Gracelyn Fairford Lim "ANONG pinag-usapan ninyo ni Mama kanina?" tanong ko sa kanya. Naririto pa rin siya sa tabi ko at magkayakap kami sa kama. Parehong wala pa ring saplot ang aming mga katawan. "Ano'ng pinag-usapan?" tanong din niya na parang walang alam. "Narinig ko kayo kanina. Nag-usap kayo sa room mo." "Tsismosa ka." Nahampas ko siyang bigla sa dibdib dahil sa sinabi niya. He chuckled softly. "What did you hear?" Bahagya siyang sumeryoso. "Sinabi niya na hindi pa huli ang lahat, na may paraan pa. What did she mean by that?" "Is that all you heard?" Napatingala ako sa kanya. Naaaninag ko pa rin naman siya mula sa ilaw ng lampshade. "Is there something else I should know?" "Nothing," he replied without looking at me. "It's just ... about work." "What about work?" agad kon