CHAPTER 07: A Brother’s Choice

1538 Words
Gracelyn Fairford NAPALINGON akong bigla sa tabi ko nang biglang umangat muli ang basket namin mula sa sahig. Nagulat ako nang bumungad si kuya. "Akala ko ba gagamit ka ng banyo? Ang bilis mo naman yata," ani ko. "Mamaya na lang," mahina niyang sagot. Nagtaka ako dahil salubong ang mga kilay niya, at parang wala na naman siya sa mood. "Okay ka lang?" tanong ko. Muli akong nagtungo sa iba pang kinaroroonan ng mga school supply. "Yeah. Matagal pa ba 'yan?" Parang nagmamadali na rin siya. "Kaunti na lang 'to." Binilisan ko na ang pagkuha sa iba pang school supply na nasa list na hawak ko. Patuloy naman ang pagsunod niya sa'kin. MAKALIPAS lang ang ilang minuto ay natapos na rin naman kaagad. Dinala na niya ang basket namin sa counter. I quickly pulled out my wallet from my bag when I saw him reaching for his own in his pocket. “Kuya, I’ve got the payment here. There’s a budget for that.” Agad ko siyang inawat. Tumabi ako sa kanya at agad iniabot sa cashier ang credit card ko. Huminto din naman siya, pero hindi sumagot. Muli niyang ibinalik sa bulsa niya ang wallet niya. Hinintay lang namin ma-scan lahat ang barcode ng mga items at mai-bag. Nang matapos ay umabot ng tatlong malalaking paper bag ang mga pinamili namin. Binitbit ni kuya ang dalawa, at ako naman ang nagdala ng isa na medyo magaan lang naman. Lumabas na rin kami ng Ryman, at nagtungo na sa public car park. Pasimple akong luminga sa paligid, sa pagbabakasakaling baka makita ko pa si Theo. Pagsakay ko ng kotse ay doon ko siya biglang natanaw, sa isang shop sa 'di kalayuan. Medyo nagtatago siya habang nakatanaw sa sasakyan namin. Nangunot bigla ang aking noo. Ano'ng ginagawa niya? Sinusundan ba niya kami? “Is something wrong?” biglang tanong ni kuya, kaya agad akong nagbawi ng tingin. "Ah, wala. Alis na tayo." I quickly fastened my seatbelt. Binuhay naman na niya ang makina. Habang papaalis kami ay muli kong nilingon ang kinaroroonan ni Theo. He was still there, standing and watching us. Ayts. Tumigil sana siya sa ginagawa niyang 'yan, bago pa siya makita ni kuya. Siguradong mas lalo pang magagalit si kuya sa kanya. Tahimik na rin kaming bumiyahe pauwi sa lugar namin. ***** "Wow! Ole & Steen bread!" sigaw bigla ni Gillian habang tinatanggap ang paper bag na iniaabot ko sa kanya. “I love this! Thank you, ate!” Natawa na lamang ako sa sigla at saya niya. Muli siyang bumalik sa sofa at nilantak kaagad ng kain ang mga tinapay. “Give some to Mum, she might like some,” I told her. “Alright!” Agad din siyang tumayo at tumakbo patungo sa kusina. Si kuya ay muli nang umakyat sa second floor. Ang mga pinamili namin ay naiwan na dito sa baba. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Di ko alam pero parang galit na naman siya, kanina pa siya ganyan sa Ryman. Nagtungo naman ako sa kusina. Abala pa rin si mama sa pagluluto, pero ngumunguya-nguya siya ng tinapay na isinusubo sa kanya ni Gillian. "Mama!" I greeted warmly. The delicious aroma of the dish instantly hit me. "Hmm, ang bango ng calderetang baka!" "Kumusta ang lakad niyo?" nakangiti niyang tanong. “It went well, Mum! Kumain at nagkape po muna kami sa Ole & Steen, bago namili ng mga school supply sa Ryman." "Kaya pala may pasalubong si ate," sagot ni Gillian habang patuloy pa ring kumakain. Sinubuan niyang muli si mama, na agad din namang tinanggap ni mama. "Mamaya naman 'yan, anak. Manananghalian na tayo. Baka hindi ka na makakain niyan," saway ni mama sa kanya. "Kakain ako, Ma. Masarap ang ulam, eh," sagot naman ni Gillian. Tumakbo na rin siyang muli palabas ng kusina. Natawa na lamang kami ni mama. “How’s your brother?” tanong niya habang naghahalo nang niluluto niyang ulam. "Okay naman po, Ma. Aksidente po kaming nagkita ni Theo sa Ole & Steen kanina, kaya hindi namin naubos ang tinapay at pina-take out na lang namin." "Really?" Napalingon naman kaagad siya sa akin. "Opo, at nagkaharap sila doon ni kuya. I had to stop Kuya straightaway to prevent any trouble.” "Hay, ang kuya mo talagang 'yan." Napahugot siya ng malalim na hininga. "Baka hindi ka makapag-asawa ng dahil sa kanya." Napahinto ako sa sinabi niya. “Umm, well... marriage isn’t really on my mind yet, Ma. I’m still young.” Nagtungo ako sa fridge at nagbukas nito upang maiwasan ko ang mga mata niya. Dinampot ko dito ang tumbler kong may lamang tubig. Agad