Gracelyn Fairford
"Group photos namin ang alam kong in-upload niya sa social media, Mama," ani ko kay mama habang nagpapatuyo ng buhok ko dito sa silid ko. "Hindi ko alam na may cropped photos naming dalawa. Kung 'di pa ipinakita sa akin ni kuya, hindi ko pa malalaman. You know I'm not fond of social media... But I don't think Theo meant anything bad by it."
Katatapos ko lamang maligo. Pupunta ako ngayon sa Ryman stationery store sa Queen Street para bumili ng mga school supply na paubos na ang stock. Ipina-send ko na lamang sa secretary ko ang list.
Usually ay siya ang kasama ko sa tuwing namimili, minsan naman ay siya na lang ang gumagawa niyon. But today, sinisipag ako dahil naririto si kuya. I'll make him my driver and assistant for the day! At hindi siya pwedeng tumanggi!
"Kausapin mo na lang siya kaagad, anak, and tell him to delete those photos of you two before your brother's anger gets worse and he does something he shouldn't," Mama said. "Alam mo naman siya kung paano magalit. Hindi rin naman kasi talaga tama ang ginawa ni Theo, since he posted those pictures and videos without your consent."
"Yes, Ma. I'll give him a call later." Agad na rin akong nagbihis.
"Wait, I thought you didn't have any plans today? Where are you going?" Umikot ang mga mata niya sa kabuuan ko. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama ko.
"Mamimili po ako ng school supplies, Ma. Mabilis lang naman po."
"Iiwan mo ang kuya mo?"
"Isasama ko siya." Agad ko siyang nginitian. "Minsan lang naman 'to, Ma."
"Papayag naman kaya siya?"
"Pipilitin ko siya."
Ngumiti din naman siya. "Sasabihan ko na siya, para makapaghanda na rin." Agad na rin siyang tumayo at nagtungo sa pinto.
"Thanks, Ma!" pahabol kong sabi habang nag-aayos na ng sarili ko.
Nagpulbos ako at nagpahid ng red lipstick sa labi. Matagal ko na itong binili pero first time kong gagamitin ngayon.
Nagmadali na ako dahil gusto ko nang makaalis. Nag-spray na rin ako ng pabango sa buong katawan.
Na-excite akong bigla! Para na rin kaming magdi-date ni kuya!
*****
Paglabas ko ng kwarto ko ay agad akong dumiretso sa room niya. Ngunit 'di ko siya nadatnan sa loob kaya bumaba na ako sa living area. Si Gillian ay nakahilata sa sofa at nanonood ng TV.
"Have you seen Kuya Bokbok?" I asked her, my bag slung over my shoulder.
"He's outside, Ate," sagot niya nang 'di ako nililingon at nanatiling nakatutok sa pinapanood niyang series.
Nagmadali na ako sa pagtungo sa pinto. "What about Mama?" I asked again.
"She's in the kitchen."
Hindi ko na siya pinansin pa. Agad kong hinanap sa bakuran si kuya. Hanggang sa makita ko siya sa garahe. Pinupunasan niya ang kotse niya. Nakapagpalit na rin siya ng damit, at mukhang naligo rin siya.
A smile crept onto my face. He only ever does that when he's planning to use the car.
I decided to head back inside and went to the kitchen. Nadatnan ko si mama, na naghahanda ng mga lulutuin niya.
Agad ko siyang nilapitan. "Aalis na muna kami, Ma." Humalik ako sa pisngi niya.
"Huwag kayong magtatagal. Umuwi kaagad para sabay-sabay ang pananghalian natin ng papa niyo. Magluluto ako ng masarap na ulam."
"Alright, Mum! I promise!" Agad na rin akong tumakbo palabas ng kusina.
"Take care!" she called after me.
"I will, Mum!"
Tuloy-tuloy na rin akong tumakbo palabas ng bahay at nilapitan si kuya sa garahe.
Napatingin na rin siya sa akin, at napa-second look pa, bago kumunot ang noo.
"What's that on your lips?" he asked. "Nasipa ka ba ng kabayo?"
"Huh?" Ako naman ang nagtaka. Napahawak akong bigla sa baba ko, at yumuko para sumilip sa side mirror ng car.
Nakita ko kaagad ang kaakit-akit kong labi na super pula sa lipstick.
"It's lipstick," I told Kuya.
"Burahin mo 'yan," he said as he opened the door and got straight into the car.
"Huh?" Napanganga naman akong bigla. "Buburahin?"
Napatanaw na lamang ako sa kanya sa loob ng kotse, pero hindi ko siya makita dahil tinted ang salamin niyon.
"Bakit ko buburahin?!" Agad na rin akong tumakbo patungo sa kabilang bahagi. Chivalry wasn't his thing, na pagbubuksan ka ng pinto, at aalalayang sumakay. Tsk.
Binuksan ko na lamang ito at agad na pumasok sa loob. Naupo ako sa tabi niya dito sa front seat.
"Bakit ko buburahin, Kuya? I look gorgeous with this on." Ibinaba ko ang visor mirror at pinagmasdan muli dito ang mukha ko, lalong-lalo na ang lips ko.
"Para kang prostitute," he muttered as he started up the engine.
Napalingon naman akong muli sa kanya.
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Kuya! Ano'ng prostitute! It's just red lipstick—I'm not a prostitute!" Para akong maiiyak habang nakatitig sa kanya.
Hindi ako makapaniwalang sinabihan niya ako no'n.
Nilingon din naman niya ako at tinitigan. "Ang sabi ko burahin mo 'yan. Or perhaps you enjoy catching the eyes of other men." Parang galit pa siya.
"Para sa'yo lang naman 'to, eh," mahina kong sagot, at 'di ko mapigilang humikbi. Excited pa mandin ako sa paglalagay ko nito kanina dahil akala ko ay magugustuhan niya.
"I don't need that," he said as he started the car. We drove out through the open gate.
Tumulo ang luha ko sa pisngi. Padabog kong dinampot ang tissue na nakapatong sa ibabaw ng dashboard at mariing pinunasan ang mga labi ko. Medyo masakit ito dahil sa diin nang ginawa ko.
Napasinok ako sa tahimik kong pag-iyak. Biglang nanikip ang dibdib ko.
Inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada. Lumabas siya at nilapitan muli ang gate para isara.
Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas sa labi ko. Sayang naman 'tong lipstick ko. Ang saya-saya ko pa kanina!
Muli siyang bumalik dito sa loob at isinara ang pinto sa tabi niya.
"Seatbelt," he said coldly, na 'di ako nililingon. He fastened his own seatbelt as well.
Tahimik ko na lamang ding isinuot ang akin.
Agad niyang pinaharurot ang kotse, at hindi na nagsalita pa sa buong biyahe. I chose not to speak to him either, staring out of the window instead.
Bakit ba kasi ako na-e-excite pa na makasama ang taong 'to? Palagi namang ganito ang ginagawa niya sa'kin. Napaka-cold niya, tahimik at masungit.
All he ever does is make me feel damn miserable.
*****
ILANG MINUTO lamang ang nakalipas ay nakarating kami sa Queen Street. He parked in a nearby public car park—the only sensible option within walking distance of Ryman.
Agad kong kinalas ang seatbelt ko. Pinatay naman niya muna ang makina ng kotse.
"Do you always do that?" he suddenly asked, making me glance at him. Kinakalas na rin niya ang seatbelt niya.
Muli naman akong napahikbi at naiyak. "Just now. It's the first time I've ever worn that lipstick."
"Wear it next time ... only when I'm the one who'll see you."
Napahinto ako at napatitig sa kanya.
Bigla naman siyang yumuko sa akin, hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa mga labi. Sinipsip niya ang labi ko, marahang humagod doon ang dila niya na tila ba nililinis pa niya ang natitira pang lipstick ko.
Napapikit na lamang ako habang ninanamnam ang tamis at lambot ng mga labi niya. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Tutugunin ko na sana siya, pero agad din siyang kumawala.
"Ayusin mo 'yang sarili mo," aniya bago tuluyang lumayo at binuksan na ang pinto sa tabi niya. Tahimik siyang lumabas doon.
Hindi kaagad ako nakakilos, pero agad ding nagbago ang nararamdaman ko. Nawala kaagad ang bigat sa dibdib ko, at wala sa sarili akong napangiti.
Umikot siya sa kabilang bahagi at binuksan ang pinto sa tabi ko. Agad naman akong humila muli ng tissue at pinunasan ang basa kong pisngi, at natitirang munting luha sa mga mata ko.
Kinagat-kagat ko na lamang ang labi ko bago ngumiti at lumabas na rin ng kotse. Inayos ko ang pagkakasakbat ng bag sa balikat ko.
After he closed the door again, he made sure it was locked with the remote key fob.
