Chapter 24

1290 Words

Albie Marahan kong hinawakan ang salamin na bintana na nasa aking harapan. Dahil sa madilim na paligid, halos makita ko na ang reflection ng aking sariling mukha sa salamin, isang mukha na maraming lihim na tinatago. Saan nga ba ako maaaring magsimula? Siguro, noong panahong bagong salta palang ako sa pamilya ng mga Roberts. Oo, isa akong adopted child ng aking tito at tita. Kinupkop ako ng mga magulang ni Lester noong ako ay pitong-taong gulang pa lamang. Eksaktong edad nang pumanaw ang aking mga magulang dahil sa sunog na nangyari sa isang lugar na aming tinitirhan sa Tondo Maynila. Hindi kami mayaman tulad ng pamilya ni Lester, ngunit malapit na magkapatid ang aming ama. Sa tuwing kami ay may problemang pinansyal, sa kanila kami lumalapit. Si Lester ay pinsan ko ngunit tinuring ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD