Chapter Twenty-nine

2479 Words

INIWASAN ni David si Lucas pagdating niya sa headquarter na kinukotahan nila. Nahahalata niya na pinababantayan nito ang kilos niya. Pero hindi niya ito natakasan noong gabing binalak niyang umalis. “Saan ka pupunta, David?” tanong ni Lucas nang harangin siya nito sa bulwagan. “Maghahanap ako ng mga hayop. Matagal na akong hindi nakakatikim ng sariwang karne,” sagot niya. “Maghahanap ng hayop o pupuntahan mo na naman ang babaeng leader ng mga hunter,” usig nito sa kanya. Nawindang siya. Alam na pala nito ang lihim na pag-alis niya. Humakbang ito palapit sa kanya. “Mali ang landas na tinatahak mo, David. Ano ba ang nakain mo at bigla mong pinagkaintersan ang babaeng iyon?” usisa nito nang huminto may tatlong talampakan ang layo sa kanya. “Gusto ko lang malaman kung ano pa ang mga nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD