HINDI makapag-focus si Athena sa kanyang trabaho dahil halos sinakop ni David ang isip niya. Simula noong gabing pinuntahan siya nito sa bahay niya ay hindi na siya mapakali. Nararamdaman na niya ang unti-unting pagbabalik nito sa buhay niya. Habang abala siya sa pag-iisip kay David ay abala rin si Glenn sa pagtugis sa mga lobo. Hindi na ito pumupunta sa kanya para sunduin siya. Naka-duty ito sa detachment tuwing umaga at sa tuwing gabi naman ay nagtatrabaho ito bilang wolves hunter. Kahit tawag niya o text ay hindi nito magawang sagutin. Nababahala na siya. May kutob siya na maaring alam na nito’ng buhay si David. Nag-overtime siya sa trabaho. Nasa La Presa si Dennis kasama si Gemma. Hinatid niya ang mga ito noong isang araw kay Lolo Elmer. Bigla daw kasing na-miss ng anak niya si Jaype

