Gracelyn Fairford
"Hello, Mr. Bennett!" bati ko sa kanya na may alanganing ngiti. Mabilis din akong kumaway sa kanya, pero agad ko ring binalingan ang pagkain namin ni kuya. "Kuya, bilisan mo na. Nag-text na si Mama, kailangan daw nating umuwi kaagad. I-take out na lang natin itong tirang tinapay. Ubusin mo 'yang kape mo para hindi masayang."
Mabilis kong dinampot ang tasa ng kape ko at sunod-sunod ko nang nilagok ang laman. Thankfully, it wasn't too hot—easy enough to finish in a single sip.
Dinampot din naman niya ang tasa niya na may kakaunting kape na lamang ang laman. Ininom na rin niya ito kahit may nginunguya-nguya pang tinapay.
Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang marahang paglalakad ni Theo patungo sa counter, pero nasa amin pa rin ang paningin niya. He seemed a bit surprised that I called him by his surname. Ginagawa ko lang kasi 'yan whenever we're at school or when we're with our fellow teachers. Siya ang nag-request na kapag kaming dalawa lang daw ang magkasama o magkausap, tawagin ko na lamang daw siya sa pangalan niya.
Sinadya kong mag-Tagalog lang dahil hindi niya maiintindihan 'yon since purong British siya. Kami namang magkakapatid ay sanay mag-usap ng Tagalog dahil dyan kami pinalaki ni Mama.
"Halika na, Kuya. Hingi na lang tayo ng supot sa kanila para dito sa tira nating tinapay. Kakainin pa 'to ni Gillian pag-uwi natin. Siguradong matutuwa 'yon." Nauna pa akong tumayo sa kanya. Binitbit ko na rin ang platong naglalaman ng mga tirang tinapay. Marami kasi akong in-order kanina. Isinakbat ko na rin sa balikat ko ang bag ko.
Kinuha naman niya sa akin ang plato at siya ang nagdala sa counter.
Ako nama'y nagtungo na sa pinto at doon na lamang siya hinintay. Nakita ko ang paglingon niya kay Theo, na kasalukuyan nang nagbabayad ng order nito.
Si Theo ay ngumiti at bahagyang yumuko sa kanya. "If I'm not mistaken, you're Grace's eldest brother, aren't you? I recognised you from your family photo at her birthday."
"And why do you address her simply as Grace? Is she not your head administrator?" malamig na sagot naman sa kanya ni kuya.
Bigla akong kinabahan, lalo na nang biglang maglaho ang magandang ngiti sa mukha ni Theo.
"Kuya, let's go!" I called out to him.
Napalingon sa akin si Theo, at kita ko sa mga mata niya ang pagtataka. "Umm..." Muli rin siyang bumaling kay kuya. "I'm sorry, I meant no offence. Grace and I are simply good friends," aniyang muli.
Nilapitan ko na si kuya dahil iniaabot na sa kanya ng staff ang maliit na paper bag na naglalaman ng mga tinapay namin. Ako na ang tumanggap nito at hinawakan ko na rin ang braso niya para hilahin siya.
"Come on, Kuya." I glanced at Theo as well. "Sorry, we'll be leaving now." Tuloy-tuloy ko nang hinila si kuya patungo sa pinto.
Tumango na lamang si Theo bago tumitig sa akin. I caught the sadness and disappointment in his eyes, but I chose to ignore it.
'Di rin nagtagal ay nakalabas na rin kami ng Ole & Steen bakery. Hinila ko pa rin siya patungo sa direksyon ng pakay namin dito sa Queen Street.
"Kuya, nakakahiya, naririnig kayo ng ibang tao doon sa bakery. Baka sabihin—"
"Are you defending that ugly bastard?" agad niyang tanong. Ramdam ko ang galit sa tono niya.
"I'm not defending him, but you and me as well. They'll know me as the head administrator of Fairford Early Learning Centre. They'll know you as my brother. Baka kung anong isipin o sabihin nila sa atin. Ikasisira 'yon ng pangalan ng school natin. Pwede namang kausapin si Mr. Bennett pero hindi sa maraming tao. Kakausapin ko siya para burahin niya—"
"What I want is for you to have him removed from the school," giit niya kaagad.
"Kuya, please, just listen to me first." Para akong nanghihina. "Hangga't puwedeng ayusin nang mahinahon, gawin na lang natin. If we can talk to him nicely, then let's try that first. Huwag muna tayong padalos-dalos. Hindi magandang bigla na lang natin siyang tanggalin sa school nang walang mabigat na dahilan. Personal naman 'yong tungkol sa mga larawan at video namin sa social media, at wala naman 'yong kinalaman sa trabaho niya sa school... Baka mas makasama pa—baka may gawin pa siyang hindi maganda. Pagtatakhan din 'yon ng ibang teachers at admin."
"Let him try. Hihiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya," matigas niyang sagot.
"Kuya naman, eh. Please, calm down and try to be more understanding. I promise, iiwasan ko na siya. Wala naman siya sa akin, eh. Katrabaho at kaibigan ko lang siya."
Hindi siya sumagot, at huminga lamang ng malalim.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya habang patuloy kaming naglalakad.
Natatanaw ko na kaagad ang Ryman stationery store sa dulo nitong street.
"Just make sure he deletes every picture and video of you on social media," he said firmly. "And don't let me catch you talking to him again." Ramdam ko ang mabigat niyang paghinga.
"Hindi ko magagawa 'yon sa lahat ng oras, Kuya. Head teacher siya at 'di maiiwasan—"
"Trabaho lang, Gracelyn. Trabaho lang at wala ng iba pa," giit niya kaagad.
"Oo, sa trabaho lang. Mag-uusap pa rin kami kapag tungkol sa trabaho lang."
