~Hulyo 14, 1950~ “Python, nasa baba ang great grandpa ko,” usal ni Eeya sa kaniyang kaibigan. Ngayon ay tumaas pa siya sa compartment para lang tawagin ang kaibigan na halos dalawang araw nang nagkukulong doon. Agaran namang napatayo si Python nang malamang pinuntahan sila ng hepe. Kahapon pa kasi nito inaantay ang hepe at nagbabakasakaling may balita ito patungkol sa kalunos-lunos na nangyari sa kaniyang lola. Nakalipas na ang isang araw mula noong nangyari ang insidente na siyang dahilan ng pagkabalisa ngayon ni Python ay hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung sino ba ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari sa San Nicolas. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ni Roberto ang kaniyang anak at ang nobya nitong si Rosalinda. “Chief, nahanap niyo na po ba ang pumatay sa lola