ko itong binuksan at ininom. Napansin ko ang biglang pagtahimik ni mama, at pagtulala sa kawalan habang nasa harapan pa rin siya nang niluluto niya. “Are you alright, Mum?” I asked her. Muli siyang huminga ng malalim. "Wala bang naikukwento sa'yo ang kuya mo kung ... may babae na ba siyang nililigawan? Wala ka bang napansing picture sa mga gamit niya o kahit sa cellphone niya?" “None at all, Mum…” I answered softly. “W-Why do you ask?” Muli siyang lumingon sa akin at tumitig. Parang may gustong ipahiwatig ang mga tingin niyang 'yon. "Wala naman... Hindi naman siguro..." "S-Siguro ano, Ma?" Bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim at muling bumaling sa kaldero. "Wala, anak. Forget it. He wouldn’t possibly do such a thing." Humina ang boses niya sa huling pangungusap na sinambit niya, pero malinaw ko pa ring narinig. "W–What is it, Mum?" “Nothing, sweetheart… Go get changed now, your dad and siblings will be here any moment.” Hindi kaagad ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang mas lalo pang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay naghihinala na siya, hindi sa akin kundi kay kuya. “O-Okay, Ma.” Ibinalik ko ang tumbler ko sa fridge na may laman pa at nagtungo nang muli sa pinto. Pero kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghabol ng tingin sa akin ni mama. Shit. Kailangan naming mas lalong mag-ingat ni kuya. Baka bantayan ni mama ang mga kilos naming dalawa. Pagdating ko sa second floor ay sarado ang silid ni kuya. Hindi ko na lang muna siya inistorbo. Pumasok ako sa loob ng silid ko at nagpalit ng damit. ***** BAGO MAGTANGHALI ay dumating na sina Papa at mga kapatid namin. Doon ko pa lamang pinasok si kuya sa silid niya. Nakahiga siya sa kama niya at natutulog. “Kuya…” I gently shook his shoulder while sitting at the edge of the bed. “It’s lunchtime now. Papa and our siblings are already downstairs.” “You go ahead,” mahina niyang sagot nang 'di dumidilat ang mga mata. "Hindi pwede. Ipapatawag ka din ni papa." He gave no answer and didn’t move either. Nakatihaya lang siya, walang pang-itaas at jogger pants ang pang-ibaba. Nakabukol doon ang higante niyang alaga. Nangangati ang kamay ko. Parang gusto ko 'yong daklutin, pero mahigpit kong pinigilan ang sarili ko. Napakaganda rin ng katawan niya—broad chest, muscular arms and shoulders, and a perfectly defined set of eight abs across his stomach. Gusto ko siyang hawakan pero pinili kong ikuyom ang mga palad ko. "Parang naghihinala yata si mama sa'yo," mahinang sabi ko sa kanya. “She asked me earlier if you’d ever mentioned a girl you might be courting, or whether you already have a girlfriend. She even wondered if I’d found any photos of girls among your things. Tapos tulala siya kanina na parang may malalim na iniisip... Nagtataka na siya dahil sa edad mong 'yan, wala ka pa ring ipinapakilalang babae sa kanila. Tapos, ganito ka kahigpit sa akin." Doon ko mukhang nakuha ang atensyon niya. Dumilat ang mga mata niya at tumitig sa kisame. "Ano'ng gagawin natin, Kuya?" halos bulong ko nang tanong. “Nothing,” malamig naman niyang sagot bago bumangon at tumitig sa akin. “What were you expecting? You don’t want this family torn apart, do you? You don’t want to leave them.” Napahugot akong bigla ng hangin sa dibdib nang bigla itong bumigat. "Bakit ba parang okay lang sa'yo na magalit sila sa atin? ... Siguradong itatakwil nila tayo—" "Hindi natin sila habambuhay makakasama, Grace," agad niyang putol sa sinasabi ko. "Dapat alam mo 'yan... Hindi tayo habambuhay ganito... We can’t keep it hidden forever." "K-Kung ganun, a-ako ba ang pinipili mo kaysa sa kanila?" Hindi kaagad siya sumagot. Lumibot ang mga mata niya sa kabuuan ng aking mukha, bago tumitig ng matagal sa mga labi ko. "I’d let them go, if it meant keeping you," mahina niyang sagot. Agad na rin siyang umalis ng kama. Ako naman ang hindi nakaimik. Hindi ko alam kung masaya ba 'yon o ano? Bakit parang ang sakit sa dibdib nang sinabi niya? Ganun lang kadali para sa kanya ang mawala ang pamilya namin, na para bang hindi niya minahal noon, na parang wala lang halaga sa kanya. Tinuring siyang parang tunay na anak ng mga magulang namin, at kuya naming magkakapatid. Hindi naman siya ganito noon. He used to love Mum and Dad so dearly. Why has he suddenly changed?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD