Gracelyn Fairford Lim "Bye, Mama! Bye, Papa!" malakas na paalam ni Gillian sa parents namin habang isinasakbat na sa balikat ang bag niya. "Bye, my dears." Mama kissed us on the cheek. "Bye, Mum," I said. Lumapit rin ako kay Papa na ngayo'y nasa mesa pa at kumakain kasama sina Hanz at Garret. "Bye, Papa." I kissed him on the cheek as well. "Take care," he said. "Yes, Pa." "Kiss ko din, ate!" pahabol din ni Hanz. "Ang dungis mo, Hanz!" ani ko pero mabilis din akong humalik sa pisngi niya. Nagkalat ang mga sauce ng ulam sa nguso niya. "Bokbok anak, babalik ka pa naman dito, right?" pahabol na tanong ni Mama kay Gavriel. Lumingon din naman sa kanya si Gavriel habang nagsusuot na ng jacket sa sala. "I mean, uuwi ka pa pagkahatid mo sa mga kapatid mo," dagdag pa ni Mama. "Yes, Mum