IAN’S POV PALABAS ako noon ng cabin nang makita ang mag-ina kong naglalaro sa buhangin. Maingay dahil sa halakhak nila. Gumagawa kasi ng castle ang asawa tapos sinisira ni Gwen. Nasa harapan din nila si Leander na mukhang naaliw sa kanila kaya hindi sila tumitigil. Nasa honeymoon kami ngayon pero kasama ang mga bata. Hindi naman kasi maiwan ni Lexxie ang dalawa. Napalapit na rin siya kay Gwen kasi at siya pa mismo ang iniisip ng asawa kapag nawala siya nang isang Linggo sa bahay. Dapat si Leander lang ang makakasama namin kaso iyak daw nang iyak ang bata nang bigla kaming mawala sa paningin niya. Nahirapan sila Nanay na aluhin ang bata. Buti na lang bumalik kami noon dahil sa pagsusuka ng asawa. At parang siya iyong panganay namin dahil sobra din ang pag-iyak nang makita ang asawa dahi

