sinuot niya ang itim na maskara at tumalon sa bintanang nandoon.
Tahimik naman siyang nakababa na walang nakakapansin. Sa kanyang pagliko, bigla siyang napatigilin nang mabangga niya ang isang lalaking bakasalubong.
What a small world. Bakit sa dinamirami ng lugar at araw, bakit dito pa sila nagkasalubong?
Nagsalubong ang kilay nito nang matitigan siya. Sino ba naman ang hindi mapapakunod ng noo kung sa itsura niya.
"K-Karrim..." Nanlaki ang mga mata niya nang maabanggit ng pangalan nito!
Lalong nangunot ang noo nito. "Who are you?"
Imbis na sagutin ang tanong nito ay mabilis siyang tumakbo. Mabilis siyang simiksik sa pakikipot na eskinita at doon nagtago pansamantala. Inilabas niya ang cellphone nang mag vibrate iyon sa bulsa niya.
"Nix." Hindi na niya tatanungin kung paano nito nalaman ang cellphone number niya. Siguradong si Fin ng nagbigay rito.
"Don't go there." Agad na bungad nito sa kabilang linya.
"It is true, Otōsan want fin to marry an unknown businessman? And their wedding is tomorrow night?" Tanong ni Fan imbis na pagtuonan ng pansin ang sinbi nito.
"Yes." Maikli nitong sagot.
"Then I need to go there tonight for my sister."
"If you do that, Amethyst will get you." Nakuyom niya ang kamao. Papayagan talaga ng ama niya na makuha siya ng Amethyst. Wala itong pakialam kahit anong mangyari sa kanya.
"This is a f*****g set up, Kila!"
Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "I know! But I won't let Dad put my sister in misery, like he did to me." Mariin niyang sabi.
Ginawang miserable ng kanyang ama ang buhay niya, na hanggang ngayon ay dala-dala niya iyon.
"f**k! You knew your father had alas on you. What if he use that to you?"
Lalo siyang nag ngitngit sa sinabi nito. But Fan don't give a damn!
"I don't care. I will never let him use me again. Gusto ko ng simpleng buhay na ipinagkait niya sa'kin." Aniya. Phoenix understand tagalog.
Marahas na nagbuga sa kabilang linya si Phoenix. "I think, you should know the truth about Marri—"
"Please don't." Awat niya. "Mas importante sa'kin si Fin. She needs me more."
"But Marri—he needs you more."
Marahas siyang nagbuntong-hininga at pilit na inaalis sa isip niya si Marri.
"Tutuloy ako bukas ng gabi. You can't stop me. If you want to help me and Fin, just hack the security camera in Monterro hotel and you know what to do."
Matagal bago sumagot si Phoenix mula sa kabilang linya. "I'm in."
Tipid siyang ngumiti. Alam ni Fan na hindi siya matitiis ng kaibigan.
"Don't smile." Iritableng sabi nito.
Tumingala siya sa kalangitan. "Nakabili ka na naman pala ng bagong satellite mo."
"I need it to help a friend."
Muli siyang ngumiti. "You love me that much, Nix?"
"Oh, f**k you! Hindi tayo tala." Islang na sabi nito.
"Talo." Pagtatama niya. "Anyway, thanks friend!"
Phoenix tsked. "I'll send you my safe house address, you stay there." It's not an statement.
"Yes sir!"
TIME PASS by... Iginugol ni Fan ang isang araw niya sa pag-eensayo sa safe house ni Phoenix. Bago siya naligo uminom muna ng suppressant. He did that daily, lalo pa't abnormal ang heat cycle niya.
Matapos maligo, nangialam na siya sa damitan ni Pheonix. Naghalungkat siya ng damit angkop sa masquerade party.
"Not that one! That's my favorite coat!" Biglang pumailanlan sa buong bahay ang boses ni Phoenix.
Inis siyang nagbuga ng hangin. "Phoenix! Pinapanood mo ba bawat galaw ko?!"
"Ha?! Of course n-not! This is for your safety you moron!"
Tinaasan niya ito ng kilay. "For my safety huh?! Wala ka bang ibang trabaho, para ako ang bantayan mo?!"
"Hmm. I have."
"Then do your job!"
"But my job is you, Kila." Nagsalubong ang mga kilay niya.
"What do you mean?"
"You are my job."
Natigilan siya. Alam niyang hindi ito nagbibiro at gagawa lang ng kwento.
"Who ordered you?"
"I can't tell you. You know the policy."
Nagbuga siya ng hangin at nagpatuloy sa pagbihis. Tulad ng nakagawian ay, sinuot niya muna ang spy suit niya. Bago niya sinuot ang puting coat, isinuot niya muna ang shoulder holster at nilagyan ng baril sa magkabilaan.
Inayos niya ang itim na buhok Bago dinampot ang mascara at naglakad na palabas ng bahay.
"Don't forget your earpiece, Kila." Paalala ni Phoenix bago siya tuluyang nakalabas ng safe house nito.
Nang makasakay si Fan sa kotse nito, tsaka niya isinuot ang earpiece.
"You hear me?" Boses iyon ni Pheonix.
"Loud and clear."
"Good. When you get there, don't speak as much as possible. Amethyst knew your voice."
"I know."
Binuhay na niya ang makina at pinatakbo iyon papunta sa Monterro Hotel. Pinarada niya sa may bungad lang ang sasakyan para in case of emergency.
Umibis na ng sasakyab si Fan at dumiretso sa entrance door. Hindi nagtagal ay natunton na niya ang kwartong gaganapan ng pagdiriwang iyon. Ipinakita niya sa staff ng hotel ang invitation card na ibinigay sa kanya ni Fin.
