Chapter Thirty

2836 Words

SA kagustuhan ni Athena na makita si Glenn ay napadpad sila sa likod ng gusali kung saan ang lumang gym na karugtong ng mga kulungan na sinadyang ginawa para sa mga nahuhuling lobo. Nakita niya ang isang hunter na lalaki na palakad-lakad sa labas ng gym. Nang makita siya’y halatang nataranta ito. Dagli siya nitong sinalubong. “Tenyente, bigla po ata kayong napadalaw rito? Wala naman pong emergency at umalis na po si sir Glenn,” sabi nito habang balisa. Kabisado niya ang taong nagsisinungaling. Mula roon sa labas ay may naririnig siyang ingay na nagmumula sa loob ng gym. Kinarga na niya si Dennis. “Paraanin mo ako,” mahinahong utos niya. “Mga hunter lang po na nag-iinsayo ang nasa loob, Ma’am,” sabi nito. “Gusto kong makita kung paano sila mag-insayo,” aniya at nagpumilit makalusot. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD