Gavriel Bokbok Fairford
"Ang dami kong gutom!" turan ni Hanz sa harap ng plato niyang puno ng kanin at ulam. Kinikilig-kilig pa siya at sabik na sabik nang kumain habang hawak ang mga kutsara at tinidor niya.
"Magdasal muna, Hanz. Ang bilis mo, anak. Nakapaglagay ka na kaagad sa plato mo?" said Mum, still placing a pitcher of orange juice on the table. Naupo na rin siya sa tabi ni papa.
"Hindi ko pa naman kakainin, Mama! Dyan lang sila sa plato ko," Hanz replied. Mukhang pagod na pagod din siya mula sa training. His white vest crumpled and slightly dirty.
Ang iba naman sa mga kapatid namin ay tahimik, lalong-lalo na si Gracelyn sa tabi ko, na tila nakikiramdam lang sa paligid.
"Lead us in prayer, Hanz," Dad instructed our youngest sibling.
"Okay!" Hanz clasped his hands and bowed his head. "Thank you, Lord, for the food before us, for our family and friends, and for keeping us safe. Bless this meal and let us enjoy it together. Amen."
Sabay-sabay din kaming nag-sign of the cross.
"Let's eat," said Dad.
Isa-isa na silang kumuha ng pagkain sa mga nakahayin sa aming harapan. Pinagsilbihan din sila ni mama. Hindi rin niya ako kinalimutan.
"Kanin, anak. Kahit ngayon lang, kumain ka ng marami dito sa bahay." Siya na ang naglagay ng kanin sa plato ko, marami ito kumpara sa nakasanayan ko nang kainin. "Kumuha ka lang ng ulam. Alam kong paborito mo rin ang calderetang baka."
I didn't answer. I just waited for Grace to finish getting food.
"Kuya." Bumaling din siya sa akin at iniabot ang serving spoon. "Ipaglalagay na lang kita—"
But I took it from her and served myself. Ramdam ko ang panaka-nakang pagsulyap sa amin ni mama.
"How was your day?" Papa asked, his eyes on me. "I heard you went to 10 Queen Street earlier."
"Yes, Papa," agad na sagot ni Gracelyn. "Nagpasama po ako kay kuya. Namili kami ng school supply."
Ramdam ko ang munting kaba sa kanya, at pagkailang, na para bang may kinatatakutan. Ibinaba ko ang kamay ko sa ilalim ng mesa at ipinatong sa hita niya. Pinisil ko siya ng marahan para pakalmahin siya, pero ramdam ko ang paninigas niyang bigla.
Tinabig niya ang kamay ko. It seemed my gesture had a different effect on her. Nagsimula na lamang akong kumain.
"Sana namasyal muna kayo. Maybe you miss the places you used to visit with your siblings. It's been quite a while since you last went around Oxford," sagot ni papa habang nasa akin pa rin ang paningin.
"Uuwi po kasi kayo ng tanghali, papa, kaya umuwi din kami kaagad. Para sabay-sabay tayo sa lunch," muling sagot ni Grace sa tabi ko.
"That's fine, there's still dinner anyway. Tomorrow, you can go out. Sa Monday ka na lang bumalik sa trabaho, Bokbok. Take your sister with you. She's heading to London on Monday as well."
"That's exactly what I told him, Papa," Gracelyn answered again from beside me.
"Sasama ako mamasyal, Papa!" bigla namang sabat ni Hanz kahit puno ng pagkain ang bibig.
"Anak, lunukin mo muna 'yang kinakain mo bago magsalita," saway sa kanya ni mama. "Tumatalsik sa plato mo ang pagkain."
Agad din namang binilisan ni Hanz ang pagnguya.
"Hmm, Kuya Bokbok, I heard there's a newly opened gallery near the Story Museum, right in the city centre," Garret suddenly chimed in while eating. "My friend said it's called Story Arcade. He's inviting me to go there tomorrow. Puno daw doon ng mga arcade machines, children's games, and even crafts—"
"I want to go there, Papa!" Hanz suddenly shouted. "Mama, I want to go there!"
"Tapos, mawawala ka na naman," Gillian interrupted. "Napakalikot mo. Kung saan-saan ka pumupunta. Parang sinisilihan palagi 'yang pwet mo."
"Nanonood lang ako, eh. Ganun talaga 'pag namamasyal," nakangusong sagot din naman ni Hanz.
"Maganda daw doon," Garret added. "Para daw pinagsamang playground at museo. Hanz will really enjoy it there!" He grinned at their youngest sibling.
"Papa, punta tayo doon! Gusto ko doon!" Hanz shouted again while staring at their father.
"Pumunta kayo tomorrow. Go out and have fun. Take your Kuya Bokbok with you. Minsan lang naman 'yan," turan ni papa.
"Hindi kayo sasama ni mama, Papa?" tanong ni Gillian.
"We have an important person to meet tomorrow, about the land your mother and I are planning to buy. Kayo na lang ang umalis. Mag-bonding kayong magkakapatid. Huwag niyo lang pabayaan itong bunso niyo. Baka kung saan na naman 'yan makarating."
"Wag ka na lang sumama. Makulit ka, eh," ani Gillian kay Hanz.
"Sasama ako! Ikaw na lang huwag sumama, masungit ka, eh," sagot din ni Hanz, na siyang ikinatawa nila.
Nasundan pa ito ng mga biruan at tuksuhan nila.
As for me, I just stayed quiet in my chair while eating. I don't even know if I deserve this family. Masyado silang masaya. Masyado silang perpekto.
Matagal nang lumayo ang loob ko sa kanila. Matagal ko na silang iniwan, simula pa noong matuklasan ko ang dahilan nang totoong pagkamatay ng tunay kong mga magulang.
Sila mismo, sila papa at mama na natutunan ko nang mahalin simula bata pa lang ako ang siya mismong dahilan nang pagkawala nila. Sila mismo ang pumatay sa kanila, pati na rin sa lolo ko.
I was sixteen years old when I accidentally overheard a conversation between Grandma Sandra and her husband about how my parents had truly died. Doon ko pinilit si Lola na ikwento sa akin ang lahat-lahat nang nalalaman niya.
Matapos niyon ay hindi ko alam kung kanino ba ako dapat na magalit. Sa sarili ko bang mga magulang, sa mga umampon sa akin, o sa Diyos...
I just can't understand why this is the kind of life they gave me. Ano'ng dahilan nina mama at papa, bakit kinuha pa nila ako? Dahil ba nakukunsensya sila sa ginawa nilang pagpatay sa mga magulang ko, dahil may isang batang naulila?
Hindi ko rin naman sila masisisi dahil ang mga magulang ko rin ang pumatay sa mga magulang ni mama. Many women died back then because of my father and grandfather.
'Di ko lang matanggap kung bakit sa ganoong pamilya ako nagmula.
Habang lumilipas ang panahon, pakiramdam ko ay walang direksyon ang buhay ko. Paulit-ulit lang ang mga nangyayari sa araw-araw.
Kundi lang dahil kay Gracelyn, matagal na sana akong sumuko at naglaho. She's the only reason I keep coming back to this place, kahit alam kong mali sa paningin ng lahat, sa batas at sa Diyos.
I've tried countless times to stop myself from falling in love with her. God knows how hard I held back—how I chose never to come home, para hindi ko na siya makita pa kahit kailan.
Pero sa tuwing nawawala ako sa direksyon, sa tuwing nalulugmok ako sa dilim, hinahatak ang katawan ko pabalik dito.
Makita ko lang siya, nagiging maayos ako. Nagiging payapa kaagad ang dibdib ko.
I don't know when it all started. I just felt it—ever since we were children.
Gusto ko na siyang itakas noon pa man, pero naiintindihan kong mahal na mahal niya ang pamilya namin, ang pamilya niya.
Matagal ko na ring itinakwil noon ang apilyedong ikinabit nila sa akin, na hindi naman kailanman magiging akin. Ibinalik ko ang totoo kong pangalan ... na Lim.
Because I was born a Lim, no matter how cruel they had once been.
Hindi ko rin magagawang pakasalan si Gracelyn kung patuloy kong dadalhin ang pangalang Fairford.
Ang totoo, para sa kanya lang ang lahat ng 'to.
*****
After lunch, I decided to hang out in the greenhouse at the back of the house. A vast garden, a lawn, and a patio surrounded it.
Si Gracelyn ang alam kong masipag mag-alaga ng mga halaman at mga bulaklak dito. Kasing-ganda niya rin ang mga ito, at noong mga bata pa lang kami ay dito kami madalas tumambay at maglaro.
Natanaw ko si papa na patungo na rin dito sa greenhouse, carrying two cans of beer.
Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim.
“How’s work?” he asked as soon as he stepped inside. He handed me a can of beer. “Not too hard, I hope? Have all the missions you’ve handled turned out successful?”
“It’s alright, Papa,” I answered softly. Tinanggap ko rin ang beer at binuksan. “Everything has been taken care of. Those who needed to be captured are already behind bars... 'Yong iba, nasa hell na.” Sunod-sunod kong ininom ang beer.
Humagod kaagad ang lamig at pait nito sa lalamunan ko.
He sat down on the sofa beside me.
He patted my shoulder. “I’m so proud of you, son. I never imagined you would grow into a fearless agent like me... Pero gusto kong malaman, gusto mo ba talaga ang trabahong 'yan? Does it make you happy? … Bihira na kasi tayo nagkakasama ng ganito... Bihira ka na nakakauwi... Hindi ka na namin gaanong nakakausap... I want to know, my son … is the life you chose really the life you want?”
Mahigpit kong pinigilan ang emosyong unti-unting bumabalot sa akin ngayon. Pinatibay ko ng husto ang dibdib ko.
“Yes, Papa," mahinang sagot ko. "I’m happy—I swear, I’ve never regretted the choice I made... This is what I want: to serve the country, just like you. You’re my idol, the reason I stand where I am today... and of course, much of it comes from my birth parents as well. I refuse to become like them... Instead, I’ll be the one to bring people like them to justice.”
Tumango-tango naman siya, at muling tinapik ang balikat ko.
“That’s good, son. I’m glad to hear that... Nag-aalala lang kami ng mama niyo, na baka may mabigat ka nang problemang dinadala... Remember, we’re always here for you... We’re your family... We’ve missed you so much... Masyado ka nang malayo sa amin ngayon..."
“I’m sorry, Papa... I’ve just really been busy.” Muli kong nilagok ang laman ng beer.
“I know, I know..." Ininom din niya ang alak niya. "Well, wala ka pa bang planong lumagay sa tahimik? I mean..." Bigla siyang ngumiti. “...haven’t you thought about getting married? Haven’t you found someone who could turn your world upside down?" Muli siyang tumawa.
Hindi kaagad ako sumagot.
Natanaw kong bigla si Gracelyn sa pinto ng bahay at nakatanaw dito sa greenhouse.
Matagal nang magulo ang mundo ko dahil sa kanya. At hinding-hindi na ito maaayos kahit kailan.
“I don’t know yet, Papa. I’m still waiting for the right moment.”
Muli siyang ngumiti. “So, there is someone. Ipakilala mo naman siya sa amin."
Muli kong nilingon si Gracelyn. “I don’t know when... I’m waiting for her decision... I don’t want to force her ... not if she isn’t ready.”