Maingat niyang sinusuri ang paligid ganoon din ang bawat taong nandoon. Iba't ibang Alpha at mga aristocrat ang imbitado. Bahagyang naninigas ang kanyang katawan dahil sa mga nagpapaligsahang pheromones.
"Are you okay? You're sweating." Si Phoenix mula sa earpiece.
"Pheromones..." He mumbled. Hindi na ito nagsalita pa.
Humanap siya ng bakanteng lamesa at humingi ng maiinom sa waiter.
"Don't drink to much." Paalala ni Pheonix. Mahina kasi ang tolerance niya sa kahit anong alak, at alam nito iyon.
Nahinto sa ere ang basong hawak niya nang mahagip ng kanyang mga mata ang grupong bagong dating. Ang kaliwang mukha lang nito ang may takip kaya malayang nakalantad ang kalahating mukha nito.
It's Karrim.
Mabilis siyang umiwas ng tingin dito at mabilis na tinungga ang laman ng baso niya. Muli siyang humingi sa waiter ng wine.
"I don't know Karrim will be there too." Si Phoenix. "Calm down."
Pinipilit niyang pakalmahin ang puso pero hindi iyon nakikinig sa kanya. f**k! Bakit ba kasi kailangan pa nilang laging magkita? Lalo siyang nabalisa nang pumuwesto ang mga ito sa katabi niyang lamesa.
He look more handsome in his white gold half face mask. Muli niyang nilagok ang laman ng baso niya.
Nawala ang atensyon niya kay Karrim nang namatay ang lahat ng ilaw at tanging sa stage lang ang tanging may ilaw.
Nagsalita mula doon ang emcee at tinawag nito ang mga importanteng taong bisita ng gabing iyon. Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang tawagin ng emcee ang pangalan ng kanyang ama. Kasama nitong umakyat sa stage ang kapatid niyang si Fin.
"Good evening everyone! I have announcement to make. Tonight, my daughter will be married to Karrim Brahman. Mr. Brahman, please come up on stage."
Mabilis na bumaling ng tingin si Fan kay Karrim na walang kaemo-emosyon ng mukha. Nanlalaki ang mga mata niya na sinusundan lang ito ng tingin.
"Relax, Kila. Not yet." Si Phoenix.
Nang maka akyat sa stage si Karrim ay agad nitong inakbayan si Fin na ikinasikip ng dibdib niya sa hindi malaman na dahilan.
Nakuyom niya ang kamao. Hindi siya papayag na gamutin ng ama ang kapatid niya at maging miserable ang buhay nito. Hinding hindi siya makakapayag!.
Maingat siyang humakbang palapit habang hinahanda ang sarili sa pagdukot ng baril na nasa loob ng kanyang coat.
"Kila, not yet!"
Pero hindi niya pinakinggan ang sinabi ni Phoenix. Mabilis niyang kinuha ng baril at walang ano-ano'y pinatamaan niya ang mga epsilon na nas paligid nito.
Doon na magsimula ang gulo at kanya-kanyang takbuhan na ng mga bisita. Mabilis siyang nagtago sa malaking poste nang patamaab siya ng baril ng mga Epsilon.
Natigilan siya nang may mag shift sa harapan niya pero mabilis niya itong tinamaas sa ulo kaya walang malay na bumagsak ito at muling bumalik sa katawang tao.
Binaling niya ang tingin sa stage. Wala na doon si Fin pati na si Karrim at ang kanyang ama.
"Where's Fin?" Tanong niya kay Pheonix.
"She's safe now. She's with Sebastian. You can get out of there, the Amethyst will be there in no time." Nahihimigan niya ang takot sa boses nito.
"Copy!" Mabilis siyang kumilos at tumakbo palabas nang may baril na tumitok sa kanyang sentido.
"Kila... I'm glad, I found you." Boses iyon ni Puma. Ang leader ng Amethyst.
Marahan siyang umikot paharap dito at sinalubong niya ang nakakamatay nitong tingin.
"Long time no see, Puma."
"Are you ready for your death?"
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Glad to be dead."
"Don't provoke him, dimwit!" Singhal ni Phoenix sa kanya mula sa earpiece.
Tulad ng sinabi ni Fan. Kung mamamatay man siya, ikatutuwa pa niya iyon dahil wala rin naman siyang silbi sa mundo. Si Fin na lang ang nagbibigay ng dahilan para mabuhay siya.
Nakita niya ang paggalaw ng daliri nito para kalabitin ang gatilyo. "Sayonara, traitor!" Anito.
Pero bago pa nito tuluyang makalabit ng gatilyo may balang tumama sa baril na hawak ni Puma at tumilamsik iyon palayo. Ito na ang pagkakataon ni Fan. Tumlon siya ng mataa at malakas na sinipa si Puma sa dibdib at padausdos itong bumagsak sa sahig.
"Run, Kila! Run!" Sigaw ni Phoenix at iyon naman ang ginawa niya.
Pinaulanan siya ng bala at muntikan ng matumba nang tamaan siya ng bala sa hita. Bahagyang bumagal ang takbo niya gawa sa silver bullet. Habang tumatakbo, binabaril niya ang mga kalaban mula sa likuran. Pero doon siya pasubsob na bumagsak nang mataan ulit siya sa likod at sa kanyang kanang tagiliran.
"Ohh, s**t!" Daing niya. Pakiramdam niya ay kumakapit ng bala sa laman niya at sinisipsip ang bawat lakas niya.
"Get up, Kila!" Sigaw ni Pheonix musa earpiece. "Get up!"
Nakuyom niya ang kamao at pilit na tumayo, ngunit muli lang din siyang bumagsak. Narinig pa niya ang putukan bago siya nawalan ng malay.