Gracelyn Fairford LUMIPAS ang buong maghapon na hindi ako halos nakapag-concentrate sa mga activity namin. Hindi halos pumasok sa utak ko ang mga ginawa namin. Hanggang sa natapos na lang ito. "Are you sure you’re alright?" tanong ni Harriet, na ikinalingon ko sa kanya. Nakatitig siya sa akin habang isinisilid na sa bag niya ang mga gamit niya. "You’ve seemed kind of out of it all day." Lumipat ang paningin ko kay Theo, na nasa bandang likuran niya. Nakatayo na ito, nakasakbat na sa balikat ang bag at nakapamulsa habang nakatitig sa akin. I turned back to Harriet. "Y-Yeah… I’m fine. Just … a lot on my mind." "Is this about a personal problem of yours?" tanong naman ni Amelia, na lumapit na rin sa amin. Muli akong napatingin kay Theo at napalunok. Wala naman akong mabasang anumang emo