Gracelyn Fairford "Nakita mo talaga kung paano siya naaksidente kanina?" agad kong tanong kay Kuya Bokbok pagpasok niya sa driver's seat. “He deserved it ... for spying on other people,” sagot naman niya na ikinahinto ko. “Spying?” Unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko. Bumuntong-hininga siya ng malalim habang binubuhay na ang makina. Mabilis din niyang ikinabit ang seatbelt niya. “He tried to tail us earlier, kaya pinasabog ko ang mga gulong ng kotseng sinasakyan niya." "Oh, my God." I instantly covered my mouth, staring at him in disbelief. “W-What if something worse happened to him? What were you thinking, Kuya?” "Mas gusto mo bang malaman niya ang tungkol sa atin kaysa do'n?" Agad na rin niyang pinaandar ang kotse. "Hindi naman sa ganun, but … did he figure out who was behi