We immediately started walking out of the parking lot. Iniyakap ko sa braso niya ang braso at kamay ko, na nakasanayan ko na simula bata pa lang kami. Hinahayaan naman niya ako kahit hanggang ngayong tumatanda na kami.
"Ano bang bibilhin mo?" he asked softly.
"We're going to Ryman. Hindi naman ganun karami ang bibilhin ko," sagot ko habang lumilinga sa paligid.
Hindi pa ganun karami ang tao dahil maaga pa naman. Kabubukas pa lang din ng ibang shop. I could smell the aroma of coffee from the coffee shops we passed, as well as the scent of freshly baked bread.
"Hmmm, parang nagugutom na naman ako," mahina kong sabi. "Ang babango ng mga tinapay sa bakeries, Kuya." Napapahabol ang ilong ko sa mga mababangong amoy na 'yon.
"Gusto mo bang kumain ulit?" he asked, glancing around as well.
"Kakain ka rin ba?"
"I'll join you."
His words made me smile unexpectedly. "Alright then!" Halos mapalukso pa ako sa tuwa. "Nagda-diet ako, pero pass muna ngayon."
"Stop that," sagot naman niya habang hinihila ako patungo sa Ole & Steen bakery.
Muli naman akong napahinto, at napanguso. "Bakit na naman?" mahina kong tanong.
"Who are you trying to impress?" halos pabulong na lang niyang tanong dahil may ilang mga tao sa paligid na hindi pwedeng makarinig ng ganitong klase ng usapan namin.
"Ikaw lang," ungot ko naman kasabay nang paghigpit ng hawak ko sa braso niya.
Hindi siya sumagot, at hindi rin ako nilingon. Nakatutok lang ang paningin niya sa mga tinapay na nasa loob ng mga makakapal na glass display cases.
Maya-maya'y hinila niya rin ako papasok sa loob, at doon pa namin nakita ang iba't ibang klase pa ng mga tinapay.
May mga table at upuan din sila dito.
"Pumili ka na," mahina niyang utos. "Calories don't matter. You're mine."
Muli akong napahinto sa sinabi niya.
Kumabog na naman ng malakas ang puso ko. Hindi ko malaman kung paano ngingiti, na 'di mapapansin ng mga tao dito na kinikilig ako. Bloody hell!
Bakit ba ganito si kuya? Ang simple lang ng mga sinasabi niya, pero para na kaagad akong maiihi sa kilig.
Hay, calm down, Gracelyn. Ikalma mo 'yang kiffy mo. Nasa public place tayo ngayon!
Muli ko na lamang itinutok ang paningin ko sa mga tinapay at pumili na kaagad ng masarap. Parang lahat naman sila ay masarap ngayon para sa akin, lalo na itong lalaking katabi ko at hawak ko pa rin ang braso.
Kumalma ka, Gracelyn! Ang landi mo na!
Huminga ako ng malalim at ibinigay na sa tindera ang mga napili kong tinapay. Um-order na rin kami ng kape. Hinugot ni kuya ang wallet niya at siya na ang nagbayad.
I quickly chose a table indoors. Kuya stayed at the counter for a moment, then came over carrying the tray with our order.
“Wow! This looks amazing!” bulalas ko habang pinagmamasdan ang mga pagkain. “Mmm, the coffee smells incredible.”
Naupo na rin siya sa isang silya sa harapan ko.
Nagsimula na kaagad kaming kumain.
“Mom said we should head home early. Maagang uuwi sina Papa at mga kapatid natin. She wants us to have lunch together,” I told Kuya.
Hindi naman siya sumagot. Patuloy lang din siya sa pagkain ng tinapay at paghigop ng kape niya. Magana naman siya.
Luminga ako sa paligid, wala nang bakanteng mesa pero marami pa ring pumapasok dito sa loob.
Muli kong dinampot ang tasa ng kape ko at hinigop ito.
"Grace?"
Ngunit kamuntik na akong masamid sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. I looked around, and my eyes landed on the man now standing in the doorway of the bakery. Napakaganda nang ngiti niya habang nakatitig sa akin.
Oh, s**t!
Bigla akong napamura sa isipan ko. Si Theo Bennett.
Fucking s**t. Bakit naman ngayon pa siya nagpakita?!
Lumingon ako kay kuya. Siya nama'y nakatitig na ngayon kay Theo, at ramdam ko na kaagad ang pagtaas ng tensyon sa mesa namin.
Oh, God… not now.
Sayang itong kape at tinapay namin.