"And don't you dare let him step inside our house."
"I won't, I swear."
"You won't like what I'll do if you don't obey me."
"Alam ko naman 'yon."
"You've learnt to hide and to lie. Maybe you're doing the same with me."
Agad ko siyang nilingon. "Huwag mong kalimutan na dahil sa'yo kaya natuto ako niyan."
Bigla siyang huminto sa paglalakad at nilingon din ako. "What do you mean by that?"
"This is the only lie and secret I've ever kept in my whole life ... and it's all because of you, Kuya. Nothing else."
"Pagod ka na ba?" tanong naman niya. "Sabihin mo lang kung kailan ka na handa... Sabihin mo kaagad sa akin kung anong desisyon mo."
"Hindi ko pa alam, Kuya." Biglang nangilid ang mga luha sa aking mga mata, at 'di ko mapigilang humikbi. "Hindi pa ako handa... hindi yata ako magiging handa kahit kailan..." Agad na tumulo ang mga luha ko. "Mahal ko ang pamilya natin. Mahal din kita. Ayokong mamili. Ayokong mawala isa man sa inyo... Titiisin ko na lang na ganito tayo ... hangga't kaya ko... Nahihirapan ako pero kakayanin ko."
Hindi siya sumagot. Nakikita ko rin ang hirap sa mga mata niya.
Huminga siya ng malalim, at muli na akong inakay sa paglalakad. Kumalas siya mula sa braso ko at umakbay sa akin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.
Niyakap ko naman siya sa baywang niya, at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.
THIRD PERSON POV
Nangunot ang noo ni Theo Bennett habang pinagmamasdan ang mga kilos ng magkapatid na Fairford na ngayo'y malayo na.
Kalalabas lamang niya mula sa Ole & Steen bakery, bitbit ang isang disposable takeaway cup na naglalaman ng kape. Hinigop-higop niya ito habang nag-uumpisa na ring maglakad patungo sa direksyon na tinungo ng magkapatid.
Hindi niya mapigilang magtaka sa inasta ni Gracelyn kani-kanina lamang sa loob ng bakery, at sa mga ikinikilos ng magkapatid. Sa pagkakaalam niya ay maayos sila ni Gracelyn at inuumpisahan na rin niyang ligawan ang dalaga.
Ang kapatid naman nitong panganay ay ngayon niya lamang nakita sa personal, at kapansin-pansing iba ang mukha nito sa magkakapatid, maging sa mga magulang nila.
Natanaw niya ang mga itong pumasok sa loob ng Ryman stationery store.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating din niya ang lugar na iyon. Natanaw niya ang mga ito sa loob, at nag-uumpisa nang mamili ng mga school supply.
Pinagmasdan niya lang ang kilos ng mga ito mula sa glass wall. Inubos niya ang kape niya bago itinapon ang disposable cup sa isang malapit na basurahan.
Samantala, naging abala si Gracelyn sa paghahanap ng mga school supply na nasa listahang hawak niya. Tumutulong si Gavriel Bokbok sa paghahanap at pagkuha ng mga ito habang may bitbit na basket.
Pero hindi nakaligtas sa paningin at pakiramdam ni Bokbok ang mga matang nagmamasid sa kanila. Bilang isang undercover agent, malakas ang lahat ng senses niya sa paligid.
“Grace, I need to use the loo. I’ll be right back," mahinang paalam ni Bokbok sa kapatid.
"Sige, Kuya. Bilisan mo lang, ha," sagot naman ni Gracelyn habang abala ito sa pagpili ng mga pencil eraser na may mga magagandang disenyo. Masayang-masaya siya dahil alam niyang magugustuhan iyon ng mga bata.
Ibinaba ni Bokbok ang basket sa tabi ni Gracelyn bago naglakad patungo sa pinto ng Ryman.
Nang matanaw ito ni Theo ay mabilis siyang nagkubli sa gilid ng shop. Ngunit segundo pa lamang ay may mga kamay na agad na dumaklot sa kuwelyo ng jacket niya.
Nabungaran na lamang niya ang mukha ni Bokbok. Madilim ang anyo nito at nangangalit ang panga.
“Are you stalking us?” mariing tanong ni Bokbok sa kanya.
Nagulat at kinabahan si Theo. “N-No… well, yes, I d-did see you heading this way. I-I just thought I might be able to help, since it looks like you’re here for school… s-school supplies,” nahihintakutang sagot ni Theo.
Humigpit ang pagkakahawak ni Bokbok sa kuwelyo ni Theo, at mas inilapit pa niya ito sa kanyang mukha. “I don’t like you hanging around my sister… Stay away from her—delete every single photo and video of her from your f*****g social media account.”
Napaawang bigla ang bibig ni Theo habang nakatitig sa kanya.
“Don’t you dare test me… You’ve no idea what I’m capable of,” madiing dagdag pa ni Bokbok. Makikita ang nangangalit niyang panga at paggalaw ng mga ugat sa sentido at leeg.
Namutla namang bigla si Theo. “Y-Yes, I-I’m sorry… I’ll delete them right away. I swear, I never had any bad intentions towards Grace.” Halos kapusin siya ng hangin sa dibdib.
Malakas siyang binitawan ni Bokbok. Tumama ang likod at ulo niya sa pader, pero hindi na niya ito ininda pa.
Puno ng babala ang mga mata ni Bokbok habang nakatitig sa kanya. Dahan-dahan itong umatras at muling bumalik sa loob ng Ryman.
Doon pa lamang bahagyang nakahinga si Theo. Tumulo ang mga pawis niya sa noo at leeg, ngunit nanlalamig ang mga palad niya.
Pero maya-maya'y dahan-dahang kumuyom ang mga kamao niya, kasabay nang pagtalim ng mga mata niya.