~Hunyo 22, 1890~ “F—fidel?” “Ako nga Felimona,” ani ni Fidel na agaran ngang lumapit kay Felimona habang abot langit ngayon ang ngiti nang makitang ligtas ang dalaga. “Anong ginagawa mo rito?” “Narito ako upang iligtas ka mula sa iyong ama. Aalis tayo rito Felimona bago pa man malaman ng mga nagbabantay sa iyo na narito ako,” paliwanag ni Fidel na siyang iniabot nga ang kaniyang kamay sa dalaga ngunit natigilan itong nang lumipas na ang ilang segundo ay hindi nito tinatanggap ang kaniyang alok. “Felimona?” Marahang umiling ang dalaga na siyang dahilan upang mapakunot ng noo si Fidel na kasalukuyang hindi maintindihan ang inaakto ng dalaga. “P—patawad Fidel ngunit hindi ako sasama sa iyo,” ani ng dalaga na siyang dahilan upang makapakunot ng noo si Fidel at unti-unti ngang ibinaba a