LEXXIE’S POV “PWEDE ko ba ‘tong gamitin?” Sabay turo ko sa aking paa. “No!” mabilis na sagot ng asawa. “Ilalagay mo lang sa kapahamakan ang anak natin.” “Eh, sa gusto ko siyang––” “You can punch, Pangit. Pero hindi pwede ang sipa. Damn!” Napaingos ako. “Eh, kung ikaw ang sumipa para sa akin.” “I like your idea.” Sabay tanggal ng asawa ng seatbelt niya. Papasok kami ngayon sa AO headquarters. At dito naka-detain si Rhea habang hindi pa naililipat sa mental hospital. Sa dalawang linggong honeymoon namin, umepekto na pala ang mga gamot na pinainom dito ni Ian. Naghahalucinate na siya. Pero gusto kong gumanti sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin bago ako manganak, at higit sa lahat, sa pagkamatay ni Kimberly. Oo, naging dati siyang ka-fling ng asawa pero hindi ko makapa ang galit sa

