Gracelyn Fairford
Agad akong pumasok sa loob ng silid ko, at tinungo ang nakakandado kong cabinet dito sa closet. Kinuha ko muna ang susi sa wallet ko na nasa bag ko bago ito binuksan.
Kinalkal ko ang mga laman nito—mga pera at alahas. Sa ilalim ay nakita ko ang mga pills kong nakatago. Umiinom pa rin ako nito kung minsan kapag ganitong aksidenteng nailalabas ni Kuya Bokbok ang mga semilya niya sa loob ko.
Nasanay na siya sa withdrawal, pero kapag matindi ang emosyon niya, nahihirapan siyang kontrolin ang sarili niya. Parang nawawala siya sa sarili.
Agad kong kinuha ang isang banig ng pills.
"Anak—"
"Mama!" napasigaw naman akong bigla at napalingon sa likod. Ganun na lamang ang gulat at kabang naramdaman ko. Nasa pinto si Mama at nakatitig sa akin.
Fuck! Pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso!
"Oh, gulat na gulat ka naman masyado," aniya, na medyo natatawa.
"Eh, k-kasi naman, Ma. Bigla ka na lang nagsalita dyan. Hindi ka man lang kumatok." Pasimple at maingat kong ibinalik ang pills sa cabinet sa likuran ko, bago marahan itong itinulak ng pwet ko pasara.
"Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka? Ano bang kinukuha mo dyan?"
Agad akong nag-isip ng palusot. "Ah, wala, Ma. Kukuha lang sana ako ng pera. Bibili ako ng ice cream. Pampalamig ng ulo ni Kuya."
"Galing na ako dito kanina, pero wala ka. Saan ka ba galing, at ano na naman bang pinagtatalunan niyo kanina ng kuya mo?"
“I-It was just about Theo, Ma.” Ikinandado kong muli ang cabinet, at pasimpleng inihulog sa bulsa ng robe ko ang susi. “He saw our pictures and videos on one of Theo’s social media accounts. Puro cropped 'yong photos at in-upload ni Theo na kaming dalawa lang ang naroroon, kahit group photos 'yon ng lahat ng teachers."
Tuluyan na siyang pumasok dito sa loob. Ako nama'y nagtungo sa kama at naupo sa gilid.
"Eh, nanliligaw na ba talaga sa'yo ang Theo na 'yon? Nakita ko rin kasi ang kakaiba niyang tingin sa'yo kahapon. Iba 'yong kinang ng mga mata niya, at mga ngiti niya, na para bang ikaw lang ang nag-iisang babae sa mundo."
“Mum, please lower your voice,” I whispered to her. “Kuya might hear you. He’ll freak out again.”
“I’ll talk to your brother about it.”
"Huwag na, Ma," agad kong pigil. "Alam mo naman si Kuya—"
“No, anak. You’re not a child anymore," mahinahon niyang sagot. "Oo, noon ay hinahayaan namin ang pagiging overprotective at possessive niya sa'yo para hindi ka mapahamak, at malapitan ng mga kung sino-sinong lalaki. Pero ngayon, hindi na pwede ang ganito. Nasa tamang edad na kayo pareho. May mga sarili na kayong buhay. Pwede na kayong makipag-socialize sa kung kani-kanino. Pwede ka nang magpaligaw sa gusto mong lalaki, at ganun din naman siya dapat ... sa nagugustuhan niyang babae... Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinapakilala sa atin ni isa. Tumatanda na rin siya."
Hindi ako nakasagot.
How could that even happen? Ako ang babae ni Kuya.
Pero hindi ako sigurado kung wala nga ba siyang iba, dahil hindi naman namin siya nakakasama araw-araw.
"Tamang-tama na naririto siya, anak. Kakausapin ko na siya tungkol dyan." She immediately stood up and headed for the door.
Kinakabahan ako sa gagawin niya, kaya napasunod ako sa kanya.
Paglabas niya ay dumiretso siya sa silid ni Kuya. Kumatok muna siya sandali bago niya ito binuksan.
"Anak?" mahina niyang tawag habang sumisilip sa loob.
Di rin nagtagal ay pumasok siya at muling isinara ang pinto.
"Hayst, shit." Napakamot ako sa ulo. Nagtungo rin ako sa pinto ng silid ni Kuya.
I turned the doorknob gently, then pushed the door open slightly and peered inside.
Kuya was on the balcony, staring off into the distance.
Lumapit sa kanya si Mommy.
“Are you alright, son?” she asked. "Nagagalit ka na naman daw dahil sa isa sa mga teacher ni Gracelyn." Mahinahon ang tono niya.
“Mum, I’m just trying to protect her,” Kuya said softly.
