Gracelyn Fairford HABANG NAGLULUTO si Kuya Bokbok ng dinner namin sa baba ay inayos ko naman ang silid namin. Ikinandado ko muna ang pinto para hindi siya makapasok. I changed all the bedsheets, blankets, and pillowcases to white, along with the curtains. Nagkabit ako ng mga string lights sa mga gilid ng kisame—palibot sa kabuuan nitong silid, pati na rin sa mga paligid ng mga bintana. Nilagyan ko rin nito ang palibot ng kama namin. Naalala ko kasi kanina, na may mga itinatago siyang ganito dito sa bahay at ikinakabit lang tuwing malapit na ang Christmas. Pinaghihimay ko rin ang mga petals ng roses na ibinigay niya sa akin kagabi. Ikinalat ko ito sa kama at buong sahig. Mabuti na lang marami-rami ito. I turned on the TV and started looking for good movies on the online cinema. "Ano