“But, my dear … that seems a bit much. Mukha namang mabait si Mr. Bennet—"
"Mum, hindi siya matinong tao. He’s obsessed with Gracelyn,” Kuya replied quickly.
Napakagat-labi ako dito sa pinto.
“And how can you say that?” Mum asked. "Nakaharap mo na ba ang taong 'yon?"
“I’ve seen their photos on social media. Cropped and uploaded without my sister’s consent… Gawain ba 'yon ng matinong tao? Ng isang teacher na tulad niya?" Tinitigan niya si Mama habang salubong ang mga kilay niya.
Mukhang nagulat naman si Mama. "A-Ano? Walang consent ni Gracelyn? Hindi niya alam?"
“Yes, Mum. There’s so much of it—videos too,” Kuya replied. Ramdam ko pa rin ang galit sa tono niya.
Napalunok akong bigla. May point naman siya.
"Oh, my God." Napasinghap si Mama.
“I’m telling Gracelyn to remove that man from the school before he can do anything worse to her,” Kuya said.
"Hindi naman siguro aabot sa ganun, anak. You might be overthinking—”
"Hihintayin pa ba natin 'yon?"
Hindi nakasagot si Mama.
Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Kumakabog naman ng malakas ang puso ko habang nakatanaw sa kanila.
"Ganito na lang, anak," ani Mama. "I’ll speak to Mr Bennett about the photos and videos of him and Gracelyn, and we’ll look into all his actions. Kapag mayroong kahina-hinala, at may napatunayan kaming—"
“Mum, isn’t what he did already enough to count as misuse of private information?" matigas na sagot ni Kuya. "He could be taken to court for that and removed from our school,” giit pa rin niya.
"Kausapin muna natin si Gracelyn kung wala nga ba siyang consent kay Mr. Bennett na i-upload ang mga larawan at video nila sa social media... Huwag muna tayong magpadalos-dalos, anak. We should also inform your father… Just calm down for now, my son. We’ll handle this.” Tinapik-tapik ni Mama ang balikat niya.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim.
Isinara ko nang muli ang pinto at bumalik sa silid ko.
Malaking problema ito.
I am a pre-school administrator at a large Nursery School, which was established by Mum ten years ago. Noong mga bata pa kami ay maliit lamang ang paaralang ito—just a single building beside our house. It was a simple classroom made of wood, with a few toys and plastic chairs.
Pero ngayon, sa paglipas ng panahon ay nakabili ang mga magulang ko ng malawak na lote sa town center ng aming suburb dito sa Oxford. Doon nila itinayo ang mas malaki at mas modernong version ng paaralan—ang Fairford Early Learning Centre, na ngayon ay kilala na sa buong komunidad bilang isa sa mga pinakamahusay na nursery school sa lugar.
It now has twelve classrooms, each designed for a different stage of child development: rooms for infants, toddlers, and pre-schoolers. May art room, music room, quiet room para sa mga gustong magpahinga o magbasa, at isang outdoor garden area kung saan isinasagawa ang aming forest-style play sessions tuwing maganda ang panahon.
Ang lokasyon nito sa town center ay naging malaking tulong—madaling puntahan ng mga magulang, malapit sa community park, simbahan, at local shops. Dito rin ginaganap ang mga buwanang family events at teacher-parent meetings, kaya't hindi lamang ito paaralan, kundi isang aktibong bahagi ng aming pamayanan.
Bilang administrator, ako ang nangangasiwa sa pang-araw-araw na operasyon ng paaralan. Tumutulong pa rin naman si Mama, pati na rin ang mga guro to ensure the safety, happiness, and holistic learning of every child.
This is my world—colourful, noisy, full of laughter and questions.
But behind this cheerful world, I carry a heavy and complicated situation. Ang pag-ibig ko sa kapatid ko, na hindi pwedeng malaman ng mundo.
Paano ko ba magagawang tanggalin si Theo sa school? Maganda ang samahan namin—mabuti siyang kaibigan at may malasakit sa lahat, lalong-lalo na sa school at sa mga bata. Siguro, hindi lang kami nagkaiintindihan.
Ipapabura ko na lang sa kanya ang mga photo at videos naming dalawa, para wala nang gulo. Ayoko rin namang sumama ang loob niya sa 'kin.
Ayokong masira ang magandang samahan namin. Kahit halos dalawang taon pa lang siya sa school namin, nakasundo niya kaagad ang lahat ng teachers at parents dahil magaling siyang makisama. The children adore him too. He’s an excellent teacher, which is why I immediately promoted him to head teacher.
At sana ay lawakan din ni Kuya ang pang-unawa niya. Hindi ko naman siya ipagpapalit sa taong 'yon.